"Pagmamahal na walang katumbas"

30 2 0
                                    

Ang pag-ibig bakit nga ba nananatili pa rin kahit walang kapalit?Walang sukli?Sa madaling salita hindi kayang tumbasan ang pagmamahal na iyong ibinibigay,ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pagpintig para sa kanya?
Kahit nasasaktan ng palihim habang nakatingin hindi pa rin kayang umiwas ng iyong mga mata habang nakikita mong magkasama silang dalawa.Masayang naglalakad habang magkahawak kamay at ikaw ay nasa kanilang likuran...umiiyak at patagong nasasaktan.Ngunit kahit na ganoon,hindi mo pa rin mapigilan ang iyong puso na mahalin siya dahil ang pagmamahal hindi lang tungkol sa kasiyahan.Ang pagmamahal ay may kaakibat na sakit lalo na't totoo ang iyong pag-ibig para sa kanya.Hindi ka titigil na mahalin siya dahil alam mong kahit pa masakit ang mahalin siya, ang mahalaga nasunod mo naman ang kagustuhan ng iyong puso na sumaya habang minamahal mo siya.

Sari-sari (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon