"THE PROMISE"

17 1 0
                                    

"P-patawad hindi ko na siya napigilan,wala akong nagawa s-sorry."Ibinuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon sa pamamagitan ng pag-iyak.Lumuhod ako habang humihikbi at hinawakan ang kamay niyang nanginginig na rin.Marahil ay lubos na ang galit niya dahil sa nalaman.Alam kong hindi niya matatanggap na iniwan siya ng kanyang taong pinakamamahal.Ang akala niya'y hindi ko ipinarating kay Nina ang mga paliwanag nito,kaya naman...alam kong nasasaktan siya ng sobra ngayon.Ang akala ko 'pag nagsinungaling ako ngayon na umalis lang ito at babalik naman ay hindi ito iiyak at masasaktan...pero ito...ang pinakamamahal ko'y lumuluha nang hindi niya namamalayan.Minahal ko siya ng lubos.Kaya ngayon sobra akong nasasaktan at nahihirapan sa sitwasyon ko.Siya pa ang nagdurusa dahil ang alam niya'y nawala ang taong pinakamamahal niya nang dahil saakin.Lubos akong nanghina nang iwaksi niya ang kanyang braso upang mabitiwan ko siya sa pagkakahawak.Tila ba siya ay nandidiri at puno ng galit sa ikinikilos niya ngayon.Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung gawin,pero paninindigan ko na ito,dahil alam kong dito,hindi siya gaanong masasaktan.Ako man ay pagod na rin sa sakit at sa lahat hindi ko pa rin siya kayang talikuran.Kaya ngayon pinipilit ko pa ring tumayo ng tuwid sa harapan niya.

"This is all your fault!Dahil sa'yo hindi niya nalaman ang totoong nararamdaman ko!"Pumatak sa mga mata niya ang mga luhang ayaw-na ayaw kong makita kahit kailan.Nagkapira-piraso ulit ang puso ko na kanina pa durog na durog.Gusto ko mang punasan ang mga luha niya ngunit alam kong wala akong karapatan dahil hindi ako ang taong dapat na gumawa 'nun para sa kanya.Dahil alam kong hindi ako 'yong taong mahal niya.Pakiramdam ko hindi na matatapos ang sakit.Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas.

Napahilamos siya sa kanyang hilam na mga mata na galing lamang sa pag-iyak.Awang-awa ako sa kanya dahil kasalanan ko.Oo...sa pagkakaalam niya'y kasalanan ko ang lahat kaya aakuin ko.Alang-alang sa kanya.Sa lalaking pinakasalan ko dahil nabuntis ako ng hindi sinasadya.Alam ko napilitan lamang siya dahil sa mga magulang niya kaya inintindi ko na lang.Inintindi ko ang pakikipagrelasyon niya sa kaibigan ko kahit kasal kami.Alam ko kasi na sa simula pa lang sila na talaga ang nagmamahalan.Sinuportahan ko siya kahit masakit dahil alam kong doon siya masaya.Ang kaligayahan ko na lamang talaga ay ang aking kaisa-isang anghel na si Laira,na siyang anak namin ni Bernard.

"B-bernard hindi ko alam na mangyayari 'to.Alam kong mahal na mahal mo si Nina kaya wala akong plano na sirain kayong dalawa...maging ang napagkasunduan nating hindi ko kayo hahadlangang dalawa."Umangat muli ang nanginginig kong kamay upang abutin siya ngunit umatras siya nang dalawang hakbang.Dati ay tanging lamig at walang emosyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata,ngunit ngayon ay parang hindi na yata mawawala ang poot na siyang nararamdaman niya.Napahawak ako sa mesang nasa tabi ko dahil nakaramdam ako ng hilo.Ito na naman at nanghihina ako dahil sa sakit kong ito.Hindi ko naiwasang sumulyap sa kamao niyang nakakuyom.Buhat doon ay nakikita ko na ano mang oras ay kaya niyang manakit.Lalo akong nanginig sa takot,pighati at sakit.Kung mamamatay man ako ngayon,magpapasalamat pa rin ako dahil siya ang huling masisilayan ko bago ko lisananin ang mundong ito.

Ilang sandali pa'y walang nagsalita sa aming dalawa.Pinakiramdaman ko siya bago ako humugot ng malalim na hininga.Nang sa ganoon ay magkaroon ng lakas ang puso kong kanina pa nanghihina.

"S-sabihin mo ang gusto mong gawin ko patawarin mo lang a-ako."Hindi ko alam kung dapat ba talaga akong humingi ng tawad.Pero sa tingin ko'y ito ang dapat kong gawin.Ang tanging nais ko lamang ay patawarin niya ako.Gagawin ko ang lahat...lahat-lahat.Kahit pa wala akong ginawang ikasasama niya,kundi ang ikasasaya at ikabubuti lamang niya.Ang nais ko lamang para sa kanya ay maging masaya
siya kaya ibibigay ko na sa kanya ang kalayaan na hinihingi niya.
Hindi man ako handa ay kailangan kong maging matatag para sa aking sarili at para sa aking anak.

"Ibalik mo siya...At ihanda mo na ang annulment papers.Maghiwalay na tayo Ara.Saakin mapupunta si Laira.And pleasee Ara, get lost."Walang emosyon niyang sabi nang binitawan ang huling dalawang salita.Feeling ko wala talaga akong naging halaga sa kanya eh.Walang-wala ako kumpara kay Nina kaya hindi na dapat ako nasasaktan ng ganito.Dapat sa umpisa pa lang alam ko na.Ang durog kong puso ay mas dinurog pa ng pinong-pino.Pakiramdam ko wala nang mas sasakit pa sa mga binitawan niyang salita.Ang huli niyang kahilingan ay masisiguro ko...kahit pa hindi niya hilingin ay talagang mawawala ako.Ayaw ko mang iwan ang anak ko dahil bata pa ito ngunit kailangan.'Yon ang itinadhana saakin ng Diyos.Bilang na lamang ang natitirang araw na ipinahiram niya saakin.Ang unang kahilingan niya ang hindi ko masisiguro...dahil sa kadahilanang hindi ko mapipilit ang isang tao kung hindi niya naman kagustuhan ang hihilingin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sari-sari (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon