Una

39 6 0
                                    

I've always had this dream..

It felt so true..

I could familiarize all the people but I haven't met them in person..

And worse, It keeps on haunting me every night na parang kada gabi ay bagong episode.

It's freaking impossible!

"Veronica anak, may problema ba? Para ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa"

Tanong sa akin ng nag-aalala kong nanay.

"Ewan ko ba ma, Naranasan mo na bang magkainsomnia dahil sa isang panaginip?"

"Ang ironic naman ata niyan Onee, hindi ka nakakatulog dahil penepeste ka ng panaginip mo?"

Sinaway ko naman ang nakababata kong kapatid na si Sheldon. Kebata-bata sumasali na sa usapan ng iba. -.-

"Anong panaginip ba yan huh?"

"Ewan ko ba ma, ang hirap iexplain ehh pero nasa Spanish Era daw ako at.. basta! Aisshhh ang gulo talaga!"

Imagine me na nabuhay sa Panahon ng mga espanyol.. Baro't saya, may dala-dalang abaniko at pabebeng dalagang pilipina. Ack! No way!

"Okay, hindi na kita pipiliting magkwento para di ka na mastress. Bilisan niyo nalang ang pagkain baka malate pa kayo sa skwela"

Pinagpatuloy ko na ang pagkain at nagpaalam kay nanay na papasok na kami.

Ako pala si Veronica Rosales. Isang Grade 11 Student ng San Remegio University na walking distance lang sa bahay namin.

Normal at payapa lang ang buhay ko not until these nightmares are starting to pester me

"Sheldon, ayusin mo ang pag-aaral ah! Kukunin kita after school"

"Opo ate, alis na po ako"

Hinalikan ako sa pisngi ng kapatid ko at dumeretso na sa classroom niya. He's a Grade 7 student, at kahit bata palang siya eh isa na siya sa mga heartthrob sa junior highschool department kase napakacool niya daw sabi ng mga schoolmates niya at nakakainlove daw yung pagiging 'cold-hearted' niya. Aba ewan ko sa mga batang yun eh para sakin eh ang dugyot nga netong kapatid ko

"Magandang umaga Veronica!"

Bati sa akin ng bestfriend kong si Alliah na nag-aabang sa pinto ng classroom at hinihintay ako.

"Magandang umaga din Alliah"

"Huhu, namiss kita besshy!"

"Weekends lang naman tayong hindi nagkita ah."

Tumawa siya kaya sinabayan ko na huehue..

"So? Anyare na sa panaginip este-- nightmares mo?"

"Ugh, pinaalala mo pa. Episode 3 na yata ako eh, wag na nga nating pag-usapan yun nakakabad trip eh"

I decided na pumasok na sa classroom kaya sumunod na si Alliah sakin. Maaga pa naman kaya wala pa si Sir Joden at di pa kami late

---

"Good morning class"

"Good morning Sir Joden"

"As promised, magkakaroon tayo ng special lesson today sa history but before anything else may nais sana akong ipakilala sa inyong lahat."

Napuno ng bulungan at naiintriga ang mga kaklase ko at pinatahimik naman sila ni sir.

Hasta el FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon