Pito

8 3 0
                                    

Hinihingal ako nang magising ako.

That guy..

I think I've seen him before.

Gosh, saan nga ba ulit yun?

And then it came to me at naalala ko ang lalaking kamukhang-kamukha ni Federico sa panaginip ko.

Holy cow!

That Federick?!

Hearing his name makes my heart bleed.

"Oh gising ka na pala eh, maligo ka na at may klase ka pa."

Sabi ni mama na nasa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Opo ma."

Now it makes sense kung bakit kilalang-kilala ng puso ko ang lalaking nagbalik ng bag ko. Who would have thought na sa dami-daming lalaki sa mundo na magbabalik ng bag ko eh yung lalaki palang nakatakdang bibihag sa puso ko?

Saying that word sucks bleehh.

Mapaglaro talaga ang tadhana. Gumawa talaga siya ng paraan para makita ko ang lalaking nagpapahirap ng puso ko kahit wala namang ginawa.

It was the first time that I saw his face but my heart kept on jumping as if he want to be detached in my body and scream na siya ang matagal nang hinahanap ng damdamin.

Ugh, I'm being cliché.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako sa sala at nakita ang pamilya ko na hinihintay ako para sabay-sabay kaming kakain.

"Goodmorning, honey. How was your sleep?"

Tanong ni dad nang lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi nito.

"Okay naman po. Had some disturbing dreams pero nawala naman."

Or should I say, nagpatuloy hanggang sa nagising ako.

"Was your trip yesterday fun?"

"Yes mom, masaya at nakakapagod rin. We strolled around the whole mall at nakaheels ako! Buti na nga lang at naisipan ni Cris na umuwi pa kami, mukhang walang balak eh, haha"

Plus the unexpected appearance of that Federick na hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko.

"Speaking of Cris, sabi niya'y sabay daw kayong pupuntang school mamaya."

Eh? How come na hindi ako aware?

"Good morning po tita, tito."

Speaking of the devil.. Nagmano siya kina mama at papa tsaka nginitian ako. Yang ngiting yan? Diyan ako naiinlove eh!

**

Ilang sandali pa'y natapos na kami sa wakas kaya tumayo na kami sa sala at hinalikan ang parents namin sa cheeks.

"Goodmorning Veronica."

Hindi ko siya pinansin at lumabas na kami ng bahay at naglakad papuntang school since, walking distance lang naman to.

"Galit ka ba?"

"Porket tahimik eh galit agad? Di pwedeng wala sa mood magsalita?"

"Ahehehe, mukha kasi."

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang school at sinalubong naman ako ni Alliah

"Beshhyyy!!! Namiss kitaaa!!"

Eto na naman siya.

"Weekend lang naman tayong di nagkita ah."

"Kahit na, di kaya tayo nakapagbonding kasi buong araw kang tulog last Friday. Speaking of, okay ka na ba?"

Oo nga pala. Buong araw akong nanaginip. -.-

"Okay na naman ako. Overfatigue lang."

Sabay kaming pumasok sa campus at hinatid muna namin si Sheldon sa room niya.

"Beshy, ipakilala mo naman ako dyan sa katabi mo."

Nilingon ko si Cris na nasa tabi ko at tumingin siya sakin.

"Alliah, eto si Cris, kababata ko. Cris, Meet Alliah. Bestfriend ko."

Nagshake hands naman sila at si Alliah, panay ang pabebe! Pshh, kung di ko lang to kaibigan ay malamang binatukan ko na ito.

"Tayo na, baka malate pa tayo"

Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap at akala siguro nila wala ako. Hellooo, may tao pa kayong kasama psh -.-

Nakatungo lang ako sa arm ng upuan ko at di na pinansin ang mga taong nagchichikahan sa tabi ko. Edi kayo na, ewan.

May mga panahon talagang gusto mo lang matulog at hindi pansinin ang mga tao sa paligid mo at ito ang nararamdaman ko ngayon.

Maya-maya pa'y pumasok na si Ma'am Desideryo, ang adviser namin.

"Psst, Nica"

Napalingon ako kay Cris na nasa tabi ko. Ano namang kailangan neto?

"Ano?"

"Pahiram ballpen"

Naman, di ba ito nagdala ng ballpen?

"Ba't wala ka ba namang ballpen? Tsk"

Kainis naman! Wala akonglg magawa at kinuha yung pencil case ko tsaka nagkuha ng ballpen

"Wao, G-tech ah"

"Kaya pag nahulog yan at di na susulat, patay ka saken"

Mabuti nalang at natakot ko kase iningatan talaga niya ito

Natapos na yung period at nag aya si Alliah na magsnack sa cafeteria, hindi naman ako humindi dahil gutom din ako

But someone caught my eye, it was Federick. Nakatayo sya sa counter ng canteen at nagseserve ng pagkain, what is he doing here?

He caught me looking at him at napangiti naman ito,
my heart skipped a beat na ikinapagtaka ko.

"Ikaw yung naholdap kahapon diba? Hali kayo at ako naman ang maglilibre ng meryenda."

Grabe naman, nakakahurt may pangalan kaya ako noh? 

Wala kaming nagawa't sumunod nalang. I glanced at Cris at kitang-kita ko ang pait ng itsura niya. What's with his look?


"Sorry kung eto lang malilibre ko ah, bago lang kasi akong nagtatrabaho dito."


Halos lumuwa na yung mata ko dahil sa dami ng pagkain na nasa table. Nagsosorry na siya dito?


ANG DAMI KAYA NITO!


"Naku, ok lang noh! Ang dami na kaya nito! Tsaka di naman kami PG"


Tumingin siya sakin at ngumiti. UwU, kahit di ko siya kilala eh halos matunaw na yung tuhod ko sa ngiti niya.




A/N:

Happy New Year!!! Sorry sa late UD, writer's block lang. See ya next chapter mwahh



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hasta el FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon