Noon pa lang, sabi ko sa sarili ko na ang lalake na unang mamahalin ko ay dapat na siya na talagang pakakasalan ko.
Sabi ko, hindi ako basta-bastang mai-in love.
Pero sa pagdaan ng mga araw, habang ako'y mas nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa pag ibig, naisip kong hindi mo pala talaga mako-control ang nadarama mo.
Ewan ko ba! Ang gulo.
Oo, hindi naka depende sa puso o wala sa puso ang nararamdaman ng isang tao bagkus ito'y nasa kanyang isip lamang. Naipadarama lang ito sa tao dahil sa paglakas ng tibok na puso sa kadahilanang nakararamdam tayo ng biglang pagkasabik, pagkabigla, o ano pa man yan na nakakonekta sa ating isip.
Leche, para naman akong Values Education teacher with the match of Science sa mga pinagsasabi ko!
Pero, sabi sa discussion namin, Ang tao lamang ang may kakayahang kontrolin ang kanyang nararamdaman.
Pero bakit nung ako na, bakit parang ang hirap naman ata nitong kontrolin?
=================================
Date started: March 12, 2018
Revised date: July 15, 2020