Andito ako ngayon sa isang kilalang restaurant,kumakain ng lunch.Ang ganda ng tanawin na nakikita ko mula rito pero ibang-iba ang ganda nito sa tahanan ko.Walong taon na ang lumipas mula ng lumisan ako sa "Davianna" tirahan ng mga anghel tulad ko.
Naiwan ko doon sa Davianna ang anak kong si Xena.
Kamukhang-kamukha niya ang kanyang ama na si Eugene isang halfangel.Buo na ang desisyon ko na balikan si Xena upang dito na manirahan sa mundo ng mga tao.
------
Mula sa hindi malayo tanaw ko ang aking tahanan.
Hindi parin nagbago ang ganda nito.Isa lang ang gusto kong balikan dito.Ang anak ko.Sapagkat alam ko na mayroong masamang balak si ina laban sa akin, kaya niya ginagamit ang anak ko.Handa na akong harapin sila ng anak ko ngunit hindi ko alam kung sasama ba saakin ang anak ko.Kailangan ko munang mag-isip.
Heto ako ngayon sa kweba na ginawa ni ama para sa akin.Nakaupo sa bato at may hawak na apat na puting rosas.
Paano kung hindi sasama ang anak ko sa akin pabalik sa mundo ng mga tao?Paano kung nakuha na ni ina ang loob niya? Paano kung hindi niya ako paniniwalaan? Paano kung ipagtabuyan lang nila ako ni ina? Paano nga ba? Kinamumuhian ako ng ina ko,sapagkat hindi ko sinunod ang gusto niya na pakasalan ang hari.Mahal ko si Eugene at dala ko ang bunga ng pagmamahalan namin noong mga sandaling iyon kaya naman ay ganun nalamang katindi ang galit ni ina sa akin.Kinuha niya ang mga pakpak ko at isinumpa niya ako."Pagsisisihan mo ang ginawa mo saakin Arxena"yan ang huling sinabi ni ina saakin bago niya kinuha si Xena.
Kailangan kong magtiwala sa sarili ko at sa anak ko.Kaligtasan namin ng anak ko ang nakataya dito.Buo na ang pasya ko.Kailangan ni Xena ang tulong ko.Maaring hindi ibigay ni ina ang anak ko, ngunit kailangan kong gawin ang nararapat.Mayroon akong karapatan na kunin si Xena sa kanya dahil anak ko siya.Kailangan ko siyang iligtas habang maaga pa.
------
"Kamahalan nais ni prinsesa Xena na kausapin kayo"boses ng isa sa mga tauhan ni ina.Pumasok na ako sa palasyo at agad na hinanap si ina at si Xena.Hindi tinanggal ni ina ang karapatan ko na pumasok sa palasyo dahil alam niya na babalik ako.Nagtagumpay akong makita si ina at kaharap ko na siya ngayon.Hindi parin siya nagbago maganda parin siya.
Reyna Luxena:"Kamusta ka na anak ko."
Arxena:"Nasaan ang anak ko ina?"
Reyna Luxena:"Xena apo, hinahanap ka ng iyong ina.Halika apo ko. "
Arxena:"Xena, anak."
Nanlambot ang mga tuhod ko ng makitang papalapit ang anak ko sa gawi namin ni ina.Malaki na siya at walang pinagkaiba ang kanyang itsura sa kanyang ama.Umupo siya sa tabi ni ina.
Arxena:"Anak ko ang laki mo na."
Xena:"Lola sino po siya?"
BINABASA MO ANG
A Song For You (ONE-SHOT/FIRST ATTEMPT)
FantasyNo part of this story may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems, without the prior permission in writing from the author.This story tells about the life of an angel.She...