Gael's POV.
Nagmadali akong pumunta sa ospital nang sabihin ni Mom na gising na si Kathie. Habang nagd-drive ako papunta roon ay hindi ko mapigilan ang tuwang nararamdaman ko.
Pagkaparada ko ng kotse sa parking lot ay kaagad na rin akong pumasok sa ospital. Pagkatapos ay naglakad na ko patungo sa kuwarto ni Kathie.
Malayo pa lang ako ay nakita ko na sina Mom at Mrs. Buenavista na nakaupo sa labas ng kuwarto na ‘yon at umiiyak. Nagtataka ko silang nilapitan.
“Mom?” tawag ko sa kaniya. Tumingin si Mom sa akin at tumayo upang yakapin ako. “Mom? What’s wrong?” tumingin din ako kay Mrs. Buenavista ngunit nakaiwas siya ng tingin sa amin kaya kinabahan na ko. “Wait, I don’t understand what’s happening.”
Bumitaw si Mom sa pagkakayakap at malungkot na tumingin sa akin, “Pumasok ka sa loob,” she cupped my left cheek and caressed it softly with her right thumb. “Try your best to help her remember, kahit kaunti.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mom pero hindi na ko nagsalita, pumasok na lang ako sa loob at nakita si Kathie na nakatingin sa labas ng bintana habang nakaupo sa kama niya. Batid kong alam niya na may pumasok pero hindi lang niya ko nililingon.
Sobrang saya ko na makitang gising na siya, ngunit hindi ko maiwasan ang kabahan at mangamba dahil sa sinabi ni Mom.
“Kathie,” tawag ko sa kaniya ngunit nagtataka lang siya na lumingon sa akin.
“S-sino ka?” mahinang tanong niya. Natigilan ako sa ibinungad niya ngunit hindi ko ‘yon ipinahalata.
Pinilit kong ngumiti at bahagyang lumapit sa kaniya, “Hindi mo ko nakikilala?”
Umiling siya, “Sino ka ba? Saka… s-saka yung dalawang babae, sino sila?”
Hindi na ko naglakad nang mas malapit at naupo na lamang sa isang upuan. Nagbabadya na ang luha sa mga mata ko ngunit pilit ko itong nilalabanan.
“Love,” tawag ko habang nakatitig sa kaniya na nagpakunot sa noo niya. “This is me, Gael…” nagsusumamong dagdag ko.
“G-Gael?” tanong niya at tumango ako bilang tugon.
Ilang segundo niya kong tinitigan ngunit napaiwas din siya ng tingin at nagsalita, “W-wala talaga akong maalala,” lumingon siya sa may bintana at ilang saglit pa ay narinig ko na ang paghikbi niya. “I’m sorry… h-hindi ko talaga mayo maalala…” naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko at hindi ko namalayan ang pagtayo ko mula sa upuan upang lumapit sa kaniya.
I hugged her.
“It’s okay, I-I’ll help you to remember everything…”
Tumigil siya sa paghikbi at napabitaw ako sa yakap nang hawakan niya ang ulo niya, “A-argh!”
“K-Kathie, what’s wrong?!” nag-aalalang tanong ko.
Napasabunot siya sa sarili niya, “Argh!!!” sigaw niya at nagsimula nang umiyak dahil sa sakit.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Mom at Mrs. Buenavista, “What happened?!” nag-aalalang tanong nila.
“Stay here, tatawag ako ng doktor.” nagmamadaling sabi ko at saka lumabas ng kuwarto upang tumawag ng doktor na magche-check sa nararamdaman na ‘yon ni Kathie.
Nang matawag ko na ang doktor ay sabay kaming nagtungo sa kuwarto ni Kathie kasama ang isang nurse. Pagpasok namin ay naabutan namin na nakaalalay na sila Mom sa kaniya dahil halos bunutin niya na ang buhok niya dahil sa sobrang pagsakit ng ulo niya. “Arghhh!” sigaw niya habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Rental Girlfriend
Short StoryBook 1 (Trilogy) ******************************************* Isang ordinaryong babae na nagtatrabaho sa Girlfriend Company. Masaya naman siyang nagtatrabaho rito, pero isang araw ay bigla na lang siyang napili. Dito na nga ba magsisimula ang love st...