Chapter 15

1.3K 23 0
                                    

Gael's POV.

“Alam ko na ang gagawin, Dude.” sabi ni Joseph kaya napalingon ako sa kaniya at kunot-noong tinanong.

“What?”

“Hmm… paano kung ako na lang ang magpaliwanag sa kaniya?”

Umiling ako, “No. Kailangan kong manghingi ng tawad sa kaniya ng personal, yung ako mismo,”

“Dude, ito ah, think the possibilities. Paano kung kahihintay mo na pakinggan niya ang paliwanag mo, eh… mawala na siya sa’yo? Paano kung hindi niyo ‘yan inayos ng mas maaga, edi mas masisira ang relasyon niyo?”

I sighed. “You're right, pero ayaw niya pa talaga marinig ang paliwanag ko e. Baka lalong magalit sa’kin,”

“I'll help you to fix your problem.”

“How?”

“Pupunta ako ngayon sa bahay mo tapos ipapaliwanag ko sa kaniya lahat,”

“Ako dapat ang gagawa niyan pero… sige,” bahagya akong ngumiti at tinapik ang kanang balikat niya. “Thanks, Seph.”

Nginitian niya rin ako at tumango, “No problem. I’ll go now, then.”

“Okay, make sure that she's fine.”

“I will.” tugon niya. Tumayo na siya at lumabas na ng Bar.

Ako naman ay nag-order pa ng ilang drinks dahil sa inis na nararamdaman ko sa sarili ko.

Paglipas ng ilang minuto, hindi ko namalayan na ang dami na pala ng nainom ko. Nanlalabo at umiikot na ang paningin ko kaya yumuko ako ng bahagya. Maya-maya ay may biglang humawak sa balikat ko kaya nilingon ko siya pero hindi ko maaninag nang mabuti ang mukha niya.

But I know and I can feel that she’s not Kathie.

“Who are you?” naniningkit ang mga matang tanong ko.

“Let's go home,” malambing na sabi niya.

Sunod-sunod naman akong umiling, “No. I know you're not Kathie,” pagtanggi ko.

Ngunit kahit na anong pilit kong hindi makatulog dahil sa hilo ay nakatulog pa rin ako. At ang huli ko lang na naaalala ay ang inakay ako palabas ng Bar ng babae na ’yon.

Kathie's POV.

Nandito ako ngayon sa kuwarto at nakasiksik sa dulo ng kama, magulo ang buhok at mukha. Umiiyak at iniisip kung bakit ‘yon nagawa ni Gael sa’kin.

*ding-dong*

Napaigtad ako sa kama nang may biglang nag-doorbell. Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili ko bago bumaba ng hagdan upang pagbuksan ang nasa pintuan.

“Hi, Kathie.” bungad na bati ni Joseph.

“Uh, sorry, Joseph. Wala si Gael dito e,”

Umiling siya, “No, ikaw ang sadya ko.”

Napakunot naman ang noo ko, “Bakit?”

“May gusto lang sana akong ipaliwanag,”

“Wait, inutusan ka ba ni Gael?” I chuckled. “Ang kapal ng mukha. No, ayoko. Ayokong marinig ‘yan.” isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya.

“Please, Kathie. Hindi niyo maaayos ang relasyon niyo hangga't umiiwas ka,”

Ilang sandali rin akong natahimik bago sumagot sa kaniya, “Okay, fine. Come in.”

”Thanks,” wika niya habang bahagyang nakangiti sa akin, pagkatapos ay pumasok siya at dumiretso kami sa living room.

“Just listen to me, okay?” tumango ako bilang tugon. “Kathie, trust me, hindi ginusto ni Gael yung nangyari at si Eloisa talaga ang may kasalanan. Kilala ko si Gael dahil 5 years na kaming magkaibigan. Kung nakita mo sila na naghahalikan kanina, nagkakamali ka. Si Eloisa lang talaga ang humalik kay Gael.” nangungusap siyang tumingin sa mga mata ko. “Please, maniwala ka. Mahal na mahal ka ng kaibigan ko.”

Rental GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon