Nagkulang
Minahal kita,
sinuklian mo,
binigay ko sa'yo ang lahat,
pero binigo mo ako.Kulang ba ang mga sakripisyo ko?
Kulang ba ang oras na inilaan ko?
Hindi ka pa ba kuntento?
Nagkulang ba ako?Kung Oo,
handa naman akong magbago,
handa naman akong magbigay pa,
kasi, hindi ko kayang pati ikaw mawala.Pero bakit?
Bakit ka nang-iwan?
Bakit ka bumitaw?
Bakit ka sumuko?Nadismaya ako,
nalungkot sa biglaang pagbitaw mo,
umiyak hanggang sa tumahan,
at piniling tanggapin nalang.Na wala na talaga,
na kailangan ko nang pakawalan ka,
dahil ramdam kong nasasakal na kita,
kaya ikaw'y papalayain ko na.Pero, pwede bang manatili ang mga ala-ala natin?
Mga ala-ala nating magkasama,
mga sandaling tayo ay masaya pa,
mga panahong ikaw ang takbuhan ko,
tuwing inaapi ako ng mapanghusgang mundo.Alam ko naman na balang araw makakalimot din ako,
makakatagpo rin ako ng bago,
hindi man katulad mo,
pero iyon na yung tamang tao.Tatanggapin ko ang sakit na ibinibigay mo ngayon,
isa lang ito leksyon,
para hindi na ulit ako mahulog,
mahulog sa matatamis na patibong.At bago matapos ang tulang ito,
gusto kong sabihin na,
ito na ang huli,
hindi na ako iiyak pang muli.Tatanggapin ko nalang dahil una sa lahat, hindi naman ako nagkulang.