Kanser

57 2 1
                                    

Kanser

Mahal,
Maaari ka bang humarap sakin?
Sa mga natitirang oras ko,
Pwede ba kitang kausapin?

Gusto pa kitang makasama,
gusto ko pang mayakap ka,
pero sa kalagayan ko ngayon,
mukhang hindi ko na magagawa.

Masakit isipin na iiwan na kita,
mahirap man, pero kailangan na,
lilisanin ko na ang mundong ito,
kaya sana, masanay ka nang wala ako.

Kung dati'y ako ang kasama mo,
sa mga oras na umiiyak ka,
ako ang takbuhan mo,
mahal, sanayin mo nang wala ako,
nakakapagod na kasi, suko na ako.

Pero bago ako umalis...

Maari bang muli mong bigkasin ang salitang mahal kita?

Ang katagang iyon kasi ang gusto kong marinig bago ako mawala.

Pwede mo ba akong kantahan?

Gusto kong marinig ang boses mo bago ako lumisan.

Hindi kita yayakapin,
hindi rin kita hahalikan,
dahil ang pinaka-masakit na parte,
ang katotohanang kailangan na kitang iwan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Poetry (Her Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon