Pangarap Lang
Alam mo nung mga bata pa tayo?
Pinagmamasdan kita mula sa malayo,
tinatanaw kung paano ka maglaro,
laro na kahit minsan,
hindi ako naging myembro.Dahil sa tuwing lalabas ako,
hindi pa ako nakakalapit,
hindi pa ako nakakapagsalita,
agad ka nang lumalayo.Dahil ba mahirap lang ako?
Dahil ba magkaiba tayo?
Pasensya ka na ha,
ganito lang talaga ako.Simple lang at walang arte,
walang anumag kolorete,
hindi ako ang tipo mo,
tanggap ko yon, naiintindihan ko.Na kahit anong gawin ko?
Alam kong hindi ako babagay sayo.
Langit ka at lupa ako,
masyado kang mataas para maabot ko.Sino ba naman ako para mangarap ng lalaking kagaya mo?
Oo, walang perpekto sa mundo,
pero sa tuwing nakikita kita,
ang salitang perpekto,
ang lumalabas sa bibig ko.Paano ba naman kasi,
sa bawat pag-ngiti mo,
sa bawat galaw mo,
masasabi kong wala kang kapareho.Mahirap mangarap ng bagay ng hanggang pangarap lang.
Masakit pakinggan ang mga salitang paulit-ulit ka nang sinaktan.
Pero kahit ganoon,
mananatili ako,
hindi ko bibitawan ang pangarap ko,
hindi ko bibitawan ang taong parte na ng buhay ko.Hihintayin kita, kahit isa kang pangarap na hanggang pangarap lang.