Prologue:

372 10 4
                                    

Dedicated to Girlinlove

Kasi kung hindi ni-recommend ng pinsan ko ang 3w8l ni GirlinLove

hindi ko mami-meet si watty:)

Nainspired din ako na magsulat ng ma-meet ko na si watty:)

________________________________________________________________________

Araw-araw, ang mga scenario sa MRT kapag rush hour ay ang mga sumusunod:

1)     Mahabang pila sa pagbili ng ticket. Swerte mo na lang kapag may Stored Value Card ka.

2)     Mahabang pila ulit papasok sa MRT station. (Pwede magkapalit 1 and 2. Depende kasi kung saang station ka sasakay. ^___^)

3)     Mga guard na iba-iba ang trip. Ung iba kasi todo sa pag-inspect samantalang ung iba naman parang pinabukas lang pasok kaagad.

4)     Maraming tao sa loob ng station. Iba’t ibang uri ng tao. Iba’t ibang antas sa buhay. Lahat naman kasi welcome dito ^___^. Ung iba, pawisang-pawisan na sa paghihintay sa train.

5)     Kapag dumating naman na ung train, ung mga tao ay nag-uunahan sa pagsakay na tila ayaw na maghintay pang muli sa susunod na train. Minsan nga, hindi pa nakabababa ung iba, pumapasok na agad ung mga nasa labas. Palibhasa kapag naiwan ka, maghihintay ka na nga ulit, hindi mo pa alam kung makakasakay ka nga ba sa susunod na train. Kailangan mo talagang makipaggitgitan kung ayaw mong maiwan at mahuli.

E paano kung sa LOVE yan?

Handa ka bang makipag-gitgitan para hindi maiwan at mahuli sa taong mahal mo?

O maghihintay ka na lang sa taong magmamahal sa’yo?

Ang mga tao kadalasan dumadaan lang sa buhay ng isang tao.

Minsan nakikilala natin at minsan naman nilalagpasan lang tayo.

Yung iba nagiging kaibigan pa natin at kung minsan pa nga ay matalik na kaibigan.

Pero sa dinami-rami ng tao sa MRT, naisip mo na bang isa sa kanila ang maaaring nakalaan para sa iyo?

EDSA STATION

Kabababa ko lang ng MRT train.

Takbo, takbo pa.

Ayaw ko nga maipit sa maraming tao.

Escalator naman.

Yes! Di pa mahaba pila para lumabas. :)

Ipapasok ko na yung card ko.

REJECTED

Hala!!! Totoo ba ito?

Ulitin ko nga. Pasok ulit.

Waah!!! REJECTED ulit.

Kainis naman. Nakipag-unahan ka nga tapos hindi ka rin makakalabas agad.

BOOOG!

“Ouch!” Ang sakit naman nun. Ang laking manong naman nun.

Tiningnan ko nga.

Waaaaaaaaaaaaaaaah!!! Ang gwapong manong naman nito.

Correction, hindi pala manong kasi mukhang kaedaran o mas matanda lang ng konti sa akin ko ito e.

Bata pa ko noh! 16 years old pa lang po ako.

“Sorry miss! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh.”

Nyee... Sorry ba talaga un?! Ibinalik nya ang sisi sa akin e.

“Sorry kuya. Sorry talaga!”

“Ok lang! Sige, una na ko. ^___^”

Grabe lang ang cute talaga niya lalo na nung ngumiti siya. Anyway, I need to go to the office para maayos na yung card ko.

“Hey miss!” Napalingon ako.

Si Mr. Pogi pala:)

“Hello! Akala ko uuna ka na?”

“E na-miss kaagad kita e”

“HUH???”O///O

“Joke lang...hahaha...Nagaya kasi yung card ko sa’yo e. Pasabay naman ako:)”

“Ah.Ok”Sagot ko na lang. Nabigla talaga ako sa sinabi nya. Lakas nya man-trip ah.

Ayun, after namin sa office, separate ways na kami.

Anyway, ako nga pala si...

______________________________________________________________________________

A/N: Actually wala pa ko naiisip na pangalan ng mga characters ko.

Basta sa next update ok na yan.hehehe

Please support. Thank:)

My Handsome Stalker (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon