CHAPTER 1: Meet the ordinary girl

233 6 3
                                    

Hello! I want to dedicate this to SGWannaB kasi isa sya sa mga idol ko pagdating sa writing. I really like her story "SHE'S DATING THE GANGSTER".

Enjoy reading!:)

___________________________________________________________

Ako nga pala si...

ATHENA MARIE BORROMEO

16years old na ako.

Taga-Cavite.

Only child nina Alfonso Borromeo at Maria Borromeo.

Grade 2 pa lang ako nung mamatay ang dad ko dahil sa kababata ko.

Huwag na nating pag-usapan kung sino siya kasi ayaw kong maalala ang oras na yun dahil hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. :(

Sabihin na lang natin na tinuring kong kapatid ang kababata kong iyon. May time pa nga na ipinagkasundo kami ng mga ama namin.Best friends kasi ang dad ko at papa niya. Kapag naaalala ko yun, tumatalon sa saya ang puso ko.

Pero kapag naaalala ko naman ang nangyari sa dad ko, nadudurog ang puso ko. I love my dad so much at hindi ko matanggap na ang taong minamahal ko pa ang gagawa ng ganun sa kanya. :(

Anyway, let’s just talk about the present. Sa ngayon, medyo ok naman buhay namin ng mom ko. Nakakaraos naman kami sa buhay. Simula ng mawala si dad, naghirap kami. Dati, lahat kaya naming bilhin. Ngayon kelangan paghirapan muna namin ni mom ang lahat ng bagay. Hindi kasi namin tinanggap ang tulong na binibigay ng dad ni CONAN (ang kababata ko).

Sa ngayon, pumapasok ako sa isang university sa Makati. Swerte ko na lang at scholar ako doon kaya wala kami binabayaran na tuition fee. Nagta-trabaho rin ako sa isang foodchain para lang may pang-allowance ako. Ayaw ko naman na iasa ang lahat sa mom ko e.

Meron akong best friend. Siya si Nicolai David. Best friend ko na siya simula nung Grade 3 kami. Nakilala ko siya noong Grade 2 palang ako hanggang magkasundo kami sa lahat ng bagay. Kung nasaan ako, nandoon din siya. Wala daw kasing iwanan sa aming dalawa. I call him COLOR and he calls me SHINE. Why? Kasi nga Ni-KULAY siya. Ako naman, A.M. ang initials ko kaya SHINE, Sun shine kasi talaga yun kaso kasi ayaw nya ng may sun. Masyado daw kasi halata.

Mayaman ang pamilya ni COLOR. Actually, inalok nga nila ako na sila na lang daw magpapaaral sa akin. Tinanggihan ko lang kasi masyado nang marami ang naitulong nila sa amin e. Buti na lang naintindihan nila ako. Napakabait talaga nila sa amin.

Take note! Sinabi pa ng parents ni Color na sana kami daw magkatuluyan. Masaya naman ako kasi tanggap talaga nila ako. Pero para sa amin ni Color, we are just best friends. Brother-sister relationship :)

Same university kami ni Color. Magkaiba kami ng program na kinuha pero sa mga minor na subjects, classmates kami. Kasi sa school namin, ikaw pipili ng time and profs mo. Kaya ung same subjects namin nagsasama kami. :)

Accountancy ang program na kinuha ni Color, matalino kasi yun e. Ako naman Business Management kaya medyo marami kaming parehong subjects. Actually, gusto nya pa nga ako samahan sa program ko kasi ayaw daw niya na maghiwalay kami. Grabe ka-loyal na best friend di ba? Pero alam ko kasi na bata pa lang kami gusto na nya maging accountant kaya pinilit ko siya na yun na ang kunin niya. Sabi ko kapag hindi niya kinuha yun mag-aaway kaming dalawa. Ayun natakot. hehehe.

Dapat talaga sa isang university sa Manila kami papasok. Kaso kasi magkalayo building ng mga programs na kinuha namin kaya humanap kami ng university na pwede kami magkasama sa isang building.

Yung foodchain na pinagta-trabahuhan ko, pag-aari nina Color yun. Siya ang assistant manager doon. Para daw masanay na siya sa pag-handle ng business nila. Ako naman cashier doon. Ang gusto talaga ng parents ni Color mag-training na rin daw ako katulad ni Color pero sabi ko gusto ko magsimula sa pinakababa. Ayaw ko kasi magsimula sa mataas na posisyon kasi baka ma-issue pa kami ni Color. If naguguluhan kayo, accountancy ang program nya kasi gusto nya matupad muna pangarap nya bago niya i-handle ang business nila at pumayag naman parents niya. Masunuring anak kasi yun e.

Anyway, I need to go na kasi naman maaga pa pasok namin bukas eh. First day of class pa naman at ayaw ni COLOR na nale-late kami e.

GOOD NIGHT! :)

 _________________________________________________________________________

A/N: Good night readers! Uuwi na rin kasi ako e. Nag-update lang ngaun.hehehe

Sorry, if short update pa lang. Bawi ako sa next update. FIRST DAY OF SCHOOL:)

Please vote kapag nagustuhan nyo ung update. Comment kapag may gusto kaung sabihin whether good or bad. I want to improve my writing skills e. :)

 Go here: facebook.com/Enjay1202

Kitakits^___^

My Handsome Stalker (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon