Dedicated to her because I want to seek her comment regarding this story :)
Enjoy reading everyone! ^___^
______________________________________________________________________
JACOB'S POV
May mga bagay na hindi basta-basta maipapaliwanag ng isang pangyayari lamang. Ang isang istorya kapag one-sided, may kulang, may kinikilingan. Siguro naman alam nyo na ang istoraya ni Athena at ang kwento ng Stalker niya.
E panu naman kung ako na ang magsalita? Kilala nyo na ko, di ba? Kung meron kayong short term memory, e papaalala ko na lang. Ako si JACOB, ang taong inutusan ng pamilya ng Stalker na bantayan o subaybayan ang pamilya ni Athena. Siguro naman, alam nyo na sa istoryang ito ako ang middleman. Mas maliwanagan kaya kayo sa mga ihahayag ko?
Sa kasamaang palad, hindi ako basta basta maghahayag ng mga bagay bagay sa bahaging ito. Nagsisimula palang ang istorya at dapat may thrill. Ano pa aabangan nyo kung sasabihin ko na kung sino ang STALKER? Pwede nyo nga ako idagdag sa listahan e kasi ako naman talaga ang sumusunod kay Athena noon pa. Yun nga lang, binabayaran. Counted ba yun? Hayaan nyo na nga.
Kung itatanong nyo naman ang PURPOSE ng paglabas ko ngayon, e di para lalo kayong lituhin sa mga pangyayari.
Sa ngayon, hahayaan kong Jacob lang ang alam nyong pangalan ko. Baka makilala nyo pa kung sino talaga ako sa istoryang ito. E di hindi na ko secret agent, di ba? Baka makilala nyo rin yung younger brother ko na siyang mga mata ko kay Athena. Mahirap na kasi kahit si ... OOoopppss. Muntik na ko madulas kung sino yung nag-uutos sa akin. Pangalanan na lang natin siyang MR. A. Kahit kasi siya, hindi kilala yung kapatid ko.
Paano kami nagre-report sa kanya?
Simple lang. Kukuha ng pictures at impormasyon ang kapatid ko. Ipapadala nya sa akin. Tapos ipapadala ko kay Mr.A Syempre iniisip ko lang rin kapakanan ng half-brother ko.
Para kay Madam A (nanay ni Mr.A), isa ako sa mga mapagkakkatiwalaang tao. Pero dahil sa awa sa anak nya at kinakailangan ko rin ng pera para makapagtapos ng kolehiyo, sinuway ko siya. Palihim akong nagre-report sa anak niya. Hindi ko nga alam kung saan siya kumukuha ng pambayad sa akin e. Malaki siguro talaga ang allowance niya. Iba talaga kapag rich kid.
Kung ako ay hindi nila kilala, ako kilalang kilala ko silang lahat.
Alam kong nakabalik na rito si Mr.A pero hindi ko pa rin tinitigilan ang pagsunod kay Athena. Bakit? Kasi sa haba ng pagbabantay ko sa kanya, unti-unti ko siyang nakikilala at unti unting nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Ang mahirap lang nito, kahit ang kapatid ko ay nagkakagusto na rin sa kanya. Actually, huminto lang naman ako sa pagbabantay kay Athena nung kailangan kong mabase sa ibang lugar. Parte kasi un ng training ko at iyon ang huling bahagi ng kurso ko.
Si Mr. A ay matagal ko nang kilala. Simula ng ipanganak siya, kilala ko na siya. 4 years ang tanda ko sa kanya, ganun din sa kapatid ko at kay Athena. OO, bata pa ako nung simulan kong bantayan si Athena. Naging kalaro pa nga niya ako e. 9 years old ako noon at sa edad na yun ay independent na ako.
Tumira ako sa bahay ng lola ko simula nang ipanganak ako. Bunga raw kasi ako ng isang maling relasyon. Ang ama ko ay may asawa na noon at dalaga pa lang ang nanay ko pero bata pa siya sa edad na 20. Hindi naman nila ako pinabayaan financially pero emotionally, si Lola Catherine ang nagpuno ng pagkukulang nila. Si Lola ay ina ni mommy. Pinalabas nilang adopted child ako ni Lola Cathy kaya pareho kami ng surname ni mommy. Syempre nagbago un nung nag-asawa na si mommy.
Wala pang anak si daddy nung time na pinanganak ako. Nung mag-2 years old ako, pinakilala ako ni dad sa asawa niya dahil that time wala pa rin silang anak. Bakit ko alam? Ikinuwento lang naman sa akin ni dad. Noong una, hindi ako tanggap ng asawa niya. Sino nga ba naman ang tatanggap sa anak sa labas ng asawa mo, di ba? Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti akong nagustuhan ng stepmom ko. Ginusto pa nga nila na makuha ko na ang surname ni dad pero hindi pumayag si mommy.
Nang nag-4 years old ako, nagbago ang lahat. Sa parehong taon, nagkaroon ako ng kapatid sa magkabilang panig. Sino sila???
Sa susunod na lang ulit. Baka mailagay pa sa MMK ang kwento ng buhay ko.
Tandaan: I am always with Athena. She doesn't know. You don't know either.
Secret Agent nga di ba??
See you again next time^___^
_______________________________________________________________________________
A/N: Sorry sa supertagal na update. Sana maunawaan nyo po. I'll try my best to update agad:)