Ishi POV.Kakauwe ko pa lang ng bahay galing airport. kaya mabilis na nagtungo ako sa kusina para sana humanap ng makakain. kaso ang madadatnan ko lang sa loob eh yung madastra kong step mom na nilalandi na naman yung driver namin.
mukhang busy sila sa isa't isa kaya di manlang nila ako napansin na nakapasok na sa loob. pasimple akong tumikhim para sana naman mapansin nila ako at tumabi sila sa daan kung san kukuha ako ng pagkain.
lalandi na nga lang nakaharang pa sa ref. di ko tuloy makuha yung binake ko kaninang cupcake. pag tikhim ko gulat silang napatingin sakin kaya napairap nalang ako sa kawalan. grabe parang mga walang hiya dito pa mismo sa sarili kong bahay gagawin nila yang kababuyan nila.
hindi ko nalang pinansin yung mga mukha nila at pasimple silang tinabig para makakuha ako ng cupcake at tubig sa ref. paalis na ko nang marining kong magsalita ang bruha ng buhay ko.
"ishi i warned you, try to make a noise and you'll regret it" she said habang yakap parin si kua roland. napangisi nalang ako sa sinabi niya.
"sinong tinakot mo? ako? bakit katakot takot ba yang sinabi mo? wag ako almira" i said then walked. nilampasan ko nalang siya tapos sabay tawa ng mahina na sa tingin ko eh maririnig din niya.
paakyat na ko patungo sa kwarto ko. pero hanggang ngayon naiinis parin ako sa sinabi ni almira. nakakainis kasi talaga siya. walang hiya, walang utang na loob. pinatira na nga siya, pinakain nagawang pang landiin ang ama ko. tas ngayon di pa siya nakuntento kay dad kaya pati driver namin eh nilalandi niya rin. hayss mga malalandi nga naman wala ng pinipili. tingin ko nga pati poste papatusin niya damitan lang ito ng damit pang lalake kekereng keng na agad siya para landiin ito. ang higad nga naman masyadong makapit.
ng makarating ako sa pinto ng kwarto napansin kong tumunog ang phone ko. napangiti ako ng makita ko kung sino ang nagtext at kung anong laman nito.
from: Christian babe😜😍
- i love you babe😍
kinikilig kong paulit ulit na binabasa ang text niya kahit kailan itong si christian palaging pinapasaya ang bwesit at nakakainis kong buhay. dali dali kung binuksan ang pinto ng kwarto at isinarado ito at pasalampak na nahiga sa kama.
kinikilig parin ako kahit sa simpleng text niya na yun kaya tinawagan ko siya kahit kanina lang kami nagkahiwalay. nakakamiss talaga yung lalaking yun. parang di kumpleto ang araw ko kapag di ko siya nakakausap.
pero ilang ring na di niya parin sinasagot. ilang ulit ko pang sinubukan tawagan siya at nagbabakasakaling sasagutin niya rin sa wakas. alam ko kasi ang ugali ni christian di niya ko hilig pag antayin lalo na't minsan lang kung ako ang unang tatawag kadalasan kasi saming dalawa siya palagi ang unang tatawag para lang mangamusta. kaya naman nakapagtataka na hanggang ngayon di niya parin sinasagot ang tawag ko. nakalipas na ang ilang minuto at di ko na namalayan na nakaidlip na pala.
nagising nalang ako ng may naramdaman akong yumuyugyog sakin.
"maam ishi gising na daw kayo. kakain na po kasi inaantay na kayo ni sir" wika ni manang sol.
dahan dahan akong bumungon at inaayos ang aking sarili para bumaba na at kumain. habang nagaayos di ko napansin na andito parin pala si manang sol at sa tingin ko may balak siya sabihin kaya humarap ako at tinanong siya.
"may sasabihin ka ba manang? " tanong ko habang tinatapos ang pagaayos.
"wala naman maam. itatanong ko lang sana kung tatanggalin niyo ba si roland dahil lang sa nalamaan niyong nilalandi siya ni maam almira" saad niya. natawa tuloy ako. ano ba to si manang, kakasabi niya lang na wala daw pero may sinabi naman siya. hayss mga tao nga talaga ang gugulo.
di ko nalang siya pinansin at itinuloy ko nalang kung ano man ang ginagawa ko.
pagkatapos kong magayos bumaba nako at nadatnan kong masaya silang kumakain sa hapagkainan habang masaya silang naguusap walang pasabi akong naupo sa dulo at kumain ng walang pasabi na nandito nako. ano pa ba ang silbi ko dito dapat lang talaga na bilisan ko ng kumain at ng makabalik nako sa kwarto ko. kaso di pa nga ako nakakasubo ng mapansin ako ni dad na mukhang di pa ata nakakarecover sa pinagusapan nila ng malandi niyang asa asawa.
"so, how's your day baby? is it interesting?" tanong ni dad habang nakangiting nakatingin sakin. saglit pa akong napasulyap kay almira at inismiran ko siya. saglit pa siyang namutla at galit na sinamaan ako ng tingin pabalik.
mahina akong napatawa at sumagot."nothing interesting dad. just random girls i saw in our school kissing their own driver" i said habang nakatingin parin ng diretso kay almira.
mukhang nagulat si dad sa sinabi ko kasi marahan pa siyang na paubo at gulat na napatingin sakin. binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti at nagumpisa ng kumain. mukhang inilalayo ni almira ang usapan kanina kasi bigla nalang siyang nagkwento sa ginawa niya kanina. natatawang napasulyap pa ko sa kanya saglit at tinignan siya ng maigi.
totoo ba talaga almira na yan lang ang ginawa mo. nagaakusa kong sabi sa sarili. mukhang kasinungalingan lahat ng sinabi niya. dahil wala siyang nasabi na part na nakita ko sila ni kuya roland na naghahalikan kanina lang sa kusina.
hinayaan ko nalang siya magkwento. may araw din siya sakin. at gagawa talaga ako ng paraan para makaalis na siya sa bahay na tao. tumayo nako at paalis na sana ng biglang magsalita si dad.
"ishi baby nakaalis na ba si Christian kanina?"tanong ni dad out of knowwere.
i just simply nod. then walked straight to go upstair. dire-diretso lang sana ang lakad ko patungong kwarto ng may humila sa buhok ko. galit na nilingon ko kung sino man ang may gawa sa paghila nun. at di nako nagulat kung sino yun. dahil nagiisa lang naman ang malandi na gagawa sakin nun.
"how dare you hurt me?" i said furiously. nagtitimpi pako kanina. pero ngayon hindi na.
"ow. im sorry if i did that! baka kasi nakakalimutan mo yung sinabi ko sayo kanina, pinapaalala ko lang" the she winked. maglalakad na sana siya pero pinigilan ko yun gamit ang pagsabunot at pagsuntok sa tyan niya.
"don't you ever dare hurt me or say something that will threatened me. kasi sinasabi ko sayo higit pa ang gagawin kong pananakit sayo pagsinaktan mo ulit ako" i said habang hinahayaan siyang mamilipit sa sakit.
YOU ARE READING
My Robot Boyfriend (book 1)
Fanfictionako si ishi kia Mendoza. makulit, malambing at syempre loyal kay christian. mahilig akong umimbento ng kung ano anong gadget. kaya ako Ang palaging pinanglalaban sa school namin tuwing may science fair. mark christian Reyes. siya Ang boyfriend kong...