Naranasan mo na bang maging masaya na walang nasasaktan?
Naranasan mo na bang kumain na lahat ng gusto mo nakahain sa harap mo?
Binigyan ka na ba ng dahilan ng dyos na huwag ng mabuhay sa mundong ibabaw?
Nakita mo na ba ang impyerno? Nakita mo na ba ang langit?
Minahal ka din ba ng taong mahal mo? O ikaw lang ang nagmamahal?
Ang lahat ng yan ay tanong ko rin sa sarili ko. Kailan nga ba ako naging masaya na walang nasasaktan? Kailan nga ba ako kumain na lahat ng nakahain ay gusto ko?
My impyerno ba? Langit? Naramdaman ko na ba ang dyos?
Minahal nga ba nya ako o na challenge lang sya dahil isa akong babaeng malayo sa katayuan nya.
What's good in life nga ba?
Isa akong produkto ng broken family, kung hindi ako magtatrabaho hindi ako makakapag aral, hindi ako makakakain. Mabuti na lang mabait pa rin ang dyos biniyayaan nya ako ng utak para makapag aral sa isang maayos na paaralan, ng sipag para kayanin lahat ng hirap. Hindi naman kami ganun kahirap. Nakakakain pa rin naman kami ni mama ng 3 beses sa isang araw minsan sobra pa kapag nakauwi si Mama ng sobra sa pinagtatrabahuhan nya. Sapat na sakin na dalawa kami. Aanhin ko si Papa kung nakahanap na ng ibang pamilya. At kinalimutan nya na kaming nauna? Ni hindi ko na nga maalala itsura nya. Basta ang alam ko isa syang ama na kahit kailan hindi nagpaka ama dahil hindi tanggap si mama sa mundong ginagalawan nya.
Mukhang ganun na rin mangyayari sakin, ayaw kong magmahal na mataas ang antas ng pamumuhay sakon okay na ako sa kauri ko. Yung parehas lang ang tinatapakan namin,nararanasan at kinakain. Napakahirap maghangad ng sobrang taas na kapag lumagapak ka walang bubuhat sayo para makaahon ka.
Simpleng buhay. Basta masaya at walang tinatapakan na tao. Iyan lamang sapat na. Ang ibigay kay mama lahat ng pangarap nya. Pagupitan sya ng buhok, dalhin sa salon, manicure, pedicure at kapag papalarin mag spa pa sya. Yun lang sapat na hindi na ako maghahangad ng iba pa. Simple pero makabuluhan.
Naramdaman ko ang patak ng ulan sa aking pisngi, tumingala ako. Uulan na naman. Nakalimutan ko dalhin payong ko. Kakamadali ko kanina makapasok dahil sa exam namin pati ang importanteng bagay nakalimutan ko na.Sumilong ako sa malapit na waiting shade habang nagaabang ng tricycle papuntang labasan. Katapos lang ng exam namin at alam kong maipapasa ko. Nag-aaral ako sa prestihiyosong paaralan dito sa Manila. Pinalad ako makakuha ng scholarship nung grumaduate akong Valedictorian nung high school. Napangiti ako ng maalala ko kung pano naluha si mama habang sinasabihan ako ng medalya. Iyon daw ang pinaka magandang regalong natanggap nya sa buhay nya dahil hindi daw nya naranasan ang makapg aral. Bata pa Mama ko, marami pa nga ang nagpapalipad hangin dun. Biniyayaan kasi si mama ng magandang mukha at katawan na di mo aakalain na may anak na. Nakuha ko kay mama ang ganda ng katawan nya at hati naman sila ni papa sa mukha ko. Napagkakamalan nga akong may lahi. Dahil may dugong banyaga si papa.
"Psst.. " Napalingon ako sa sumitsit sakin. Natanaw ko si Charie ang kaibigan ko na patakbo sa direksyon ko habang silong silong sa bag nya na ipinapakita sa ulo nya. Ng makalapit na sa akin. Ibinaba nya ang bag sa tagiliran at pinagpag ang konting ulan sa may buhok nya.
"Buti naabutan pa kita. Wala yung driver namin, di daw ako masusundo. Sasabay ako sayo sa tricycle, palabas sa labasan tapos mag taxi o van na lang ako pauwi. " Mukmok nito sa akin habang inaayos ang uniform.
Si Charie malapit kong kaibigan at kaklase, parehas business administration ang kinukuha namin major in Marketing Management. May kaya pamilya ni Charie pero kahit kailan hindi ko naramdaman sa kanya ang pagmamaliit sakin sa tuwing kasama ko sya. Madalas pa nga mas nakikisakay pa sya sa pamumuhay ko kaysa sa kapwa nya may kaya sa buhay.
Sya rin ang nagparamdam sa akin na hindi hadlang ang katayuan nya sa buhay para hindi kami maging magkaibigan.
"Ritzi, alam mo ba? Si Veronica ang bagong nililigawan ni Vince? " Nakakunot noo ako.
"Really? Charie? Wala pa kayong 2 days na break nanliligaw na ulit sya? " Inis na untag ko sa kanya.
Na panguso ito. " He fell out of love daw sya sakin". Malungkot nitong pahayag.
Napabuntung hininga ako.
Inakbayan ko sya. "Hayaan mo na yun si Vince gwapo lang naman yun at mayaman, pero mahina pa rin sya sa accounting. " Natatawa kong biro sa kanya.
"Ang yabang mo talaga Ritzi, palibhasa ikaw na naman ang nakakuha ng mataas na marka sa accounting eh. " Irap nito sakin. Natawa ako ng marahan.
Napahinto kami ni Charie ng may marinig kaming matinis na boses na parang galit na galit.
"Really? Leon? Pagkatapos mo makuha katawan ko bigla bigla ka na lang makikipagbreak? " Sigaw nito sa lalaking nakasilong na sa may sini silungan namin.
"Ano sumagot ka! " Ngayon. Tama sinasabi nila. Playboy ka nga. Tinitikman mo lang ang mga babae tapos pag natikman mo na iiwan mo na lang. " Umiiyak na litanya nito habang nababasa ng ulan.
Nanlaki ang mata ko ng makilala ko si Leon, ang Sikat sa school namin. Varsity sya ng basketball team sa school, at isa sa apo ng may ari ng eskwelahan na pinapasukan namin. Business add din ang kurso nito pero Major in Business Management kaya hindi ko sya nagiging classmate pero madalas ko sya makita sa building dahil iisa lang naman building namin.
Madalas din sya sa block namin dahil marami ako magagandang classmate madalas sya magpahangin. Gwapo kasi si Leon at matangkad pwede mo ihanay sa mga model ng mens magazine."Look, Trixie alam mo naman pala bakit bumigay ka pa? " Hindi na nakapagpigil na sani ni Leon.
Lalong nalaki ang mata. Dito ba talaga nila pag uusapan yan. Si charie sa tabi ko hindi alam kung tatawa o ano. Basta sumiksik sya sa gilid na parang kinikilig. Napaiyak ako. Crush din kasi ni charie si Leon.
"What?? Iyan pa talaga sasabihin... " Hindi na natapos ni Trixie ang sasabihin nya ng may biglang may humintong sasakyan sa harap namin. Bumukas ang passenger side. "Hop in Leon, malalate na tayo sa birthday ni Brix ". Bago sumakay si Leon napalingon sya sa direksyon namin, kumunot ang noo, at nanlaki ang mata. Sabay iwas.
Ng mawala na ang sasakyan sa paningin namin, wala na rin yung Trixie. Nagkatinginan kami ni Charie. Sabay hagalpak ng tawa.
At dun nagsimula ang buhay estudyante ko. Mahirap. Nakaka challenge and at the same time Masaya. Lalo na to bukod kay Charie napalapit kami sa barkada ng bago nyang nobyo na si Brix. At kabilang na doon si Leon. Ang lalaking hindi ko akalaing magugustuhan ko. Ako lang ang nakakaalam lalo na at may nobya ito si Aiza. Ang campus cruah ng university. Na nagtagal kay Leon.
YOU ARE READING
So Near,Yet so Far
Storie d'amoreWe are so close Yet So far. ---- Leandro Montillano