Ud. <3 inspired ako e. :)) so eto na sya.
WANTED: COVER. SAAN PO AKO PWEDENG MAGPAGAWA NG COVER NITO? KAILANGAN KO PO NG BAGO. HUEHUE
WARNING: CUSSING EVERYWHERE.
****
Sehun's POV
Nandito ako sa canteen ngayon. Mag-isa at nakatulala. Oo, hindi ko kasama yung mga gago. Hindi rin ako pumunta dito para kumain. Pinagtitinginan na nga ako ng mga estudyante dito kasi hindi sila sanay sa ganto kong gawain. Ang mag-space out. Masyado akong nag-alala sa kanya. Kay Xi Luhan. Di kasi sya pumasok netong nakaraang dalawang araw. Pero dahil nga sa pag-aalala ko, may nangyaring hindi kanais-nais.
Kaninang umaga, nakita ko sya sa may hagdan. Agad ko syang hinatak papuntang locker room. The usual place kung saan ko sya binubully. Pero hindi yun ang dahilan ng pagpunta namin dun.
FLASHBACK**
"Luhan!" Sigaw ko sa kanya pagdating na pagdating namin dun. Good thing walang tao dito.
"Se--"
"Bakit ka pumasok?!" Mas lalong humigpit yung hawak ko sa kanya. Kahit alam kong nasasaktan ko na naman sya.
"I-I'm really sorry." Pabulong nyang sabi. Nanginginig ang boses nya. Takot na takot sya.
"Bakit ka pumasok? Nakakasigurado ka bang okay ka na?"
"Oo. Pinalabas na ako ng doctor. Maayos na ako--Teka. Concern ka ata sakin?" Nakita ko yung mapaglarong ngiti sa labi nya na saglit lang ay tinago nya ulit.
It took me seconds before I realized that I already told him the words I never wanted to say.
"I care for you, hyung."
Tumakbo na ako at iniwanan ko sya dun na nakatulala. Gusto ko syang balikan pero hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya.
END OF FLASHBACK**
Gusto kong sapakin yung sarili ko dahil sa sinabi ko. Ano ba talagang nangyayari sakin? Paano nagagawa 'to ni Luhan? Gusto kong hanapin sila Chanyeol at Kai pero alam kong nakikipaglandian na naman yung mga yun at kapag nagkwento ako sa kanila, alam kong tatawanan lang nila ako. So better not. Aalis na ako.
****
Luhan's POV
"Ano?!" Sabay na tanong ni D.O at Baekhyun pagkatapos kong ikwento lahat sa kanila. Kahit ako ay hindi makapaniwala. Nag-aalala ang isang Oh Sehun sa akin? Imposible. Pero nagkatotoo.
"Kahit naman ako hindi makapaniwala e."
"Pero alam mong bawal." Napaisip ako sa sinabi ni Baekhyun kaya nung nalaman ko kung ano yung punto nya, lumabas agad akong classroom at tumakbo papuntang canteen. Narinig kong sumigaw sila na wag daw akong magpagod pero di ko na yun pinakinggan. Pagkababa ko, nakita ko si Sehun na paalis na at babalik na ata sa room.
"Oh Sehun!!!" Sigaw ko habang hingal na hingal pa. Lahat ng atensyon, nasa akin. Nagtawag lang naman ako ng estudyanteng kinatatakutan ng lahat.
"Hyung.." Hinawakan ko kaagad ang kamay nya at nagsimula na kaming maglakad. Narinig ko ang bulong-bulungan. Kesyo, sino daw ba ako para hawakan si Sehun, bakit daw hindi sya umaangal at iba pa.
Napangiti naman ako at ramdam kong namumula ako kasi hawak ko pa rin ang kamay nya. Pero nagseryoso ulit ako kasi alam kong ayaw nya makitang ngumingiti ako.
Binitawan ko lang sya nung nakarating na kami dito sa hallway na walang katao-tao.
"Sehun... Ipaliwanag mo naman sakin lahat. Naguguluhan ako. Bakit ka nag-aalala sakin? Bakit mo ako tinawag na 'hyung'. Kahit kelan hindi ka gumamit ng honorifics kahit kanino." Panimula ko.
"Luhan--"
"Dahil ba may gusto ka na sakin? I told you not to fall in love with me. Hindi tayo parehas tanga para hindi malamang mutual na ang feelings natin. Hindi rin ako nag-a-assume kasi alam kong tama ako. 'Di ba? Pigilan mo. Binalaan na kita. Don't you dare.."
Napatulala na lang sya sakin. Alam kong ang kapal ng mukha ko pero.. Basta. Mahal ko si Oh Se Hun. Wag lang nya akong mamahalin pabalik. Bago pa tumulo tong taksil kong luha, tumalikod na ako at dahan-dahang naglakad palayo. Nanghihina na naman ako. Gusto ko ng ibagsak yung sarili ko pero pinipigilan ko kasi nararamdaman ko pa rin ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
"Luhan Hyung.." At dun, humagulgol na ako ng iyak. Niyakap ako ni Sehun mula sa likod.
"Sehun please!" Pilit akong kumalalas sa pagkakayakap nya sakin, sadyang mas malaki at malakas sya kaya sumuko na lang ako.
"Salamat sa paglinaw. Nahulog na ako sayo. Give me a chance. I'm begging you." Umiiyak sya.
"Shh.. Stop crying." Pinunasan ko ang luha nya. Nginitian ko sya para maging kampante sya.
"Ayokong may masasaktan sa huli. Pumayag naman ako sa gusto mo diba? Apihin mo ako. Sundin mo lang yung condition ko."
****
Sehun's POV
In love ako sa kapwa kong lalaki. Na mukhang babae. Pero hindi naman ibig sabihin nun bakla ako diba? O ganun din yun? O sya yung bakla? Yah! Putangina! Ang gulo ng mundo!
"May love life na si bata o! Nyeta sa lalaki pa. Pero Sehun, wag kang mahihiya a. Magkakaibigan tayo. Tanggap namin." Sabay kindat ni Yeol.
"Tama tama." Sinundan kasi nila kami kanina sa may hallway. Nagulat din sila sa nangyari e. Hindi nila alam na may luha daw ako at may puso. Mga chismoso kasi. Pero hindi nila ako tinawanan.
"Gegu."
"Sehun, dalawang araw pa lang ang nakakalipas nung sinabi mong straight ka. Ano nangyari? HAHAHA! Ang lakas ng tama mo sa Luhan na yan a." May point sya.
"Ano ba talagang dahilan ni Hyung at ayaw nyang mafall ako sa kanya? Masyado syang komplikado." Tanong ko sa kanila kahit alam kong wala silang maisasagot.
"Kahit ano man yan, ligawan mo pa rin. Mahal mo diba? Wag mo ng pakawalan. Minsan lang yan. Bahala ka. Ikaw rin."
Shet. Di ako marunong manligaw. Mga babae kasi ang nanliligaw sakin e. Problema to.
~~~~~~~
Patawarin nyo po ako. Ang panget. TTATT kayo na lang po sana umintindi. Baguhan lang ako. <///3
kamsa* :>
BINABASA MO ANG
Don't You Dare [hunhan ff]
RomanceSehun keeps on bullying Luhan just to catch his attention. Luhan's loving it because he wanna spend the remaining days of his life with Sehun. {ON-GOING}