[6]

1K 47 6
                                    

Luhan's POV

Halos mag-iisang buwan na din pala simula nung nangyari 'yun. Simula nung hindi na pumapasok si Sehun. Hindi man halata pero sobrang namimiss ko siya. Kahit hindi kami, feeling ko nagtaksil pa din ako. Paano ba naman, ako yung umamin sa kanya na gusto ko siya tapos bigla akong magpapahalik sa ibang tao. Masyado ba akong pa-fall? Pinaasa ko ba siya? Hay..

"Luhan hyung, kain na tayo." Narinig ko si Baekhyun na kumakatok sa kwarto ko kaya agad akong tumayo para buksan yung pinto.

"Oh, Baek. Napadalaw ka. Magpapatulong ka ba sa homework?"

"Hindi rin. Tinawagan kasi ako ni Tita na hindi mo daw sila pinapapasok dito sa kwarto mo. Hindi ka na din bumababa para maki-bond sa kanila. Ang routine mo na lang ay, school to bahay. Hindi mo na nga ako pinupuntahan sa amin e. Nakakatampo." Oo nga. Nagkukulong ako lagi dito. Pero hindi ko naman nakakalimutang uminom ng gamot kaya wala silang dapat ipag-alala.

"Ayos lang ako. Sorry nga pala." Matamlay kong sabi habang pababa kami.

"Dahil ba 'to sa hinalikan ka ni Xiumin o.." Napatigil kaming pareho at hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya. "O dahil umalis si Sehun?"

"Both." Ang sakit pa din kasi naalala ko yung mukha ni Sehun habang pilit akong nginingitian kahit na tulo ng tulo yung luha niya. "Teka.. Nasaan sila Mommy? Bakit walang tao?" Nakababa na kami pero wala akong nadatnan dito kundi ang lunch namin ni Baekhyun.

"Yun nga e. Kaya kita pinuntahan kasi sabi ng nanay mo, aalis daw sila. At eto ako ngayon, babantayan ka. Tawagan natin si Kyungsoo?"

"Sure." Agad namang nilabas ni Baek ang phone niya at dinial si Baby Soo.

Pero dahil sa ginawa niya.. May naalala ako mula sa sinabi ni Sehun.

'Call me if ready ka na. Papasok na ako. Don't pressure yourself too much.'

****

Sehun's POV

Luhan Hyung calling..

Tinitigan ko muna yung cellphone ko bago sagutin. Kapag kasi sinagot ko kaagad yung tawag niya, malalaman niyang sobrang excited ako.

/accept/

[Hello?] Jesus, namiss ko ang boses niya.

"Hyung." Papapasukin na kaya niya ako ulit? Namimiss niya siguro ako.

[Sehun.. I-I miss you.]

*dug dug dug dug* Tangina.

"I miss you too, Luhan.."

[Pumasok ka na sa school o. Ang dami mo nang nasayang na araw dahil lang sa wala. Ang baba na din ng grades mo.] Miss na talaga niya yung gwapo kong mukha.

"Saan ka pala nakatira?"

[Secret ko na 'yun.] Naramdaman kong nakangisi siya sa kabilang linya. Tss. Halikan ko 'to e.

Ay puta. Naalala ko na naman kung paano siya hinalikan nung Xiumin na 'yun. Nakakabadtrip.

"Sige, bahala ka. Basta magugulat ka na lang, nasa tapat na ako ng bahay niyo."

[A-Ano?] Gotcha.

"Bye, Hyung! See you there." Masaya kong binaba ang tawag at dinial ko naman si Baekhyun. Talino ko.

Don't You Dare [hunhan ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon