👻IX : Spirit Of the glass💀

213 14 10
                                    

A Killer's Steps

Chapter 9 : Spirit Of The Glass

ALLIAH POV

"Alliah halika na nandyan na mga kaklase mo" isang butil ang tumulo mula sa aking kanang mata. Di ko parin mawala sa isip na wala na talaga si Jerianne. Nasanay Akong nandyan siya.

Wala akong nagawa kundi umiyak. Wala akong magawa kundi maghinagpis.

Di ko parin kasi ma tanggap na wala na siya e.

Agad kong pinunasan lahat ng luha ko saka ko huminga ng malalim. Wala naman akong mapapala kung ii-iyak ko lang to. Isipin ko nalang na nasa magandang paraiso na si Jerianne.

"Alli tara na?" sabi ni Johara saka ngumiti. Yung Malungkot.

Tumango ako pabalik saka ako pumasok sa Van na exclusively para sa aming magkakaibigan lang. Nasabi ko na ba sa inyo na lagi kaming magakakasabay umuwi at pumasok na magkakaibigan?

Pagkapasok na pagkapasok ko sa van ay damang dama ko yng awkwardness. Walang ingay. Di kagaya noon na sobrang ingay sa Van dahil kay Oliver.

"Asan nga pala si Oliver at Knoxx?" tanong ko sa kanila. Oo sila lang yung wala.

"Nauna nang pumasok si Oliver sila sa School. Baka di pa siya ready na harapin tayo." bumuntong hininga naman ako sa sinabi ni Aeroll. Di ko siya masisisi. Nasabi ko na ba sa inyo na pinsan ni Aeroll si Oliver? Oo tama. Magkatapid kasi ang nanay nila e.

"E si Knoxx?" tanong ko rin pabalik.

"Ewan. Pumunta kami sa bahay nila pero wala siya dun. Sabi ng mga maids di pa daw siya umuuwi magmula kagabi" sagot naman ni Gio. Kaya umiwas nalang ako ng tingin saka ko binaling yun sa bintana.

Busy ako sa pagtingin sa kapaligiran nang biglang tumunog yung phone ko

From : Unknown.

Mini mini My Nemo
Pwet ng kabayo kamukha mo
Kaibigan mo bay binantayan mo?
Dahil baka nawala na ito

Kumunot ang noo ko aaka ko pinatay ying cellphone ko. Tsk! Hanggang kailan ba mangungulit ang taong to? Pangalawa na to! Tsk

Bumuntong hininga ako saka muli akong tumingin sa bintana. Nasa pangalawa sa huli kasi ako ng van nasa likuran ko si Lucas, nasa bintana kami pareho katabi naman niya sina , Liam, Janneth, Aeroll at Johara na pare parehong tulog. Driver ay si Seb at nasa passenger naman si Mae. Katabi ko si Nisha sa kabilang side naman si Jomelyn at Gio.

So ang gising lang ay ako, Lucas at yung dalawa sa driver at passenger sit.

"Ayos ka lang?" Napalingon ako sa likuran ko nakatingin sa akin si Lucas. Ngumiti ako ng plain sabay sabi ng...

"Oo salamat" ngumiti naman siya pabalik. Simpleng ngiti pero ang pogi.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa school. Naunang bumaba yung dalawa sa harap. Sunod si nisha, Gio, Jomelyn at ako. Saka yung mga nasa likuran at huling bumaba si Lucas. Parang walang nangyari ang peg namin ngayon. Malungkot nga lang dahil kulang kami.

"Sa Dance Room tayo" Sabi ni Aeroll na ikina kunot ng noo namin. Bakit dun?

"Bakit dun?" tanong ni Jomelyn kay Aeroll.

"Maaga pa nung pumasok siya. Malamang dun yun dederetso" sabi nila kaya tumango nalang kami saka namin siya sinundan patungo sa dance room.

Malapit palang kami ay dinig na dinig ko ang malakas na tunog na nanggagaling sa Dance Room. Nakakabingi! Yung tipong kahit sumigaw ka di ka madidinig.

Killer's StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon