Chapter 4: Deal

187 3 0
                                    

 Mr. and Mrs. Impossible

 Chapter 4

 

 GEL'S POV

 Tapos na akong magluto ng caldereta, rice na lang, san na ba si James? 8’oclock pm na ah, eh kanina pa akong 5 andito sa bahay, ni anino hindi ko pa nakikita.

 Hinanda ko na  lang din  yung mesa, para pagbaba nya , kakain na lang kami.

“tick-tok, tick- tok, tick tok” aba 9 na wala din si James,naku ireport ko na  kaya sa pulis baka naman nakidnap  na si james, pano yan hindi ko na matatanong kung sya ba yung dahilan kung bakit  nabalik yung gamit ko?

Ay naku,  erase erase! kung ano-ano naiisip ko, kasi naman si Miah eh! Mahirap talaga pag may kaibigan na baliw minsan nababaliw ka na din eh.

 Pero andito lang naman kotse nya hindi naman yun umaalis ng  walang dalang sasakyan, so I’m very much  positive na andito sya sa bahay.  Lagi lang naman yung nasa kwarto nya eh. Kakatukin ko na lang sya sa kwarto nya para matanong ko na rin sya.

“Knock, knock… knock knock” Aba  walang sumasagot, pero kinatok ko ulet. Wala pa din, Sinubukan ko kung hindi naka lock yung door nya. Hala hindi nakalock .

“Jamess”. Habang unti-unti kong binubuksan yung pinto.

O.O Ako wala ba naman kasing shirt tapos hinilamos yung kamay sa mukha.  Wow abs! naiilang ako pero kaylangan ko icompose ulet ang sarili ko

“ Ahem” sabi ko para mapansin nya ko  “ JAMES???”

“  Tssss. Ano?”

“ Kakain na, halika na..” Bigla syang tumayo at WOW ang sarap magbreakfast! Pandesal! Naku erase erase dinner na Gel!.pandesal pa yang iniisip mo!

“Ay James nabalik na nga pala yung gamit na naholdap sakin!”

“ I know” James

Ah eh, pano nga pala nangyari yun? Pero kasi .. uhm, (>.>)  SALAMAT HA, kasi, uhm, kasi alam ko naman na ikaw yung  dahilan kung bakit  nasoli yun.” Nahihiya man akong sabihin yun, kaylangan eh.

Hindi naman ako sobrang clueless at manhid gaya  ng bff ko para hindi malaman na sya yung dahilan para mabalik yung gamit ko, eh sya lang naman pinagsabihan ko. PERO nakakadestruct  talaga yung abs nya  pero  syempre hindi ko pinapahalata kay James na gusto ko yung nakikita ko.

Sarap isawsaw sa kape ang mga pandesal! (>.<)

“  tara kain na tayo”   Aalis na sana ako kasi parang wala naman  syang gustong sabihin sa akin, pero napabalik ako 

“ ah james nabalik na sakin lahat ng gamit pero kasi uhm, wala ba yung wallet ko andun kasi yung allowance ko, tsaka anong nangyari dun sa holdaper?” tinanong ko na kasi wala talaga akong pera tsaka nacurious ako kung anong nangyari at itsura ng holdaper.

Mr. and Mrs. ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon