Prologue
“Mommy, natatakot ako! Asan ka mommy?” Pilit na inaabot ng bata ang seradura ng pintuan. Sa labas ng bahay ay maririnig ang malakas na buhos ng ulan at ang dumadagundong na kulog.
Nang sa wakas ay mabuksan na niya ang pinto ay dumerecho siya sa katabing silid, ang silid ng kaniyang mga magulang. Mula sa liwanag na nagmumula sa poste sa labas ng bahay ay kitang-kita niya ang dalawang katawang pinagsanib na ng pagnanasa. Ngunit dala ng kanyang murang edad ay wala siyang naiintindihan sa mga pangyayari. Ang tanging nakikita niya lang ay ang di maipaliwanag na kasiyahan sa mukha ng kaniyang ina kapiling ang isang estranghero na ngayon niya lang nakita.
Gabi-gabi ay kung sino-sinong estranghero ang nakikita niyang kasama ng kaniyang ina, isasama nito sa silid nito at ng kaniyang ama ngunit kinabukasan ay di na niya dadatnan ang naturang estranghero.
Nang mahanap niya ang kanyang tinig ay nakita na niya ang galit na mukha ng kaniyang ina.
“Anong ginagawa mo dito?”
Tumambad sa kanya ang hubad nitong katawan ng marahas siya nitong hawakan sa kanyang braso. “Mommy. Natatakot po ako.”
Ngunit imbes na aluin ay hinila siya ng kanyang ina, matapos nitong ipatong ang roba sa kanyang katawan. Sa kanyang kwarto ay walang habas nitong pinaghahampas ang manipis niyang katawan.
“Hindi ba’t sinabi ko sa’yong kahit na anong mangyari, h’wag na h’wag kang lalabas ng kwartong ‘to,” gamit ang isang kamay ay mariin nitong hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi habang dinuduro sa kanyang mukha.
Nang tila makuntento na ang kanyang ina sa kanyang ginawa ay malakas nitong isinarado ang pinto at ikinandado sa labas.
Papahina na ang ulan, sa muling pagbukas at pagsara ng pinto sa katabing silid ay muli niyang narinig ang mga halinghing. Ang mga halinghing ng kaniyang ina at ng estrangherong kasama nito. Minsan naririnig din niya ang halinghing ng kaniyang ina kasama ang kaniyang ama ngunit iyon ay bihira pa sa patak ng ulan.
Ang kanyang ama ay nagtratrabaho sa malayong lugar bihira lang ito umuuwi, at tuwing uuwi ito nagpapaganda ang kanyang ina. Hindi niya naiintindihan kung bakit bihira umuwi ang kanyang ama, hindi rin niya alam kung bakit iba-iba ang kasama ng kaniyang ina. Ang naiintindihan lang niya ay wala ang kanyang ama at ang madalas na pananakit ng kanyang ina. Pananakit na nakasanayan na niya.
Tuwing sinasaktan siya ng kanyang ina, ay nagtatago siya sa ilalim ng kaniyang kama, dito siya palihim na umiiyak. Ayaw niyang lakasan ang kanyang paghikbi dahil batid niya na kapag narinig iyon ng kaniyang ina ay muli itong babalik sa kanyang silid hindi upang patahanin kundi para muling padapuin sa kanyang katawan ang kahit anong bagay na kanyang mahahawakan.
Ngunit hindi na niya matiis ang init, lumabas siya mula sa ilalim ng kanyang kama, ngunit mas matinding init ang sumalubong sa kanya.
“Mommy, tulungan mo ako!” nasusunog na ang kanyang kama, marahil nagmula ang apoy sa lamp shade na inihampas ng kanyang ina sa gilid ng kanyang kama.
Malaki na ang apoy unti-unti na itong kumalat sa bintana ng kaniyang kwarto. Ngunit naririnig pa rin niya ang halinghing nito sa kabilang silid, hanggang sa unti-unti na siyang manghina dahil sa usok na kanyang nalalanghap pero bago siya tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman niya ang pagbagsak ng nagliliyab na bagay sa kanyang likod.
Doon siya tuluyang natakot, doon siya tuluyang nawalan ng pag-asa dahil sa bawat sakit na nararamdaman niya sa pagkasunog ng kaniyang balat ay ang unti-unting paghina ng tibok ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
The Dark Soul
RomanceNaranasan mo na bang umasa, masaktan at iwan? Paano kung yung sakit na nararamdaman mo ay sobra-sobra na? Yung tipong gusto ng sumabog pero di mo magawa. Hindi mo magawa hindi dahil kaya mo pa kundi dahil alam mong sa pagsabog noon ikaw lang ulit an...