Pagpasok ng detention room ay agad naupo si Migz sa pinakasulok na bahagi ng kwarto, pagpasok nila ay kinuha ni Ms. Abrillo ang lahat ng gadgets nila kaya wala siyang choice kundi ang matulog na lang.
Sinubukan niyang hindi mapangiti ng makita ang pagkagulat ni Gabrielle ng makita ang loob ng detention room. Puting-puti kasi ang loob ng detention room at wala ni isang gamit sa loob.
“What the hell?” di pinansin ni Migz ang dalaga pumikit na lang siya para mabawi ang lakas na naubos sa nagdaang gabi.
Pero tulad ng nangyari kanina, ay kinuhit na naman siya ng dalaga. Pero walang balak si Migz na pansinin ito, mapagod man ito sa kakakuhit at manigas sa kinatatayuan nito.
Ilang sandali lang ay tuluyan ng nakatulog si Migz, hindi mapakali si Rielle sa kanyang tabi, hindi nito inaasahan na ganito ang itsura ng detention room ng St. Peters, sabagay ngayon lang naman siya nakapasok ng detention room sa tanang buhay niya.
Dahil wala ni isang gamit, hindi niya alam kung anong gagawin, hindi siya sanay ng walang ginagawa, hindi siya sanay ng nakaupo lamang sa isang sulok. Pinagmasdan niya ang binatang natutulog. Sinubukan niya kung takagang tulog na ito o ayaw lang siyang pansinin.
Tumabi siya dito at hinawi ang mga hiibla ng buhok na nakaharang sa gwapo nitong mukha. Oo aminado siya na gwapo ang masungit na binata at hindi rin niya alam kung bakit inilalaan niya ang oras para kulitin ito. Dahil ba natutuwa siya sa pagkainis na rumerehistro sa mukha nito tuwing kukulitin nito o dahil sa unang halik na natikman niya.
“Bad, Rielle, that’s bad,” mahina niyang bulong sa sarili. At nang masigurado niyang tulog na nga ito ay idinantay niya ang kanyang ulo sa matipunong braso nito.
Nagising si Migz sa bigat na sumasandal sa kanyang braso, bahagya pa siyang nasilaw ng imulat niya ang kanyang mata ngunit kahit hindi pa niya nakikita ay sigurado siyang ang babaeng madaldal ang nakasandal sa kanyang braso.
Nang makapag-adjust na sa liwanag ay tinitigan niya ang dalagang natutulog sa kanyang braso. Halos mapatayo siya ng bahagyang sumikdo ang kanyang dibdib at dahil sa kanyang pagkilos ay dumulas ang ulo ng dalaga at hindi sinasadyang tumama sa pader.
“Aray,” malakas na sigaw na dalaga na halata ang galit sa boses. Pero tila natameme ito nang makita ang binatang nakatayo sa kanyang harapan.
“Kasalanan mo yan, kung san san ka sumasandal,” ani ng binate na hinaluan pa ng inis ang boses.
Hindi na sumagot ang dalaga hinimas na lang niya ang kanyang ulo, pagkatapos ay muling isinandal ang ulo sa pader.
Si Migz naman ay tumawid sa kabilang sulok ng silid at ayaw pahalatang tinitingnan si Rielle.
Naging mabilis ang takbo ng oras para sa dalawang tao na natutulog sa loob ng detention room ni hindi nga nila namalayan na lumipas na ang oras ng pananghalian.
BINABASA MO ANG
The Dark Soul
RomanceNaranasan mo na bang umasa, masaktan at iwan? Paano kung yung sakit na nararamdaman mo ay sobra-sobra na? Yung tipong gusto ng sumabog pero di mo magawa. Hindi mo magawa hindi dahil kaya mo pa kundi dahil alam mong sa pagsabog noon ikaw lang ulit an...