Nilimot na Pangako

6 1 0
                                    

Mahal naalala mo pa ba?
Mga panahong ating pinagsamahan?
Mahal, ang sabi mo'y di mo ako iiwan?

Mahal naalala mo pa ba?
Noong minsang tayo ay nakaupo sa duyan na magkahawak kamay
At tayo rin ay magka-akbay?
Mahal naalala mo pa ba?

Mga sumpaang ating binitawan para sa isa't isa?
Ang pangakong hindi tayo bibitaw?
Kahit dumating pa ang araw,
Ang araw na susubok sa ating dalawa?

Ngunit bakit kay bilis?
Bakit kay bilis mo akong iwan?
Bakit hindi mo manlang ako pinaglaban?

Kaya ngayo'y ako ay naguguluhan.
Mga salitang iyong binitawan
Ay isa lamang bang salita?
Salita na may masabi lamang?

Ngunit ang iyong mga kataga
Ay syang aking pinanghahawakan.
Na baka sakaling ako'y iyong balikan.
Nagbabakasakaling iyong tutuparin
Mga pangako mo saakin.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now