Hanggang kailan

7 1 0
                                        


Hanggang kailan luluha?
Hanggang kailan sasayangin ang mga luha?
Mga luhang ikaw ang dahilan?
Dahilan kung bakit nasasaktan?

Hanggang kailan mararamdaman?
Ang pait ng kahapong nagdaan?
Hanggang kailan ka iisipin
Hanggang sa matanggap ko bang ika'y di na akin?

Araw-araw ay lumuluha sa pait ng nakaraan,
Nakaraang kay hirap tuldukan.
At tila ba parang kahapon lamang nangyari
Mga masasayang pangyayari.

Hanggang kailan aasa?
Ang pusong nagdurusa?
Hanggang kailan titiisin ang sakit na nadarama,
Sa tuwing ika'y di kasama?

💭

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now