Chapter 1 - The Interview

346 23 14
                                    

Vanessa Chapter 1

~[Yoona's PoV]~

"...And Yoona, ikaw at ang mga ka grupo mo ang hahandle sa interview kay Miss Dara Princess at kayo din ang mag dodocument sa bahay na ginamit dun sa libro niya, ang resthouse ni Jian." Sabi sa akin ni Ma'am habang nakatayo sa harapan ng klase.

"Yes ma'am!" Sagot ko sakanya bilang pagtanda na naintindihan ko ang mga sinabi niya.

"Mamaya, dadating na si Miss DP dito sa school at yon ang oras kung kailan mo siya i-interviewhin." Dag dag pa nito.

Pag kasabi niya ng mga salitang yon ay nagpaalam na siya, at nag paalam nadin kami.

Bago ang lahat magpapakilala muna ako. Ako si Yoona May Garcia, kumukuha kami ng mga classmates ko ng Video Production Course. Bilang project, na assign kami ng mga ka grupo ko para i-Film, or i-document ang Resthouse ni Jian. Sobrang excited nga ako makapunta dahil doon nangyari ang lahat ng nakasulat sa libro ni DP.

*************************************

~[DP's PoV]~

~(Interview Time)~

Naglalakad na ako papasok sa Auditorium ng School, at sobrang masaya ako kasi ininvite pa talaga nila ako para lang ma interview. Kasama ko nga ngayon si Jian.

Ilang steps pa.. Pag bukas na pagbukas ng pinto. Sinalubong na kami ng mga palakpakan ng mga istudyante dito sa loob at ang iba nag sisigawan pa. Hindi ko talaga inakala na ganito ang masasaksihan ko.

"Students!! Please welcome The Writer of The Bloody Vacation!! Miss Dara Princess Lock!! And her friend, Miss Kriscel Jian Nakahara!!!"

Pag ka announce ng mga pangalan namin ay mas lalo pang lumakas ang hiyawan, habang nag lalakad kami papunta sa stage ay sinasalubong kami ng mga flash ng camera. Eto naman kami sigi ang ngiti. ^______^

Nakaakyat na kami sa stage at binigyan ng mike.

"Maraming maraming salamat po miss DP at miss Jian sa pag punta dito sa aming school." Sabi ng isang babae sa amin. "My name is Yoona and ako po ang mag iinterview sa inyo ngayon." Nakangiting sabi nito.

Sabay sabay naman kaming umupong tatlo sa mga upuan na naka set sa stage.

"Okay let's start, una sa lahat, anong masasabi mo sa pag sikat ng The Bloody Vacation, at lalo pa ngayon sobrang mabenta ito sa lahat ng bookstores sa Pilipinas." Tanong nito sa akin

"I'm Very thankful to my friends, for supporting me and for being always by my side. Nagpapasalamat din ako kasi kung wala ang mga readers ay hindi ko mararating ang ganito, kaya sobrang nagpapasalamat ako." Mahabang paliwanag ko.

"Salamat sa napakagandang sagot." Sabi nito habang nakangiti pa. "To miss Jian naman po, ano yung unang pumasok sa isip mo nung, nalaman mong kayo ng mga kaibigan niyo ang characters ng kuwento at isa isa kayong pinahirapan at pinatay sa kuwento, at sa resthouse niyo pa yun naganap." Tanong nito.

Medyo, nawala ang mood ko matapos ko marinig ang mga salitang yon, pero dapat ko parin ipagpatuloy tong interview na to.

"Ako, nung una hindi ako makapaniwala, pero syempre nawala naman yun at napalitan ng saya, kasi alam kong storya lang yun, mga sulat mula sa imahinasyon ni DP at isa pa natuwa kami kasi naging parte kami ng isang napakagandang kuwento." Sagot ni Jian habang nakangiti at nakatingin sa akin, bilang pag tugon nginitian ko din siya at nabawi ko naman ang nasira kong mood dahil sa ngiti nito.

"Ok! And last question, for miss DP. Bakit niyo po naisipan na sila ang gawing character sa iyong kuwento na puno ng karahasan at patayan?" Pag karinig na pagkarinig ko ng mga tanong na iyon ay parang may sumaksak sa dibdib ko, nawala ang natural na ngiti ko at napalitan yon ng mga pilit na ngiti. Bakit nga ba? Bakit nga ba sila ang nilagay ko sa kuwentong puno ng patayan?

"A-ah eh kasi..." Kahit gusto ko nang mag walk out alam ko na hindi dapat. "Kasi, una sa lahat ito ang una kong horror na kuwento at sila ang gusto kong maging bida, isa pa gusto kong ibuhos sa kuwento ang galit ko sa kanila. Hahaha hindi biro lang." Pabiro ko nalang nasabi.

Nakita ko namang napangiti ang mga estudyanteng nanunuod at si Jian.

"Hahaha! School mates!! Once again palakpakan natin sina Miss DP at Miss Jian!!!!"

Nakahinga naman ako ng maluwag noong naging okay lang ang lahat, na kahit na na alala kong muli ang kasalanan sa akin ng mga magulang ng mga kaibigan ko.

*************************************

~[DP's PoV]~

Nasa kotse kami ngayon ni Jian, at hindi ko parin makalimutan ang patamang tanong sa akin, na kahit alam ko naman na hindi naman intensyon ni Yoona na patamaan ako ay may impact padin yoon sa akin.

"Uy! DP! May problema ka ba kanina kapa tulala dyan ah?" Tanong sakin ni Jian

"Hahaha!! Hindi anu kaba baka pagod lang ako, atsaka medyo masama din pakiramdam ko..." Tanging sabi ko nalang

"Ahhh sige sabi mo eh! Uy! Bukas daw pupunta yung Yoona sa resthouse kasama yung mga classmates niya para sa project nila." sabi nito

"Ganun ba? That's nice!" Tanging sabi ko nalang.

*************************************

Ano ba ang papel ni yoona at ng mga kasama niya sa kuwento?

Ano kaya ang mga kaganapang maaaring mangyari?

*************************************

Hi guys! Eto na ang first chapter, pasensya kung waley pa ha!! Hehe pero balang araw dadating din tayu sa duguang eksena xD

Salamat guysss!!

Vote!!! Comment!!! Share!!!

Vanessa : Sequel to The Bloody VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon