Chapter Nine

48 25 1
                                    

"One more kiss even though it's come to this I'll close my eyes and make a wish hoping you'll remember~." -Tiffany

DAN'S POV

Tapos na kung maglaba kanina pa. Bali pinag stay lang ako ni Maam Angelica, kase wala pa si George. May pupuntahang lakad daw kase si Maam Angelica kaya hindi niya na mahihintay pa si George.

Lecheng George kase yan eh. Saan ba nagpupupunta! Napurnada pa tuloy yung paguwi ko ng maaga! Hindi niya ba alam na may ginagawa din akung iba? Bwisit!

Bigla akung nauhaw kaya pumunta muna ko sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. Pagsarado ko ng ref bigla kung nabitawan ang hawak hawak kung baso. Na siyang naglikha ng malakas na ingay.

"LECHE KA! BWISIT KA! HUH! AYAN TULOY NAHULOG YUNG BASONG HAWAK-HAWAK KO! BAKIT KA BA KASE NANDIYAN? KAASAR KA! UGH! AATAKIHIN TALAGA KO SA PUSO SA PINAGGAGAGAWA MO EH!" malakas na sigaw ko kay George. Leche kase to eh bigla-bigla ba namang sumusulpot? Lagot tuloy ako nakabasag pa ko. Bigla na naman tuloy kumirot ang aking puso at nanikip. Kaya mabilis akung uminom ng tubig.

"Ang ingay mo." nakakunot noong sabi ni George.

"SA TINGIN MO BAKIT HINDI AKO MAG IINGA----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya kung halikan. O___O

Quick kiss lang naman yun kaso hanggang ngayun nakatulala parin ako. Hindi parin ako maka get over.

"Ayan... Tumahimik kana." bigla akung bumalik sa kasalukuyan ng magsalita siya.

"LECHUGAS KANG LALAKE KAAAAA!!!" pinaghahampas ko lang naman siya ng bubog na nabasag. Joke... Pinaghahampas ko lang naman siya ng kamay ko wala akung madampot eh. Hehe haayst! Pinataas na naman niya ang pressure ng dugo ko. Halos lahat ata sila gusto akung patayin eh.

"A-aray... T-tama na!!!" naka nguso niyang sabi akala mo naman kinaguwapo niya yung pag nguso nguso niya. Lol! Muka siyang suso!

"Anung tama na? You stole my first kiss! Ugh!" hindi ko siya titigilan! Babawiin ko yun! Ayy! Wag na nga dirty...

"S-sorry na... Tama na Dan..." tumigil narin ako naawa na ko eh.

Pasalamat siya pogi siya! Kung hindi? Baka pinatay ko na ito!

"Dan..." tawag niya sa pangalan ko habang yinakap ako patalikod. Back hug mga Ning!!!

Napaharap ako bigla sa kaniya ng maamoy kung amoy alak siya.

"Where have you been? Amo'y alak ka ah!" pero I think onti lang naman ang nainom niya kase hindi halata eh.

"Psh! And now... your acting like my Girlfriend?" kapal talaga neto! Buti nga may nag-aalala ehh. Hayst.

"Alam mo ikaw? Ang kapal talaga ng kalyo mo sa mukha no? Bahala ka nga diyan!" paalis na sana ko ng bigla niyang hilahin ang kamay ko at bigla niyang yakapin.

Hindi agad ako nakahinga. Juicecolored. Maaga yata talaga kung mamamatay. Huhu

"Please... I need you." wait! Parang narinig ko na tung linya na to eh! Wait! Memory gap! Ugh! Bakit ba makakalimutin na ko? Haayst.

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Ramdam ko ang tibok ng puso niya kahit na ang paghinga niya. Naramdaman kung bumibigat na yung ulo niya sa balikat ko kaya inalog alog ko to.

"Oyy! Gising... Nakatulog kana? Oyy! Hindi ako higaan! Lambot ha? Lambot?" sabi ko. Kaso wa epek Ning! "Sisigaw ako!" pananakot ko. Kaya naman bigla siyang bumitaw sa pagkayakap.

Shete ang wafuuu!!! Gumulo kase yung buhok niya na dumagdag ng pagkaguwapo niya sheteee!!! Ngumiti muna siya sakin tapos nag peace sign bago lumayas sa harapan ko. Luh! Ano tinira nun?

Maid in DesireWhere stories live. Discover now