"The world is a tragedy to those who feel,
but a comedy to those who think." - Horace Walpol
_
''Grip your popcorns and juices now. The movie will start in approximately, 5,4,3,2,1..''
Lalabas ang isang makisig at kaakit-akit na lalake mula sa tabing. Isang nakakakilig at napaka-unpredictable na eksena na hindi mo alam kung mababadtrip ka o matutuwa ka nalang, ang mapapanood ng mga masugid na tagahanga ng dalawang magagandang artista.
''Bebang, mahal na mahal kita.''
Masisilayan sa mukha ng binata ang tapat na pagmamahal na iniaalay niya sa babaeng nagngangalang Bebang. Handang-handa ang lalaking ito na isakripisyo ang kanyang sariling buhay para lang sa babaeng kanyang minamahal. (Tunog korni! Korni!)
Epal1: ''Badtrip! Bebang! Ang panget ng pangalan! Wala na bang mas papanget diyan!''
Epal2: ''Epal ka. Manood ka na nga lang!''
Epal3: ''Hoy! Pinaguusapan niyo na naman ako! Suntukan nalang!''
''Talaga, Zec?''
Punong-puno ng pag-asa ang puso ng babae. ''Hinding-hindi ko bibigyan ng hinanakit ang lalaking ito at nangangako akong siya lang ang aking iibigin magpakailanman,'' wika niya sa kanyang isip.
''How much do you love meh?''
Nagimbal ang binata. Hindi niya inaasahan ang nakakapanghilakbot na lenggwaheng ginamit ng dalaga. Ganoon lang siya naka-engkwentro ng kakaibang tipo, sa tala ng kanyang labing-walong paninirahan sa mundo. Hindi maitatago ng kanyang mukha ang reaksiyon mula sa matinding pagkagulat. Pinilit niyang iginuhit ang pwersahang ngiti sa kanyang mga labi, ngunit hindi kailanman maitatago ng ngiti ang nais ipahiwatig ng mga mata.
''Binibini, pahintulutan mo akong angkinin ang iyong mga labi upang maipadama ang pagmamahal na nararamdaman ko sa iyo.''
Agad na ikinagulat iyon ng dalaga. Hindi niya inaasahan ang mabalasik na kilos ng binata. Batid niyang siya ay isang dalagang mayumi, taglay niya ang katangian ng isang dalagang pilipina at ang agresibong kilos ay taliwas sa kanyang katangiang kinaugalian. Pagkat siya ay isang tao lamang - isang babae lamang - batid niyang walang sinuman ang nanalo laban sa temptasyon.
Saglit pa ay magkalapit na ang kanilang mga hininga sa isa't-isa. Ramdam na ramdam niya ang halimuyak ng pasimadang ginagamit ng binata. Hindi mapigilan ng dalaga ang halina at ang kaakit-akit na temptasyon ng halik mula sa binata.
Ngunit hindi kailanman pahihintulutan ng tadhana ang kamaliang kaakibat ng kahali-halina at mapanlinlang na temptasyon.
''Tulong! Tulungan niyo ako! Nagmamakaawa ako sa inyo! Tulungan niyo ako! Tulungan niyo ang maganda at malaporselana kong biyas na nabagsakan ng katakot-takot na malaking poste! Tulungan niyo ako o Diyos ko! Tulong!''
Gumuho ang poste na kinasasabitan ng kable ng kuryenteng nakatayo, ilang yarda lamang ang layo mula sa kinatatayuan ng magkasintahan. Hindi inaasahan ang biglaang pagbisita ng napakalakas na hangin sa kahabaan ng kalye ng Avenida, dahilan upang gumuho ang pundasyon ng poste at sa hindi inaasahan - hindi kaaya-ayang pagkakataon - hindi kagandahang tagpo, bumagsak ang poste sa dalagang tumatambay sa ilalim ng poste.
Lingid sa kaalaman ng binata na ang dalagang kanyang sinusuyo ay may tinatagong kakaibang bahagi sa kanyang pagkatao.
Ngunit kahit nais man ng dalaga na manatili sa tabi ng binatang kanyang napupusuan - sa kabila ng kanilang naudlot na makabag-bagdamdaming tagpo - mayroong kung ano na gumagatilyo sa kanyang konsensiya na nagpapaalala sa kanyang pananagutan sa babaeng nangangailangan ng kanyang tulong.
Ang buhay ay kailanman hindi naging patas para sa lahat. At kung papalarin nga naman ng mga nakakabadtrip na tagpo - sa ayaw at sa ayaw - hindi mo gugustuhing kalabanin ang iyong sariling konsensiya. Hindi mo kailanman masusupil ang iyong sarili.
''Kay 'rami pang pagkakataon, nararamdaman ko. Hanggang sa muli.''
Hindi na hinintay pa ng dalaga ang pagtugon ng binata at kapagdaka'y kaagad na umalis. Hindi maikakaila sa mga guhit ng mukha ng binata ang kalungkutang nadama sa sandaling iwan siyang mag-isa ng dalaga.
''Buhay pa ang babae!'' sa isip-isip ng dalaga. Ang ating mayuming bayani ay nakaramdam ng biglaang lakas na dumaloy sa kanyang mga ugat na sinundan ng matinding panginginig at pagkahilo, dahilan upang siya ay hindi makaramdam ng pagkatinag.
Upang magliyab ang kanyang damdamin at gisingin ang kanyang diwa mula sa kanyang pagkatakot.
''Tulungan mo ako! Tulong!''
Binuhat niya ang napakalaking posteng tumitimbang ng walong-daang tao ang bigat. Masyadong mabigat ang poste para sa isang mayuming binibini, kahit magsanib-pwersa ang sampung undertaker - kahit magtandem si Batman at si Superman.
Walang sinabi si Batman at Superman sa mayuming binibining si Bebang pagkat nabuhat niya ang napakaheavybigat na poste! Tumagal lamang ng limang segundo ang pagkakabuhat ni Bebang sa poste at ito ay naihagis niya kaagad. Hindi niya namalayan kung saan ito lumanding.
''Salamat! Maraming salamat!''
Bagamat puno ng pasasalamat ang kawawang natabunan, nahati sa dalawa ang kanyang kaliwang binti. Binabalot ng napakaraming dugo at kitang-kita ang pulang-pula na laman sa may bahagi ng binti. At hindi mo masisikmura kung mapapagtripan ko pang ilarawan ang buong detalye kung ilalahad ko pa, maski ang pinakamaliliit na detalye ng itsura ng pagkaka-murder sa hita ng kawawang natabunan.
Naresolba na ang problema. Wala na ang poste. Wala nang problema.
''Be-bebang..''
Ngunit hindi patas ang buhay.
Narinig niya ang kanyang pangalan. Bebang. Batid ni Bebang ang nangyari. Batid niya ang kanyang nagawang katangahan. Nang ihagis niya ang malaking poste, at hindi niya na alam kung saan yon lumanding. ''Bahala na.'' wika ni Bebang sa kanyang isip.
Tumilapon ang poste sa walang kamalay-malay na binata. Wasak na wasak ang bahagi ng tadyang, ang parte ng katawang pumoprotekta sa puso.
Pagsisisi. Panghihinayang. Kadalamhatian. Huling-huli na ang lahat. Hindi mo aakalaing, ang minsang napakaliit na katangahan - ngunit napakaliit na bagay lamang iyon!
Nagpakawala siya ng napakalakas na iyak. At sandali pa'y dumagundong at nabulabog ang payapang katahimikan.
''WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH''
Ang tagpong iyon, sinumpa ni Bebang na hinding-hindi na siya magkakamali. Hindi na.
BINABASA MO ANG
Be Enlightened Bebang, Abandon No Gale
RomanceBebang, a former professor in the year 2000, when she founds out all the confidential and classified information about the Modus Institute, later on will be the supreme government in the world, has been already planned by the five powerful elites wh...