5th Chapter

4 1 0
                                    


"About Me Part 2"


"Paps we're here!"

"Oh ang baby girl pala natin nadito na hon."

"Paps naman, baby pa ba ako sa lagay na to? I'm already 16 years old."

"So what? Nako, hon o. She's already 16 years old na raw so why call her baby girl pa rin?"

Si paps talaga. Paps ang tawag ko kay Tito Fred na kapatid ni Tita Madel. They are all from my father's side. Mama naman ang tawag ko sa asawa ni Tito Fred na si Tita Gelline. At dahil masyadong common ang papa kay paps, at nagmamaala bagets ulit, paps daw ang itawag ko sa kanya.

"At ano naman kung 16 years old ka na Rhyne? Ikaw ang one and only naming baby girl dahil itong kuya't ate mo ay matatanda na."

"My, kaka-twenty ko pa lang. My gosh!" Nagprotesta naman agad si ate Mikey, ang panganay na anak nila paps.

"Matanda ka na ate, gurang na. At least ako 18 palang, di pa nalagpas sa club niyong bente pataas." Hilig talaga nitong si Kuya Michael na mang-inis.

"Hmp, Rhyne patulong naman o."

"Sige ate, ano po ba yan?" Lumapit siya sakin kasama ng isang bond paper at tablet na may illustration ng puso ng tao.

"Padrawing naman ako ng heart o, ako na lang maglelabel mamaya."

"Nako ate, ang weak mo talaga. Para heart lang e, di mo pa maidrawing."

"Wow Michael a, hiyang hiya naman ako sa stick mong tao."

"Akin na yan Rhyne."

Kinuha ni Kuya Michael ang bond paper sakin at isang lapis sabay drawing nito ng korteng heart sabay pakita kay Ate Mikey.

"Oh, ang dali dali lang, weak!" Pagkakita ni Ate Mikey ng ginawa ni Kuya Michael ay agad agaran din nitong nilukat ang bond paper at itinapon kay kuya.

"Ay nako Mikey at Michael. Kelan ba titigil yang pag aasaran niyong dalawa a? Di na kayo nahiya sa Tita Madel ninyo." Pagkasabi noon ni mama ay kusang tumigil ang dalawa at umupo sa sofa.

"Ate Mikey bond paper po, tsaka lapis?"

"Ay oo nga pala, wait."

Habang kumukuha si ate ng hiningi ko ay may nagdoorbell.

"Baka si Maddy na yan Tita."

"Michael, anak. Tignan mo nga kung sino."

"Wait po."

"Ay baby girl, pasuyo naman. Bili ka naman ng suka, nawalan kami ng stock ngayon pang magpapaksiw ako paborito mo pa naman din yon diba?"

"Ayos lang po ma. Akin na po." Pagkaabot sakin ni mama ng pera ay naglakad na rin ako agad palabas.

"Hi ate Rhyne!"

"Oh hi Maddy. Kanina ka pa hinahanap ni Tita Madel, lagot ka." Pang-aasar ko sa kanya.

"Ang saya kayang maglinis!"

Kaloka talaga yung babaeng yon, eh sa totoo niyan naggala lang naman sila.

"Pabili po!"

"Oh ineng, ano yon?"

"Pabili nga po ng suka, yung nakabote po."

"Oh sige, ito o."

"RHYNE!"

"Oh kuya Michael, bakit po?"

"Nakalimutan din nila mommy na bumili ng softdrinks kanina. Pabili nga po ng 1.5 na coca cola, dalawa po." Sabay abot ng 500 sa tindera.

"Pasama na po dyan yung sa suka."

"Oh sige, sandali lamang."

Habang kumuha ng panukli ang tindera ay bumaling sakin si Kuya Michael at nagtanong,

"May nang-away daw sayo kanina sa school?"

"Po? Sinong nagsabi?"

"A.. Si ano.." Bigla namang di nakasagot ng maayos itong si Kuya. Eh halatang halata naman kung sino.

"Si Kassandra no?"

"Oo, oo. Pero ano nga, may nang-away daw sayo? Totoo ba?" Hinampas ko ng mahina ang braso ni kuya.

"Ano ka ba kuya, hindi naman sa inaway ako. Napagsabihan lang, palpak e."

"Ano bang ginawa mo kanina?"

"Ito na hijo ang sukli o." Sabay abot kay kuya ang sukli. Kinuha ni kuya ang dalawang 1.5 coke at sakin naman ang isang bote ng suka. At itinuloy ang pagkekwento sabay ng aming paglalakad.

"So ayon na nga..."

Biglang may kumalabog, sabay kaming napatingin ni kuya Michael sa lalaking bumagsak mula sa kanyang bike. Nakatalikod siya samin kaya di ko nakita ang kanyang mukha.

"Ouch sakit non, bat naman kasi nagmamadali e. Wala namang nahabol sa kanya."

Oo nga naman, pero parang pamilyar siya?

O dahil nakasuot siya ng p.e. uniform ng school namin?

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now