"First Day"
Maaga akong nagising ngayon hindi dahil first day of classes namin kung hindi ay dahil sa kukunin ko ang listahan ng mga students na nasa section Newton. Syempre nandon na ang pangalan ko. Tinawagan naman ako ni Ma'am Zaldua para ipaalam na nailipat na nga niya ako ng section 2 days after that incident. Assured na ako, pero iba pa rin pag nakita ko na talagang nandon na ang name ko.
Dire-diretso akong pumunta ng faculty room.
"Good morning po Ma'am Roque, si Ma'am Mendes po nandito na po ba?"
"Oh good morning din Rhyne. Kakarating lang, tignan mo pang third stall ang lamesa niya."
"Thank you po ma'am."
Wala pang masyadong guro sa faculty room, ikaw ba namang kaka-6 o'clock lang e nandito na agad sa school. 7 am pa naman talaga ang start ng klase.
"Good morning po Ma'am Mendes." Naabutan ko pa tuloy na nagmemake up si Ma'am. Mabait naman siguro si ma'am no?
"Oh, dear Rhyne you're early huh?"
"I have to do something important po kasi ma'am e. That's why I'm here this early."
"What is it, my dear?"
"Can I have a copy of your list ma'am, list po ng mga students na nasa section Newton po?"
"Oh right. Here, I already added your name on it."
"Thank you po Ma'am Mendes." Tango na lamang ang naisagot sakin ni Ma'am.
Hahahaha!
Nice one. Payback time Mr. Wesley Arabejo.
Agad akong nagtungo sa homeroom ng section "kong" Newton. Oo section ko. HAHAHAHA.
Pero di ako agad agad pumasok. Sumilip muna ako sa loob ng room kung nandon na siya. Good, wala pa.
Nagsimula nang magdatingan ang aking mga kaklase. At lahat sila'y pare-pareho ng tinanong sakin. "Bakit nandito ka lang sa labas?" At ang tanging sagot ko lamang ay, "May inaantay lang."
Nakasandal lang ako sa railings nang mamataan ko siya sa ground papasok ng building ng mga 4th years. Isang building kasi kada year ang school namin. Pinaghalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon, pero Rhyne wala ng atrasan to.
Pagkakita ko sa kanyang naglalakad papuntang room namin ay agad ko siyang hinarangan sa may pintuan.
"Good morning Wesley!" Magiliw akong bumati sa kanya noon sabay ngiti ng pagkalawak lawak. Samantalang siya naman ay nakatitig lang sakin. Ang tangkad niya pala talaga, ngayon ko lang napansin kasi ngayon lang naman kami naging magkalapit ng ganto.
"Ito na yung list o." Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa aking labi ay iniabot ko sa kanya ang listahan. Ngunit di niya ito kinuha, at nanatiling nakatingin lamang sakin.
"Anong gagawin ko dyan?"
Duh? Ikaw itong nanghingi, tsk.
"It's the list, with my name on it." Pagkasabi ko noon ay agad agad niya itong kinuha sakin at tinignan.
"So? Am I officially part of your section? Newton?"
Pagkatanong ko noon ay tinitigan niya lang ako, pero agad din naman siyang umiwas sabay sabing,
"Welcome" pagkatalikod niya'y may sinabi pa siya
"sa section namin, Newton"
And that marks the start of my fourth year life.
YOU ARE READING
Perfectly Imperfect
Teen Fiction"Real love doesn't meet you at your best. It meets you in your mess." -J.S.Park "It wasn't perfect, but we make it work." - Rhyne Anderson & Wesley Arabejo