Chapter 1

9 1 0
                                    

Chapter 1

Jacey's POV

Nalibot ko na ata lahat ng International Schools dito sa Pilipinas. Kada taon palipat lipat ako. Hindi mapirmi sa isa.

At syempre andito nako sa destination ko. Dito ako inenroll nila Papsy eh. Hmm.

AVW International School

Nagtataka lang ako. Bakit kaya AVW? Yung ibang international schools na napasukan ko na puro names or surnames ng may  founder pinangalan eh. Kakaiba siguro dito.

First day ko sana ngayon kaso hindi muna ko papasok kasi aayusin pa class schedules ko. Mag mamall nalang siguro ako para iwas boring.

Nagulat ako kasi halos lahat ng nadadaanan ko eh, nag aaral sa AVW. Tambayan siguro nila dito kapag wala na silang klase or vacant time nila.

Ako naman libot lang ng libot. Napaka loner ko naman. Hindi man lang sumama sakin si Sasha. Sasha is my bestfriend kaso hindi ko sya kasama na lumipat ng bagong school.

Tapos bigla nalang may tampulan ng tao sa bandang gitna ng mall. Yung parang event venue ng isang mall show ganon. So ako, dahil gusto ko malaman kung anong meron eh. Tumingin ako.
Puro lalaki naman pala. Akala ko naman may artista na or book signing ng isang author. Infairness ang cutie nilang tatlo.

Habang naghihintay ako ng order ko. Inisip ko talaga kung san ko sila nakita. Familiar kasi nila.

Tapos narealize ko, sila pala yung sikat na sing and  dance boy group sa AVW. So kaya pala. Pagkakaalam ko pito sila sa grupo eh. Bat tatlo lang silang andito.

Bigla nalang ako nagulat kasi pagkadating ng order ko kasabay na umupo ang lalaking to sa bandang table ko.

"Kumain ka lang, paupo muna."

Hinihingal siya

Sabi niya kumain lang ako, edi kumain lang ako. Tapos bigla siyang nagsalita ulit.

"Taga AVW ka din ba? Parang ngayon lang kita nakita dito."

"Ahh. Transferee ako."

"Kaya naman pala, by the way ako pala si Macky."

"Jacey."

Ang cute niya magsmile. Tapos nagshakehands kami.

Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sakanya. Kaya ayun nagkausap kami ng kung ano ano. Napaka funny niyang tao. Yung parang walang problema ganon. Happy virus lang.

Nakakain na kami lahat lahat. Hindi ko pa din alam kung bakit ko siya kinakausap at tumatawa kasama niya.

"Kailan start ng klase mo bukas, Jacey?"

"Hindi ko pa alam eh, kukunin ko palang sched ko mamayang 3pm." sabay tingin sa relo ko

"Uy 2:20 na."
"Tara samahan kita, kunin na natin sched mo."

"Ako nalang mag isa. Kaya ko naman. Hindi naman siguro kawala wala don sa AVW."

"HAHAHAHAHAHAHAHAH."

Grabe siya tumawa ang lakas. Buti siya naka cap. Eh kamusta naman ako. Kitang kita ang mukha. Sinuot ko nalang sunnies ko. Anobayan kahihiyan pag kasama to.

"Bat ka tumawa ng malakas?Nakakahiya, nakatingin na sila dito lahat."

"Ikaw kasi. Pinapatawa mo ako. Malawak ang AVW. Adik ka ba?"

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Sa bandang huli, sinamahan niya din ako. Papunta na kami parking lot, andto daw kasi sasakyan niya. Mayaman siguro siya. Sasakyan daw eh.

Gulat ako nung part ng mga motors pinupuntahan niya.

"Tara, suot mo to."

Bigay sakin ng helmet. Napatitig ako kasi ilang years na din akong pinagbawalang gamitin yung motor ko. Na excite lang ako bigla.

"TARAAAAA NA DALIII."

"Napakahyper mo naman. First time mong sasakay dito sa gantong sasakyan?"

"Hindi, namiss ko lang sumakay sa ganyan."

Buti nalang tago lahat ng balat ko sa suot ko kundi sunog ako kanina. Hahaha
Masaya talaga. Sana pwede ko ng gamitin yung akin dati.

AVW International School

"Tara na sa loob. Ako magiging guide mo dito para malaman mo mga school offices."

"Okay, Macky. Thank you ha."
"Ang lawak pala talaga. Ito siguro pinakamalaking International School dito."

"Oo, Jacey. Tapos kilala din kasi halos lahat ng nakakapasa sa mga board exams eh dito nag graduate or dito nagn review for licensure exams nila."

Papasok palang kami sa main gate pinagtitinginan na kami. Ay mali pala. Si Macky lang.

"Nagtataka ka siguro kung bakit nila ko tinitignan at nginingitian no?"

Sabay ngiting aso

"Bakit nga ba?"

"Malalaman mo nalang bukas."

Nakuha ko na ang sched ko. So ang aga pala mag klase dito. 6am grabe. Di na ata ako matutulog para maaga makapasok.

Si Macky naman pabitin. Kung sinabi na niya kung sino at ano siya dito sa AVW.

Pagkatapos namin kunin sched ko pati na din uniforms ko. Hinatid ako ni   Macky sa labas tapos pinasakay niya ako sa taxi.

Balak niya sana akong ihatid sa bahay kaso tinanggihan ko saka may tawag ng tawag sakanya. Baka mamaya may gagawin siya, makaabala pa ako.

Nakakapagod pero masaya. Siguro naman kaibigan ko na si Macky. Godbless sa akin bukas sa AVW.

Fangirl of YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon