Chapter 3

4 1 0
                                    

Jacey's POV

Dumaan ang isang linggo na ganon pa rin ang routine ko. Gising ng maaga, akyat sa 3rd or 4th floor building ng AVW. At lagi ko ding nakakasabay si Aki paakyat. Ewan ko ba don, sulpot bigla kapag nasa gate na ako. Nakakapanlumo tuloy mga tingin ng mga kapwa students kapag nakikita nilang magkasama kami at tawa ng tawa si Aki.

Minsan ayoko na siyang kasama kaso wala naman kasi akong close na iba kundi siya lang.

Kaya pagtiyagaan na. 😂

Saturday today, balak ko sanang magliwaliw sa mall or themeparks. Nag ayos na ako para maka gora na.

(Wonderland Kingdom)

Nakaka out of place mang pumasok mag isa, atleast kaya kong gawin lahat ng gusto ko.

Pag pasok ko palang sa loob ng themepark ay sumakay agad ako sa carousel. Mga light rides muna para iwas hilo. Eto talaga inuna ko para feel kong bata pa ako kahit hindi na.

Sinakyan ko na din yung catterpillar coaster. Maliit siya kumpara dun sa pang adult talaga. Nakyukyutan lang ako dito hihihi

Naka isang oras na ako kakasakay sa mga light rides dito at masasabi kong sulit.

Pagod na pagod na ako kakapila sa rides kaya naghanap muna ako ng bench para umupo. Buti nalang walang nakaupo don sa isang bench kahit na ang dami daming taong nakapalibot don. Parang may iba? pero bahala na, kasi pagod much na talaga ako.

Pagkaupo ko

"Uy miss, bawal umupo diyan." sabi ni kuyang crew

"Ha? Bakit naman po? For customers naman po ito ha."

"Magagalit kasi si sir Vin diyan."

"Siya kasi anak nung may ari nitong attraction park."

"Ganon? Saglit lang naman kuya, pag okay na ako. Aalis din ako. Pleaaaaaaaaaaase /pretty puppy eyes/."

/sana effective/

"Nako miss, kahit gaano ka pa kacute kung mawawalan ako ng trabaho nako sige na, sa iba ka nalang umupo."

"Kuya naman eh/pout/"

Biglang may naka shades at naka cap na biglang lumapit kay kuyang service crew. Tapos kinausap na niya ako pag tapos nilang mag usap.

"Ah ma'am,pasensya na po ha."

"Sige, pahinga na po kayo diyan."

"May gusto po ba kayong inumin at bibilhan ko na kayo?"

Nag iba ang ihip ng hangin ah. Nag smile nalang ako na umiling at nagpasalamat.

Medyo masakit na sa balat yung sinag ng araw. So bago pa ako matusta dito bench, tatayo na sana ako ng biglang pinayungan ako ni

"Macky?"

"Aki na nga itawag mo."

"Bat ka andito?"

"May nagpapunta kasi sakin dito."

sabay pout

"Samahan na kita."

"Ah eh? pumunta ka na dun sa nagpapapunta sayo. Kaya ko kayang mag isa."

"Baliw ka ba? Ang init init na oh, dito nga ko pinapunta eh."

Diko siya maintindihan,sabi niya may nagpapunta sakanya dito pero di naman niya pupuntahan.

Akala ko pa naman, mag liliwaliw ako mag isa. Hanggang sabado dinamay na kasama si Aki.

Pero okay na din, may taga libre eh. 😂

"Ang init, pumasok muna tayo sa loob tapos mag 3D cinema tayo or snow world."

Fangirl of YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon