Chapter 4

4 0 0
                                    

Macky's POV

So hi? Macky Austria. Aki for short.

Ang hirap naman ng role ko dito. Nagpapangap lagi. Kailan ba matatapos tong pagiging aktor ko. Pwede na akong awardan ng best supporting actor.

Ang saya kahapon. I mean ang saya nilang tignan. Nagkakahiyaan pa eh. Pero natutuwa ako dahil kahit mababaw lang yung dahilan atleast napapasaya ko mga kaibigan ko.

Hindi man ngayon pero sana balang araw makaalala ka na Jacey. Kasi kung saking isa sa malapit mong kaibigan eh nasasaktan,paano pa kaya yung naghihintay sayo diba.

Napapaisip lang talaga ko.

Ano ba talagang nangyare? Bakit bigla nalang pumayag ang mga magulang ni Jacey na lumipat sa AVW?

Dati rati kasi maski pumunta siya sa mga gigs namin lagi siyang tumatakas kasi ayaw ata ng parents ni Jacey sa mga Wong?

Diba ang gulo?

Hays

Saka ko nalang iisipin kapag may taong sasagot na kasi maski yung taong gusto kong tanungin eh walang maalala.

Jacey's POV

Good Morningggggg people of the world!

Ang ganda ko este ang ganda ng gising ko. Ewan ko ba kung bakit kasi parang ang saya ko? Pero hindi ko malaman laman ang dahilan? Baliw lang

Tapos minsan sumasakit yung ulo ko? Hindi ko pa nasasabi kila papsy yun ah. Ilang days na din nakalipas.

May mga napapanigipan din akong weird? Pero parang real talaga? Like, sumasayaw at kumakanta sa isang gig, I think? Napaka super fangirling naman non diba?

Baka naman yun yung mga moments na hindi ko maaalala?

Sayang naman, ang saya ko kasi don.

Napatayo nalang ako bigla ng katukin ni mamsy ang pinto.

TAK TAK TAK

"JAAAAAAAAA, GUMISING KA NA DIYAAAAAAN! MALALATE KANAAAAA! KANINA KA PA KINAKATOK NI MANANG ELSA HINDI KA PA DIN GISING." Sigaw ni mamsy sa labas

"Mamsy, wait lang po. Maliligo lang po ako." Sagot ko naman

"Okay sige, dalian mo kakain ka pa."

"Yes, mamsy."

After 30mins, bumaba na ako para kumain kasi baka malate ako. Napaka OA ni mamsy, mag aalasais palang. Eh yung klase ko 8am pa.

"Buti naman at bumaba ka na." ani ni mamsy.

Tumango ako sabay upo at nag umpisa ng kumain.

"Kamusta sa bago mong school?"

"Ayos lang naman po."

"May mga bago ka na bang kaibigan na mula doon?"

"Yes mamsy, Si Aki po. Nung unang araw ko doon siya una kong nakilala. Hindi lang siya mabait medyo makulit din."

"Ahh, isama mo dito sa bahay yan minsan."

"Seryoso po mamsy? Lalaki po kasi si Aki."

"Oo, Ayos lang."

"Osiya, kain na."

Bakit ganon? Bat parang hindi nagulat si mama na lalaki si Aki? Parang sa mukha niya kanina parang kilala niya.

Tinapos ko na kinakain ko para maaga din akong makarating sa AVW.

Palabas na sana ako ng gate ng biglang sumakit ang ulo ko at parang tinutusok.

"AHHHHHHHHHHHH!" napaupo nalamang ako sa sakit.

at nawalan na ako ng malay.

Macky's POV

Wala pa pala akong number ni Jacey. Napatingin ako sa relo ko habang papasok sa gate ng AVW. Quarter to 8 na. Baka nga nasa taas na siya.

Pagka akyat ko papunta sa room namin. Hinanap agad ng mata ko si Jacey. Nagtaka ako kasi wala siya? Ano namang kabaliwan non at hindi siya papasok ng 1st subject namin? hmmm

Kung alam ko lang bagong bahay nila nako pinuntahan ko na.

Napabuntong hininga ako sabay upo dahil parating na ang prof namin.

DISCUSS

DISCUSS

QUICK QUIZ

DISCUSS

Odiba ang boring. At ngayon may 2hrs akong vacant at hindi ko alam kung saan ako tatambay. Hindi naman kasi kami magkaka timing ng sched nila Gab.

Pababa na ako papuntang cafeteria. Nang mahagip ng paningin ko si Axcel kausap si Gab. Hmmm smell something fishy ha. Ano kayang ganap?

Hindi na ako nag atubili pang puntahan sila dahil mukhang pribado yun. At malalaman ko din naman yan kung bad or good news yun.

Grabeeeeeeee. Nag aalala talaga ako kay Jacey. Kasi excited lagi yun pag pumapasok eh. Hmmmm

Naramdaman kong hindi lang ako ang nag aalala nang biglang umupo sa katapat kong upuan si Axcel.

"Bakit hindi mo siya kasama?" tanong niya

"Hindi naman kasi siya pumasok. Nakapagtataka nga eh. Nag quiz pa naman kami kanina." tugon ko

"Any contact details?"

"Or address?"

"Hindi ko pa nga nakukuha eh, nakakalimutan ko kasi."

"Akala ko nakuha mo na nung nag ferris wheel kayo?"

Umiling lang siya. Haynako kulang sa damoves to. Nagparaya na nga tapos torpehan pa.

Napangiwi nalang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fangirl of YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon