I. Hotel Alexandria

147 0 0
                                    

June 19, 2020

Hotel Alexandria

9:55 pm

Sabi ni Daddy dapat daw tulog na ako ng around 9pm. Pero eto ako, tinitignan lang yung mga kotse sa baba. Busy ang Commonwealth Avenue ngayon kasi Friday. Uwian ng mga taong taga probinsya na dito sa Metro Manila nagtatrabaho. Natutuwa ako sa mga ilaw, ang ganda nila tignan from here, 14th floor Hehe :3.

Para akong bata ano? XD. Kahit 24 years old na ako at graduate na ng Architecture.

Ay, hindi pa pala ako nagpapakilala ng ayos. Ako si Krystall Niel Haleco. People often address me as ‘Ms. K’, pero kahit ‘K’ na lang itawag ninyo sa’kin, or ‘Krys’ ayos lang…Basta wag yung ‘Niel’. 25 years old na ako, sa UP Diliman grumaduate. Talino ko no? XD.

Bukas magiging Mrs. Domingo na ako. Yep, I’m getting married real soon. Hindi pa ayos yung pinapagawa naming bahay e, mas ayos mag photoshoot and chorva dito sa Hotel, kaya nandito ako ngayon (at uber nafa fascinate sa ilaw ng cityx)).

Nakakabigla bang malaman na ikakasal na ako? Ahaha. Yung hubbie-to-be ko nasa kabilang room. Sosyalan ang peg naming :3.

Itsura ko kamo? Ahm. Hindi ako katangkaran, mga 5’2’’. Maputi ako kasi may pangderma na XD. Pero kahit naman nung bata pa ako maayos ayos na ang balat ko. Hindi ako pango, medyo singkit, at hindi retokada. Haha. Basta, ayos lang ang itsura ko. Pero para kay Honey ako daw ang pinakamaganda. Ayiieee. Para naman kay Daddy pangalawa lang ako, kasi si Mommy daw ang pinaka. Sweet pa din :’>

May sasabihin ako. Hindi lang naman yung mga magagandang ilaw yung dahilan kung bakit ako nakatitig sa labas. May naaalala kasi ako dun sa fountain sa baba na part nung katabing building nitong hotel. May mermaid na statue sa gitna, tapos yung mermaid may gitara na hawak. Cool noh?

.

.

.

.

.

*awkward silence*

.

.

.

.

.

Uhm, pwede ba magkwento sa’yo?

My Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon