Chad's POV:
Yow! Pumi-POV e noh? Haha. Hi guys I'm Chad Gomez. Bestfriend ni Sam Buenavista since birth. Kasama niya sa kalokohan pero hindi sa pambababae. Loyal to mga braddd! \m/
Anyway, nandito kami ngayon ni Sam sa isang bar malapit sa school. May kausap sa phone si Sam kaya nandoon sa labas. Mukhang seryoso nga yung lalaking yun e. Ayaw paistorbo! Siguro may binobola nananaman -______-
Nakita kong pumasok si Sam ng bar ng nakakunot ang noo at titig na titig sa cellphone na hawak niya. Problema nun? Kawawang cellphone. Kung may laser lang mata ni Sam, kanina pa sira cellphone niya! Tsk,tsk,tsk. Badtrip ang lolo niyo! Hahaha. Mapagtripan nga!
"Hoy pare! Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphonemo ha?! May problema ba?" mahina kong saad. Ayokong masuntok mga brad! Kung alam niyo lang gaano kasakit mapagbuntungan ng galit niyang si Sam! Kung di niya pa maaalala na kaibigan niya ko, baka dati pa 'ko pinaglalamayan! Hahaha.
"Ha? May hinihintay lang akong tawag." sabi niya ng hindi man lang lumilingon. Yung totoo dude, bastusan lang? Tsss.
"Kanino naman? Bago ba yan pre?" pangungulit ko. Pero imbis na sumagot, Uminom lang siya ng Red horse saka ibinulsa ang cellphone na hawak niya. Yung totoo? Ang Bipolar ng bestfriend ko!-____-
12am na ng umaga pero ayaw parin mag paawat ni Sam. Naikwento niya saakin yung babaeng nakilala niya daw. Same name daw sila. Feeling ko nga, nainlababo 'tong bestfriend ko e. Pero ayaw naman niya umamin. Yan kasi pag nambababae, sinasabi lang niya yung pangalan sakin nung babae para daw pag baka sakaling nakalimutan niya, maitatanong niya sa'kin. Baliw no? Naikwento din niya yung tungkol dun sa wallet nung babae. Tsaka yung balak niyang gawin bukas. At worst, kaya pala siya galit kanina, kasi hinihintay niya yung tawag nung Sam. Pero hindi naman tumawag. Kaya ayan! Naglasing! Tsk.Tsk.Tsk.
"Pare, may pasok pa tayo bukas! Tignan mo, lasing na lasing kana! Ikaw din, hindi ka makakapasok bukas! Paano mo magagawa yung binabalak mo dun sa Sam na yun?" sabi ko. Hindi naman ako masyadong uminom dahil alam kong magpapakalasing 'tong isang 'to at baka hindi kami makauwi ng buhay.
"H-Ha? H-hindi pwede! Tara, u-uwi na t-tayo!" sabi niya habang sinusubukan na tumayo. Nang makatayo siya, bigla naman siyang bumagsak. And tentenenen! TULOG na ang gag*!
Napailing na lang ako saka bumulong! "Inlove ka nga pare!"
Dahil sa sobrang pagod, hindi ko na inihatid si Sam sakanila. Tumuloy nalang ako saamin at nagpasyang doon nalang siya patulugin. Inihabilin ko nalang siya kay manong bogs at sinabing dalhin siya sa Guest Room. Malaki ang bahay namin pero tatlo lang kaming nakatira. Ako, Si Yaya Lorie tsaka si Manong Bogs. Ang parents ko, parehas na nasa Newyork for business. Pero di naman ako nagrerebelde kagaya ng ginagawa ni Sam. Sinusoportahan naman ako ng mga parents ko sa mga gusto kong gawin di kagawa ng parents ni Sam. Lagi siyang rejected. Kaya nga nagkaganyan yang taong yan e.
Bytheway, highway. Okay, ang korny lang. :3 Matutulog na'ko dahil kailangan ko pang pumasok bukas. *hikab* tsaka kai--.
Nagising ako ng 12:00! So it means, breaktime na namin sa FHU. Mabilis akong nag-ayos para makahabol sa klase. Pero bago ako tuluyang makaalis, nalala ko si Sam.
BINABASA MO ANG
Jar of Hearts [ON-HOLD]
Teen FictionNo, I can't take one more step towards you Cause all that's waiting is regret Don't you know I'm not your ghost anymore You lost the love I loved the most. -SamPerez.