Sam Perez's POV:
Goodmorning Philippines and Goodmorning Worlddddd! :D Ang saya saya ko! After kasi nung conversation namin ni Saltik kagabi, kumain na'ko. Kain dito, kain doon. Tanong ng tanong naman si Mama. Kung ano daw nangyari sa school, kung may friends na daw ba ako. At marami pang iba. I told her na may crush na ako. Yeah, si Saltik. Tawa nga siya ng tawa e. Ganito kasi yan..
FLASHBACK!
Lumabas na'ko ng room ko after ng call ni Sam para kumain.
"Hi mom." I greeted.
"Hello my princess. How's your first day? May new friends kana ba?" She asked while we're eating.
Sasabihin ko ba na may new friend/crush ako? Hmm.
"Yeah mom. I have a new friend. His name is Sam." I said. Nag o-open up naman talaga ako kay Mama. Pero yung nangyari na sabunutan thing? Di na niya dapat yun malaman. Baka palipatin nanaman niya ako e.
"Oh, that's great. Same name eh?" He said in her teasing tone.
"I was shocked when I heard his name mom." I said.
"Oh, really? Do you like him?" She said straight.
"Yeah, I do. I mean, he's cute and kind." I answered. No need to lie. I know my Mom. And alam kong okay lang sakanya na magka Boyfriend ako. Basta wag ko lang daw pababayaan studies ko.
Tumayo siya at niyakap ako. Which made me schocked. "Im so happy for you! If I'm not mistaken. he's your first crush right?" She asked. "Yes Mom." I answered.
After that, kinwento ko yung mga kahihiyan na nangyari. Walang ginawa si mama kung hindi tumawa ng tumawa. I said that I have to thank him for helping me find my room. Which is a lie. Alam niyo naman kung paano kami nagkakilala diba? And I also said that He's my classmate.
Ganito kami nagbo-bonding ni mama. Minsan kasi, pumupunta siya sa U.S para sa company namin dun. Si dad naman, wala na. He died after my 6th birthday. So ayun! Si mama nalang ang kasama ko. Pero kahit palagi siyang wala, lagi naman siyang nandiyan kapag kailangan ko siya. She's the best mom in the world. <3
END OF FLASHBACK!
After doing my routine, I came to school early. Ayoko ma late. And I want my wallet back. Buti nalang nga binigyan ako ng pera ni Mommy. Kung hindi, wala akong ka pera pera ngayon!
Natapos ang first 3 subjects namin pero wala pa rin si Sam. Nag aalala na nga ako eh. Baka kasi may nangyari sakanya. I just keep myself calm. Ayoko naman mag isip ng hindi maganda. Recess na namin pero wala parin siya. Pumunta ako sa rooftop and WALA pa rin. Pumunta nalang ako ng Canteen at kumain. Medjo maraming tao pero may vacant seat pa naman.
Nang makaupo ako, di ko parin maiwasan isipin kung okay lang ba si Sam. I sighed and said, "Nasaan na kaya siya?"
"Sinong siya?"
"Ay palaka!"
"Hey, hindi ako palaka. Ako nga pala si Kaye. And you are Sam right? Sam Perez?" she asked. I know her, I think? Kung hindi ako nagkakamali, she's one of my classmate.
"Yeah. Nice to meet you kaye." I said in return.
"Pwede bang maki-Share? Wala na kasing Vacant e." She said.
I looked around just to find out na wala na talagang vacant. Since pangdalawahang tao naman 'tong seat na inupuan ko, I nod. "Sige, tabi na tayo." I replied.
"Thankyou" she said then sit.
Kaye is so nice. Marami siyang kinukwento sakin tungkol sa life niya. And daldal nga niya e. And I think hindi siya katulad nung girl na nakabanggaan ko kahapon.
"Diba magkatabi kayo ni HC?" Kaye asked.
"Sinong HC?" I said. Parang wala naman akong kilalang HC sa room namin ah? Saka si Sam lang naman yung katabi ko sa room e. Teka, meron nga ba?
"Do you mean, hndi mo kilala si HC?" tanong niya. I shook my head. "Sino ba siya? Kailangan ko ba siyang makilala?" I asked.
"Oo, kailangan mo siyang makilala!" Pasigaw niyang sabi. halos nagtinginan naman yung students saamin.
"Lower your voice." I told her. Nakakahiya kaya.
"S-Sorry. Nabigla lang ako na di mo siya kilala. " sabi niya saka tumungo.
"Hey, that's fine. Don't worry, I'm not mad."
"Thankyou. Pero totoo nga, di mo kilala si HC?" pangungulit niya.
"Hindi nga." I answered.
"Okay." sabi niya saka pinagpatuloy ang pagkain. Itatanong ko pa sana kung sino si HC nang biglang tumunog yung bell. It means, tapos na yung recess. Mamaya ko nalang siguro itatanong.
Pumasok na ako ng room ng Mapansin kong may umupo sa left side ko. (Sa right side ko nakaupo si Saltik) Wala naman kasing tao dun kanina e. Chad ata name nung lalaki. Narinig ko lang. ^_______^
Tumingin ako sa right side ko pero wala pa rin si Sam. Ano ba yan, ba't hindi kaya siya pumasok? May nangyari kaya sakanya? Natapos na yung klase pero I keep asking myself kung kumusta na ba si Sam. Sana naman okay lang siya. Miss ko na siya agad. :(
---
A/N: Sorry kung sabaw. Medjo magulo pa isip ko e. Pero O to the M to the G! As in, Omygeee! Nasaan kaya si Sam? May new friend na si Ms. B! Hi kaye! Kaway-kaway. :)
Medjo matatagalan po yung next update. Busy sa school e. As in busy! Sarehh. Pero I'll try my best para makapag update this weekend. Pero IM NOT SURE!
Vote.Comment.And Share this story if you like! THANKYOUUUU! :**
BINABASA MO ANG
Jar of Hearts [ON-HOLD]
Novela JuvenilNo, I can't take one more step towards you Cause all that's waiting is regret Don't you know I'm not your ghost anymore You lost the love I loved the most. -SamPerez.