Sam Perez POV:
"Anong sayang?!" Sabi ni..
"SAM?!"
"Woah! What's wrong? Parang nakakita ka ng multo ha?"
"H-Ha? Ahh, mukha ka kasing multo." nakangiti kong sabi para mabawasan yung sobrang pagtatalon ng puso ko. Baka lumabas e.
"Ako multo? HAHAHA, takot ka ba sa multo? Ang Epic ng mukha mo nung nakita mo ako e. Pfft. HAHAHAHA" Maligayang sabi ni Sam. Oo, maligaya! Humahagalpak na nga e. Ts.
"Kung alam mo lang." pabulong kong sabi.
"Ha? Ano yun? May sinasabi ka?" nagtataka niyang tanong.
"Ako? A-Ah, wala." Pagsisinungaling ko.
Hayy, sam. Kung alam mo lang sobrang saya ko nang makita kong nandito ka pa.
"Huyy! Nakikinig ka ba?"
"Ha? Ano yun?" Di kasi ako nakikinig. HUHU. Di ko tuloy napansin na may sinasabi pala siya. ANG TANGA MO SAM! ANG TANGA MO! HUHU. T^T
"Ang sabi ko, Anong sayang?!" bagot niyang saad habang naglalakad papasok ng school. Ako naman, sunod ng sunod! Naku!-.-"
"Ahh, magte-thankyou sana ako sayo kanina kaya lang bigla kang umalis. Kaya SAYANG." sabi ko habang sinusundan siya papuntang.. TEKA!
ROOFTOP?! Anung gagawin namin dun?! Umalis siya tapos babalik? May sira ata 'to. Makaalis na nga. Baka mamaya maisipan pa niyang tumalon sa Rooftop tas pati ako madamay. Hayy, sayang naman. Ang gwapo pa naman din niya >3<
Maglalakad na sana ako pababa ng hagdan nang biglang hinila ni Saltik yung kamay ko. Oo, saltik! Yung ibig sabihin nun, MAY KONTI, MAY TAMA O KAYA, BALIW! HAHAHA.
"San ka pupunta? Diba mag te-thankyou ka pa saakin?" Sabi niya ng naka pout with matching puppy eyes. Shit, pigilan niyo ko. Baka ma-rape ko 'to ng di oras!
Pshh. Sam, BEHAVE! utos ng utak ko. Tama! Mag te-thankyou na ako para makaalis na ako dito.
"Tha--" Bago ko pa masabi ang salitang "SALAMAT", hinila na ako ni Saltik papasok ng rooftop. Ako naman, nagpahila! Hayy, Shunga ko talaga! Yung katawan ko kasi e! Ayaw magpaawat. HUHU T^T
Pagdating sa rooftop, umupo ulit si Saltik kung saan siya umupo kanina. Saka may kinuha siyang plastic sa bag niya. Teka, ano yung laman nun? Ahhh,
BURGEERRR?! Di lang Isa! Kundi, DALAWA! Teka, para sa'kin ba yung isa? *u* Matanong nga.
"Ano naman gagawin mo diyan sa burger?"
"Kakainin natural. Ano bang ginagawa sa burger? Tinititigan?" Inis niyang tanong. Oo nga no? Ts, minsan na nga lang ako magtatanong yung walang kwenta pa! Nahiya na tuloy akong itanong kung para saakin ba yung isa, ToT
BINABASA MO ANG
Jar of Hearts [ON-HOLD]
Novela JuvenilNo, I can't take one more step towards you Cause all that's waiting is regret Don't you know I'm not your ghost anymore You lost the love I loved the most. -SamPerez.