Hay nako . Heto naglalakad mag isa habang papunta sa school . Pang umaga 4th year na . Alam mo yung feeling na lagi kang nag papapansin sa kanya pero di ka man lang napansin . Peste yang James Cruz na yan . Poging sungit yun . Sa pagpasok ko sa School na to . Siya lang talaga yung minahal ko mula sa pagiging freshmen at ngayong senior student na wala pa rin . Eh nung Prom nga namin ni di man lang niya ko sinayaw . Nakakabanas siya .
" Aray ko "
Sabi ko sa nabangga ko . Oh no si Poging Sungit . Lagot .
" Sa susunod kase tumingin ka sa dinadaanan mo ! "
Sigaw niya sa akin .
Bago pa ako makapagsalita sinangga niya ko at na out of balance ako . Natumba ako . Ano ba yan nakakahiya naman ka aga aga ganito agad sinapit ko . Naramdaman ko na tumulo ang aking luha . Yumuko na lang ako habang kinukuha yung gamit ko . Pinagtatawanan pa ako ng iba .
" Tulungan na kita Kate "
Tinulungan na lang ako ni John , classmate ko . Pogi rin naman at higit sa lahat mas mabait kay James .
" Salamat sa pagtulong mo "
He smiled at me . Huwag natutukso ako .
" Punta tayong canteen "
Nako nag yaya pa . Gusto ko nang pumunta ng room .
" May gagawin pa kase ako eh "
Palusot ko sa kanya .
" Bala ka . Kung sa room ka pupunta wala pang taon dun "
Di naman ako matatakutin .
" Ge bye na "
Naglakad na ko papuntang room . Kahit pangit ang nangyari sa akin kanina I was glad kase may nag aalala sa akin . Hay nako trending ako sa campus . Go lang pag usapan niyo lang kagandahan ko .
Nakarating na ko sa room . Tama si John . Wala pang tao .
Umupo na lang ako .
" Napakayabang talaga ni James kala mo kung sinong gwapo "
Sinabi ko sa sarili ko . Nagulat ako nang may nagsalita .
" Eh ikaw naman may kasalanan ! At tsaka hindi ako mayabang "
Tumayo siya . Ano di ka mayabang ?
" Sa tingin mo anong ginawa mo sakin kanina ! Diba pinahiya mo ako tapos sinangga mo pa ko kaya natumba ako at pinagtawanan "
Sigaw ko sa kanya . Tapang ko ngayon ha . Nasa tama naman ako eh .
" In love ka ba sa akin ? "
What ? Ano ba pinagsasabi nito ? Nakakaspeechless naman .
" Hahaha . Speechless ka noh ? "
Oo nakakaspeechless kaya .
" Sa tingin ko in love ka sa akin pero wala akong pakialam sa nararamdaman mo . Halata namang crush mo ko kase ako yung nasa isip mo laya nabangga mo ko . "
Ang yabang mo naman . Bigla na lang siyang umalis . Ang sakit naman nang sinabi niya . Ito ba yung presence niya na saktan ako .
Nakakawalang gana nang pumasok . Lunes na lunes . Makagala nga muna . Saglit lang ang gala ko at pumunta na agad sa room .
" Good Morning Mam . Good Morning Classmate sorry for being late "
Nagtinginan naman lahat . Walang may pake . Umupo na ko at malas katabi ko sa kaliwa si James at the other side ay si John . Altenate eh .
" Ms . Kate Almonte why are you late ? "
Tanong ni Mam . Napatingin sa akin si John
" The guy on my left side makes me cry that's why I went somewhere to feel better "
Sabi ko . Ayokong mag sinungaling .
Bigla namang tumayo si James .
" Ms . Kate Almonte sorry about that . I didn't meant to hurt you "
Umupo na ko pati siya. May nagbato ng papel sa akin . Bwiset talaga tong si Poging Sungit . May nakasulat daw basahin ko . Sorry kanina . Buti naman naisipan mong mag sorry . Hay nako nakakawalang gana . Nakakabadtrip siya . Akala ko magiging pangit ang presence niya .
Ring Ring Ring
Sa wakas uwian na . Bago ako umuwi pumunta muna ako sa aking locker at inilagay ang iba kong gamit . Bigla namang may humila sa akin at dinala ako sa walang tao. Nako si James pala .
" Ano bang problema mo ? "
Sabi ko sa kanya . Lakas ng trip nito kupal na to .
" Kung akala mong totoo yung sorry ko kanina , manigas ka . "
Sigaw niya sa akin . Bigla naman akong nanghina sa sinabi niya at tumulo ang luha ko .
" Kung alam mo lang kung ilang taon kitang minahal but still ewan ! Manhid ka na nga ang yabang mo pa "
Pagprangka ko sa kanya . Tinawana lang ako putek .
" Bakit sinabi ko bang mahalin mo ko e may gf ako ? "
Nanghina ako lalo ako sa sinabi niya na may gf siya . Napaiyak ako putek sa harap niya pa .
" Hayaan mo kakalimutan kita . Pipilitin kong mawala ka sa puso ko at pati sa isipan "
Tumakbo na lang ako at umiyak . Ang pangit at napakawalang kwenta ng presence niya . Sana di ko na sinabi yung feelings ko para sa kanya . Mas nasaktan pa pala ako sa ginawa ko . Wala siyang puso . His presence is worthless !! .