Hahaha . Nakakatuwa naman si Kate masyadong iyakin kahapon . Naniwala namang may gf ako . Mga babae talaga madaling maloko . Pero mahal niya pala ako simula nung 1st year . Ilang taon na ang lumipas but she still loves me . Sayang sinaktan ko pa naman siya kahapon .
" Pare anong ginawa mo kay Kate kahapon ? "
Ah si John pala . Nako ano ba isasagot ko ?
" Bigla na lang siyang umiyak eh sabi ko lang naman na may gf ako at huwag na kong guluhin "
Sagot ko . Babanatan ko toh kung di ko lang pare eh .
" Huwag munang uulitin yun kay Kate , nga pala mag sorry ka . Ayun siya sa may locker niya "
Ayoko ngang mag sorry . Di ko nga alam yung word na yun eh .
" Lapitan mo na Pare "
Di ko na lang pinansin . Dumiretso na lang ako sa gymnasium wala namang tao dun e .
" Kate "
Don't call my John . Kasama ka sa pag limot ko kase bestfriend ka niya . Umalis agad ako . Sa wakas nakalayo na rin .
" Aray ko "
May bigla namang sumabunot sa akin . At sino pa ba eh di yung tatlong kong bruhildang kaklase na si Judy , Weng , at Gladys .
" Bitiwan niyo nga ako "
Pagtatanggol ko sa sarili ko .
" Tigilan mo na si James kundi humanda ka sa akin "
Oo titigilan ko na siya . Putcha tinapunan pa ako ng shake at iniwan na lang nila ako . Sheemaay ang lagkit ko . Napaiyak na lang ako sa nangyari sa akin . Paano ako makakapasok sa room ? Pinunasan ko na lang yung ginawa nila sa akin . Ayoko munang pumasok sa room . Doon muna ako sa gymnasium , ang layo pa naman nun . Sa sobrang bagal ko pa namang mag lakad .
At sa wakas nakapunta na rin pero ano toh ? Si James may kahalikan ? At si Gladys pa .
" Anong ginagawa mo dito Kate ? "
Tanong niya sa akin . Sh*t nakita niya ako .
" Ikaw babae ka umalis ka nga dito "
Sabi ni Gladys . At ako umalis naman . Tumakbo na ako para makalayo pero bigla akong nadapa .
" Aray ko puro na lang katangahan ang nangyayari sakin "
Sabi ko sa sarili ko . Nagulat ako nang may nagbuhat sa akin .
" Doon muna tayo sa paborito kong tambayan "
Sabi niya at ako tumango na lang . Siguro mas maganda kung sumama muna ako sa kanya .
" Bakit mo siya pinaalis Gladys ? "
Sabi ko kay Gladys . Bakit nga ba kami naghahalikan ?
" Eh diba naghahalikan tayo dapat walang makakita . Bakit James type mo ba siya ? "
Kapal naman nito . Ikaw ang humalik sa akin . Patay na patay ka kase sa akin .
" Tabi nga dyan "
Sabi ko .
" Bakit ? Hahanapin mo siya ? "
Iniwanan ko na lang siya . Hahanapin ko si Kate . Pero saan kaya di naman siya pupunta ng room eh yung blouse niya may dumi siguro kasama ni John yun mag kaclose yun .
" Ummm John bakit mo ko dinala dito ? "
Sabi ko sa kanya pero ang ganda dito .
" Kalimutan mo na lang si James "
Napaiyak tuloy ako sa sinabi niya .
" Pero mahal ko siya as in nung first ye-- "
Di niya ako pinatapos .
" Pero diba di ka naman niya minahal "
Ganda ng banat mo sarap mong banatan .
" Kahit na mahal ko siya eh pero ang sakit rin nang nakita ko siyang may kahalikan tapos yung nagtapon pa sa akin ng shake "
Sabi ko sa kanya habang umiiyak ako . Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin .
" Let me comfort you "
Pinuntahan ko yung paboritong tambayan ni John . At I'm almost here . May naririnig akong umiiyak . And I saw them sitting in the grass which is magkayakap sila . Pucha naman oh . Sila na ba ? Makaalis na nga lang .
" John tulungan mo kong kalimutan si James "
Tumango si John then he smiled .
" Tutulungan kita pero with one condition "
Napaalis naman ako sa yakap niya . Curious kase ako sa condition niya .
" Sige ano yun ? "
Sabi ko sa kanya . Ngumiti lang siya . May nakakatawa ba sa sinabi ko ?
" Liligawan kita "
Nagulat ako sa sinabi niya . Bakit hindi diba eh single naman ako at para makalimutan ko na si James .
" Hmmm sige pwede . Halika na pasok na tayo sa room baka tapos na second subject natin "
Hahaha nag cutting ako at first time to noh .
" Sige una ka na . Dito lang ako "
Umalis na ako . Liligawan niya ako ? Pwedeng pwede pogi naman siya at mabait di gaya ni James sobrang yabang ! Nagulat ako nang may humila sa akin bigla .
" Ano ba James bitawan mo ko ! "
Pagpupumiglas ko . Lagi niya na lang tong ginagawa sa akin . Nakakaibis na talaga siya . Oh no tinititigan niya ako nanghihina ang mga tuhod ko eh kinorner niya ko .
" Ayaw mo na ba sa akin ? "
Sabi niya sa akin ng may kakaibang tono . Oo ayaw ko na sayo . Lagi mo na lang akong pinapahiya at sinasaktan .
" Oo ayoko na sayo kaya huwag muna kong guluhin "
Yung mga tingin niya nakakatunaw .
" Kakalimutan na kita at higit sa lahat hindi na kita crush kaya bitiwan mo ko "
Putek to tinawanan lang ako . Nakakainis talaga siya . Ang sarap ipakain sa tigre .
" Kakalimutan mo ko ? "
Bigla ba namang inilapit yung mukha niya sa mukha ko , as in parang mag hahalikan kayo . Sinipa ko siya at di na nagdalawang isip na sampalin siya .
" Aray ! Bakit mo naman ako sinampal ? Akala mo ba hahalikan kita ha ! "
Ako pa lumabas na masama dito ha . Ang yabang mo talaga .
" Oo kakalimutan na kita . At ang kapal ng mukha mo . Gaya pala nang sinabi mo nung pinaiyak mo ko narealize ko na sayang pala yung pag mamahal ko para sayo "
Oh no napalakas ata sigaw ko . They caught my attention . Nako po baka pinag uusapan na nila ako .
" Haha better luck sayo . Kung kaya mo lang akong kalimutan "
Sabi niya at bigla ba naman akong hinalikan sa pisngi . Oh what the !! Nanghina yung mga tuhod ko dun . Matapos akong halikan ay iniwanan lang ako . Sa sobrang inis ko ay hinabol ko siya at nang maabutan ko sinampal ko na naman siya .
" Bakit mo ko hinalikan ha ? "
This time the rumors are starting . No . Bakit ko pa sinigaw yun ?
" Don't make any story about me "
Aray ako talaga pinalabas nitong mali .
" Yay imbento talaga yang babaing yan . Ang kapal ng mukha "
Oh no . He leaves me now . Paano toh pinag titinginan ako ? Tumakbo na lang ako . Bakit ganun siya lagi niya na lang ako ginaganito ? He was giving me a reason to forget him . Bakit niya ba ako pinapahiya ? Kailangan kong makalimutan siya . Ayoko na .