Sana makalimutan ko na si James para maging kami na ni Joseph . Ang kati mo Kate . Hahaha . Ayoko na kase kay James . Mahinang lalaki .
" Hi Kate "
Oh si Sandra . Himala pinansin ako nito .
" Hello . "
Naglalakad kami . Close naman kami nito kahit papaano .
" Naging kayo pala ni James ? "
Kailan niyo ba ititigil yan ? Hindi kami at lalong hindi magiging kami . Kinasusuklaman ko yang lalaking yan . Masyado lang akong nabighani sa kanya nung freshmen at hanggang senior student . Pero ngayon hindi na .
" Hindi noh . Gawa gawa niya lang yun "
That's the truth . Kaya huwag ka ng magtanong .
" Uy sama ka sa akin later "
Saan ba ? Pwede sabado naman bukas eh kaya pwede .
" Saan naman ? "
Saan kaya ? Sana sa masayang lugar .
" Later ko na sasabihin basta sumama ka . "
Umalis na siya . Nako po .
Pumasok na ako sa room . Nakakatamad . Naghihintay lang ako sa uwian . Makalipas ang ilang oras at nag bell na . The moment where I belong ang uwian .
Nakakabanas talaga kahapon . Lalo na si Joseph . Siguro nakalimutan na ako ni Kate . Marami pang iba dyan James . Pumunta ka ng bar at marami dun . Dayain mo lang age mo at makakapasok ka .
" Best are you ready ? "
Nakakagulat naman to .
" Oo na . "
Sumakay kami sa taxi at bumaba na . Nagulat ako sa pupuntahan namin .
" Bakit sa bar diba bawal underage dyan ? "
Ano gagawin ko dito ? Lalandi ?
" Gaga dayain natin age natin "
Oo nga naman . Tanga talaga . Nakapasok kami . Ang daming pogi . Ang hohot nila . Si Sandra iniwanan ako sa may pwesto namin at siya nasa dance floor . Ayoko ngang sumayaw . Umiinom na lang ako ng alak . Di naman masyadong nakakalasing pero pag marami na ayun na dun ka na malalasing .
Ang saya dito . Nakagagaan ng loob pero sino yung babaing yun ? Parang si Kate . Nung malapitan ko ng kaunti . Siya nga . Ano ginagawa niya rito ? Bakit siya lang mag isa ?
Ang sarap naman ng iniinom ko . Parang nahihilo na ako . Asan ba si Sandra . Nagulat ako nang may biglang umupo sa harapan ko .
" Kate anong ginagawa mo dito ? Bakit ka umiinom ng alak ? "
Si James bakit nandito . Wala kang pakialam sa buhay ko .
" Wala kang pakialam sa buhay ko "
Tumayo na ako . Nahihilo na ako .
" Umuwi ka na "
Bigla na lang akong nakatulog .
Grabe to si Kate nag iinom pala to .
Dinala ko na lang siya sa bahay ko .
Nung nasa bahay na kami bigla siyang nagising . Amoy alak siya .
" Ano bang balak mo ha ? Asan ako James ? "
Sabi niya . Lasing na to . Bigpa niya na lang akong sinukahan .
" Kate gumising ka nga ? "
Bigla siyang nakatulog . Yung damit ko may suka niya . Tinawag ko yung kapatid ko para tulungan ako at success naman yung ginawa namin . At ako bumaba na lang sa sala . Doon na lang ako matutulog .
Ang sakit ng ulo ko . Dinilat ko mga mata at WTF . Asan ako ? Bakit nasa ibang lugar ako ? Bakit iba damit ko ? May nangyari ba ? Tumayo agad ako at ano yun ang bango naman nung pagkain na yun . Pagkababa ko . OMG bakit nasa bahay ako ni James ? .
" Gising ka na pala Kate "
Sabi niya . Aba may gana pa tong magsalita . Nilapitan ko siya .
" Bakit ako nandito ha ? May ginawa ka ba sa akin ? Bakit iba damit ko ha ? "
Kumunot naman noo niya . Aba masasapak ko to .
" Nalasing ka sa bar . At nakita kita . Kapatid ko nagpalit ng damit mo "
Awkward po ? Putak pa Kate .
" Ah ganun ba "
Sumasakit ulo ko .
" Kumain ka muna Kate "
Yaya niya sa akin . Ayoko nga .
" Ayoko uuwi na ako "
Palabas na ako nang magsalita siya .
" Pero Kate baka gu-gutom ka pa "
Ano ba problema nito ?
" I need to go "
This moment I went outside . Ayokong makita siya . Naiinis ako . Bakit niya alam na nasa bar ako ? May nakakita ba sa akin ?
Kate Almonte ang sarap mong banatan . Di ka man lang nagpasalamat sa akin . She giving me a way to back my bad attitude . Napaka wala mong appreciation . Pinaghainan kita pero worthless lang . My effort is worthless .