♥Sign 4

13 0 0
                                    

"I found it. Thissss!!!"

-___-

"Seriously?"

Gusto ko na lang tumalikod at layasan si Allysa sa mga inaasta nito. Mababaliw ako sa itinatakbo ng isip niya, susko!

"May sapi ka talaga kahit kailan 'no?"

"Oh bakit na naman?" patay malisya nitong tugon sakin habang tuwang-tuwa s'yang hawak yung libro at inaamoy-amoy ito. Ihampas ko kaya sa kanya yan?

"10 Love Signs? Aanhin mo naman yan. Walang-wala ka na ba talaga?"

"Ikaw naman gagamit hindi naman ako!"

"Sino namang may sabi sayong gagamitin ko yan aber? Ipagbebenta muna kita bago mangyari yon."

"Grabe ka naman mare!" nakanguso nitong sabi.

"Matagal ko nang pinag-iisipan yon, akala mo ha. Hindi ko na kinakaya ganap mo sa buhay, kaya ipagbibili na lang kita. Kung wala naman bumili kahit bigay na lang."

"Huwaaah. Mare naman eee!"

"Tara na, sinasayang mo oras nating dalwa. Kala ko naman kung anong libro yan, sinasabi ko na puro kalokohan alam mo."

"Sige na mauna ka na sa labas bibilhin ko 'to." Hindi ko na s'ya nilingon at lumabas na. Alam ko naman kasing hindi papaawat babaeng yon. Sina Jester at Lester nasa loob pa ata, tumayo lang ako dito sa gilid at tinitingnan yung mga taong dumadaan.

Ano na namang ginagawa ng babaeng 'to dito? Buntot ko ba ito at kahit saan ata ako magpunta nakikita ko.

"What are you doin' here?" bungad nito nung paglapit n'ya sakin. Sino pa ba? Syempre si Cheska nandito na naman sa harap ko, nakataas ang kilay at nakabusangot ang mukha.

"None of your business." simple kong sagot dito

"Ikaw? Are you following me?"

"In your dreams Eloi! FYI, ako may ari nitong book shop na 'to."

Whaaat?! Wait bat parang bumilis tibok ng puso ko, para akong kinabahan sa sinabi niya.

"Oh? You're not aware. So now you know, everything is not about you. Bye"

She left me dumbfounded, wth! I'm speechless, okay let me snap myself. Tinapik-tapik ko ang sarili ko hanggang sa makalabas na si Allysa at yung dalwang magpinsan.

"Nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Mare sakin.

"Hindi mo ba nakita si Cheska sa loob?"

"Hindi ko napansin, bakit nandoon ba?"

"What happened?" pagtatanong nung dalwang mag-pinsan.

"Ah. Nothing! Tara na?"

Naghiwa-hiwalay na kami sa parking lot at umuwi na. Habang nasa sasakyan kami ni Mare ay sinabi ko ang nangyari kanina. Nabigla naman ito at tulad ko hindi din s'ya makapaniwala. Like, hello si Cheska 'yon kung may uunahin man yon makeup and everything like that pero bookstore? Tsaka, mukhang business minded ba 'yon? Trouble minded baka pa.

Inihatid ko na si mare sa may tapat nila and until now hindi pa din mag-sink in samin yung kanina.

Dumiretso na ako ng room ko and decided to take a shower after a minute. It's already 6:30 PM and wala akong kasama right now sa bahay aside from the maids, kasi yung mom ko nasa Hospital, she's the head doctor there. My dad is a business man kaya always wala sa bahay because of work, seminars, meetings and all kaya ayon minsan lang s'ya nakakapag-stay dito sa bahay. My mom and I understand the situation naman, it's for the sake of the family after all. Tsaka dad is doing his best just to make time for us.

Five Love SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon