♥Sign 5

10 0 0
                                    

Eloiza's POV

"May humigit sa kanyang babae, hindi ko alam kung sino. Tch"

Hindi ko na ito nilingon at dumiretso na nang paglalakad. Umuna na si Lester sa amin at sabi niya siya na lang daw ang mag-hahanap. Dumiretso na kami ni mare sa cafeteria only to saw Jester in a table kasama si Cheska.

"Yung bruha naman pala ang humigit." Umupo na ako sa table at hindi na pinansin yung sinabi ni Allysa. Wala naman akong karapatan ipagdamot si Jester, tsaka choice niya naman sumama. Choice niya din unahin si Cheska kesa bumalik sa room at kuhanin ang mga gamit niya.

"Mare ikaw na lang bumili ng pagkain natin tinatamad ako pumunta sa unahan ang daming tao."

"Okay ka lang?"

"Yeah."

Nanlalambot ako sa mga ganap ngayon. Una yung lalaking mayabang ngayon itong nakikita kong nagtatawanan sa may bandang gilid ko. Iniyuko ko ang ulo ko para hindi na lang makita ang mga tao nang ramdam kong umupo na si Allysa sa may harapan ko. Hindi ko na muna siya nilingon at nanatiling nakayuko habang nakasuporta ang dalwa kong kamay sa mukha ko.

"Anong binili mo mare?"

Hindi ito nagsasalita kaya inisip ko na lang na hindi niya narinig dahil sa sobrang ingay sa cafeteria at lalong lalo na sa table nina Cheska. Tumunghay na ako para tingnan si Allysa kaso hindi pala siya yung taong nasa harap ko.

"What do you need?"

"Just sharing a table, puno na lahat. Any problem with that?"

Bago ko pa ito masagot ay may nagkakagulo na sa unahan kaya napatingin ako sa pinang-gagalingan ng commotion.

"What's happening? I can't see." ewan ko pero natanong ko nang wala sa oras si yabang.

"Wag ka na lang chismosa." Tiningnan ko siya dahil sa sinabi niya at kampante lang siyang nakaupo.

Hindi pedeng hindi ako pumagitna doon kung President ako ng Student Council. Kinuha ko yung stool na inuupuan ko at inihampas ito sa sahig dahilan para mag-tinginan sakin ang mga tao.

"Umalis nga kayo riyan sa unahan!" Sigaw ko sa mga ito.

Nagsitabihan ang mga taong humaharang kanina sa paningin ko at hindi ko inaasahan ang makikita ko. Si Mare nakaupo sa sahig may spaghetti sa ulo at kinakausap siya ni Lester. Dali-dali akong nagtatakbo papalapit dito at tinanong kung anong nangyari.

"Kasi si Cheska, mare. Iniharang yung paa niya sa daan, hindi ko naman agad nakita kaya natumba ako hawak ko pa naman 'tong tray." Kita kong paiyak na ito habang sinasabi sa akin ang nangyari kaya binulungan ko siya na wag siyang magpapakita na mahina siya.

Nanginginig ako sa galit pero I chose to composed myself para maharap ko nang maayos itong impaktitang to.

"Lester can you accompany her sa washed room. Dumaan muna kayo sa locker kasi may extra clothes siya doon."

Tumango lang naman ito at nagdidilim na yung paningin ko sa patuloy na pagtatawanan ng mga impaktita.

"Hanggang kailan ka ba magpapakababa sa mga ginagawa mo?" Nang-gigigil na ako sa babaeng 'to, gustong-gusto ko na manapak.

"Hanggang hindi ko kayo natuturuan ng tamang leksyon."

"Kung may dapat turuan ng tamang leksyon dito? Ikaw yon! Sobra ka bang nagseselos saming dalwa para umakto ng ganyan? O baka naman inggit ka?"

Five Love SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon