P R O L O U G E:

69 6 14
                                    


"You already know about your condition, Ma. 'Di ka na dapat nagpapagod. Masyado ng mahina ang resistensya mo." pagsusumao ni Mama kay Lola na ngayon lang ay parang lantang gulay ng nakahiga sa kama.

Eh papaano ba naman kase, alam na nitong may sakit siya kaya dapat ay'di siya napapagod. Heto pa rin ay nagpapatuloy sa mga gawaing pambahay.

Kungsabagay, 'di niya naman talaga mapipigilang 'di sumuway sa amin dahil nakaka-bored rin naman ang laging nakahiga sa kama tapos wala pa siyang kausap at kakwentuhan man lang.

Minsan ay naaawa rin ako kay Lola eh. Kahit sa edad nito, pilit pa rin siyang nagpapalakas kahit alam naman naming sa kaloob-looban nito ay mahinang-mahina na siya, pero heto't handa pa ring lumaban hanggang sa kahuli-hulihang hininga niya.
Nakakabilib lang.

"P-pagpasensiyahan mo na ako anak. Gusto ko lang naman makatulong." napakahinang tugon nito. Mahina itong umubo kaya 'di ko mapigilang 'di mapaluha.

Ang makitang nahihirapan ang aking Lola ay isang nakakapag-pasikip na ng aking dibdib. 'Di niya man makitang pinapahalagahan ko siya dahil sa ugali kong mapag-mataas, pinapakita ko na lang ang aking pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aaruga sa kanya.

"Ma naman.. Napag-usapan na natin 'to dati. Huwag ka namang sumuway oh. Gustong gusto ko pang makasama ka ng mas matagal.." Maluha-luhang sambit ni Mommy na nakahawak sa nga kamay ni Lola.

"Anak... may mga bagay talagang mayroong limitasyon. Lahat ng bagay ay 'di nagtatagal sa mundo at masisira. Katulad ko, Beatrice. Hindi ako pwedeng mabuhay ng matagal dahil lahat naman ng tao ay may limitasyon. Kaya 'di naman tayo pwedeng magsama ng mas matagal." napahikbi ako ng malakas dahil sa sinabi nito.

"D-Dmitri." mahinang usal ni Lola. Tinakpan ko ang aking kamay sa aking mukha dahil sa kahihiyan. Sa unang pagkakataon ay nailabas ko ang iyak ko na pinipigilan ko sa maraming taon.

Nagpapanggap man ako ng malakas sa panlabas katulad ni Lola. Hindi pa rin maikakaila na mayroong parte ng aking pagkatao na aking kahinaan.

"Beatrice.. I-iwan mo muna kami ng aking apo." pagsusumao ni Lola. Agd naman itong sinunod ni Mommy kaya kami na lang ang natitira sa kwarto.

"Batid kong nasasaktan ka apo, ngunit kailangan nating tanggapain ang kapalarang 'di ako magtatagal sa mundong ito." panimula niya.

"Kung sakali mang mawawala ako sa mundong ito, sana ay mahanap mo ang iyong sariling kaligayahan, Dmitri." ngumiti si Lola na nakapag-pagaan sa damdamin ko.

"Sana ay may matagpuan kang lalaking magmamahal ng tapat sa'yo, apo. Hinihiling ko na sana'y magpapakabait ka at 'di na gagawa ng kalokohan. 'Di mo man matupad ngunit sana iyong gawin, Dmitri." hinawakan nito ang aking kamay na nangangatog.

"Nakikita mo ba iyon, apo?" tinuro nito ang isang portrait na nakasabit sa pader.

"Opo, Lola."

"Iyan ang mga lugar na gustong-gusto kong puntahan. Araw-araw kong pinagdarasal na sana ay makakapunta ako diyan balang-araw.

Napatitig ako sa painting at ngumiti ng malungkot.

"Nakakalungkot lang dahil 'di ko na mapupuntahan ang lugar na'yan."

"Bakit ba gustong-gusto niyang puntahan iyan?,Lola?" tanong ko na may halong kuryosidad.

"Gusto kong libutin ang mundo, apo." mahinang tugon nito.

"May hihilingin sana ako 'Dmitri." napatitig ako sa kanya.

"Maaari bang ikaw na ang tumupad sa pangarap ko?" nagulat ako.

Papapuntahin niya ako sa mga lugar na 'yan?Nawala lahat ng luha ko sa mukha dahil sa mabilisang pagpahid. Eh hindi ko nga alam kung saan yan? Minsan nakakaloko ding kausap si lola eh. Matetegi na nga magbibiro pa.

"'Di ako nagbibiro, Apo." napaubo ako.

Mind Reader ba siya?

"Hindi ako nakakapagbasa ng isipan apo."

"What?---"

"Nakabase sa iyong mga mata ang mga katanungang 'di mo mailabas, apo."

Natawa ako ng 'di sinasadya. Kung ano-ano na naman kase ang iniisip ko.

"A-Apo, gusto kong ikaw na ang tumupad ng pangarap ko. Gusto kong puntahan mo ang mga lugar na iyan. Alam mo naman ako, hilig kong mamasyal lalo na noong bata ka pa, naaalala mo? Pumupunta tayo kung saan-saan." umubo ito kaya napakapit ako sa kamay niya. "Lahat ng napuntahan natin dati, iyon ang mga lugar na ginusto kong puntahan. Iyan na lamang ang natitirang lugar na 'di ko pa napuntahan. Kaya sana, sa huling araw ko rito ay ikaw na ang magpapatuloy ng kagustuhan ko." hinawakan ko ang kamay niya at napahikbi ng malakas.

"Ingatan mo ang buhay mo. Life is so precious. Live for Life. Pahalagahan mo ang buhay mo dahil ito ang magsisilbi sa mga pangarap mong gusto mong abutin balang- araw." ngumiti ito ng matamlay sakin at hinalikan ang likod ng aking palad.

"Iningatan ko ang buhay ko, b-but all of a sudden, hindi na talaga maiaalis sa isang tao ang kamatayan." ngumiti ito ulit sakin at tinitigan akong maigi.

"Lola... I'm sorry." niyakap ko ito ng napakahigpit. Iyong tipong walang makakapghiwalay sa amin.

"Kapag mahal mo ang isang tao. Huwag mong mahalin ang panlabas na anyo. Mahalin mo kung ano ang nasa kaloob-looban at personalidad niya. Kung nasasaktan ka na? Umiyak ka lang ng umiyak. Kung magmamahal ka, masasaktan ka because That is part of Love."

Tumango ako at humiwalay sa kanya. "Tawagin mo ang Mama mo." tumayo ako at lumabas para tawagin si Mama.

Nang matawag ko ito ay umupo ako sa upuang nakita ko at ibinuhos roon ang luha ko. That is life. Lahat ng sinabi sa akin ni Lola ay tunatak sa isipan ko. Lahat ng pangaral nito ay balang-araw ay matutunan ko.

Lumabas ako ng bahay at napatingin sa kalangitan. Gabi na, and still. Wala pa ring mga bituin. Mukhang uulan dahil nararamdaman ko ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat.

Pumasok ulit ako sa bahay ni Lola at inilibot ang tingin sa bahay niya. Dito ako nanirahan dati. Dito ako nakabuo ng mga munting alaala kasama ang lola ko.

"Dmitri!" sigaw ni Papa mula sa ikalawang palapag ng bahay namin.

"Pa?" umakyat ako sa hagdan at dumiretso sa harap niya. Hinila niya ako sa kwarto ni Lola at nakita ko si Mama na humihikbi at habang yakap si Lola na hindi gumagalaw.

Pumasok ang mga Tita at Tito ko sa kwarto at nilapitan si Lola at niyakap.

"Time of Death:6:30 pm" bulong ko habang nakatingin sa relo kong nababasa na ng luha ko.

Take Upon A StarsWhere stories live. Discover now