KABANATA II

24 2 4
                                    

"Stop cussing, Mèa. Para kang namatayan." Napairap ako sa kanya at tinaasan naman ako nito ng kilay.

"Dmitri naman?! Ba't ikaw pa yung nakakuha ng opportunity?! Sana na lang kase 'di mo ako pinayagan mag-reunion eh! Nakakainis ka!!!" Hinampas niya ako sa likod at tanging halakhak ko lang ang naisagot ko sa kanya.

Tinutukoy niya 'yong pag-alok at paghatid ni Gael sa akin kahapon. Kinuwento ko kase sa kanya kaya todo ngawa siya ngayon. Mabuti na lang at break time kaya nasa canteen ang mga kaklase ko. Kaming dalawa lang naman ang nasa room kaya ang taas ng confidence niyang sumigaw.

Take note, ang lakas ng sigaw niya kaya sobrang nakakasakit talaga sa tenga. Sinusuntok pa ang likuran ko na para ba'y isa akong punching bag.

Umupo ito sa kaharap kong upuan. Busangot na busangot ang mukha nito na para bang batang nakipag-away sa kapwa kaklase at napagalitan ng nanay niya. May papadyak pa itong nalalaman at mukhang balak yatang umiyak.

"Hinatid lang naman ako."
Pagtatanggol ko sa sarili ko at ngumisi ng nakakaloko.

"Hinatid?! Naman Dmitri, selos ako" hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinatunog. Napailing na lang ako at sinagutan na lang ulit ang assignment namin sa History.

'Di pa rin ito tumitigil sa pagngawa kaya kumuha ako ng package tape sa drawer ng adviser namin at ipinaslak sa bibig nito. Nakakasakit kase sa tenga. Kabwisit.

"Hmmmm. Mmitri!" Tinanggal niya ang package tape na inilagay ko at hinabol ako. Tumakbo ako ng mabilis paikot ikot sa room namin.

Kaming dalawa lang naman ang tao dito kaya walang may magagawang suwayin kami dahil sa sobrang ingay at mga sigaw na nagaganap sa amin.

Dumampot ako ng walis at itinapon sa kanya. At siya naman ay kinuha ang dustpan at itinapon rin sa kinaroroonan ko. Muntik pa akong ma-slide dahil dun.

"Mèa! Nakakainis ka!" Kinuha ko ulit yung walis at malakas na itinapon sa direksiyon nito.

Nakaiwas ito kaya napaangal ako. Nang tumigil kaming dalawa ay todo hingal kaming umupo. Imbes na magalit kami sa isa't isa, natawa na lang kaming dalawa.

"Pero seryoso? Ba't ka nga niya hinatid?"

Here we go again..

"Coincidence lang nga yun, Mèa. Tumigil ka nga." Wala na 'tong nagawa nang mag-ring ang bell at hudyat na naman para sa susunod na subject.

English ang next subject kaya this time, makikinig na talaga ako ngayon. Hindi kagaya nung kahapon ay nawawala ako sa sarili ko kakaisip sa mga bagay na 'di ko naman dapat iniisip.

Nang dumating ang aming teacher ay nagsitahimikan na ang lahat ng mga kaklase kong nag-iingay na tila ba'y nasa isang palengke kami.

Nagsimulang mag-discuss ang guro namin sa English. Kahit ang boring ay pinagtiyagaan kong makinig para naman ay may matutunan ako ngayong araw na 'to at 'di masasayang ang bayad ni Mama at Papa sa school na 'to :>

Nang matapos ang lesson ng guro, nilapitan kaagad ako ni Mèa para mangulit na naman. Walang tigil ito sa kakatanong sa nangyari kahapon. Halatang-halata naman kase na nagseselos siya dahil ako ang inihatid at hindi siya.

"Mèa?" Tanong ko bigla sa walang tigil na kakadakdak ni Mèa.

"Oh?!" Patanong na sigaw nito at inirapan pa ako ng gaga.

"What if? Ipadukot kaya kita sa mga kidnapper para lang magtigil ka ." Nginisihan ko ito at tumawa. Ang mukha naman nito ay 'di na maipinta sa sobrang sama ng tingin nito sakin.

"Harsh." Rinig ko pang bulong nito pero 'di ko na magawang mapansin.

Kinuha ko na ang bag ko at nakisabay sa kanyang paglalakad. It's our lunch time kaya normal lang na dalhin ko ang bag ko saan man ako pupunta. 'Di kase ako komportable sa tuwing wala akong dala na bagay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Take Upon A StarsWhere stories live. Discover now