"Kung nabubuhay ka, masanay kang mamuhay ng puno ng kasinungalingan."
Paulit-ulit nagp-play ang mga salitang 'yan sa utak ko. That's why I can't focus with our lesson this time. Jusko. Math pa naman ang subject namin ngayon at mukhang walang makakapasok kahit isang numero sa utak ko. Pumapasok sa kaliwang tenga at lumalabas naman sa kanang tenga ang pinapakinggan ko sa aming lecturer.
Napatitig ulit ako sa kawalan. It's been two months since my lola passed away. Ang sabi ko sa sarili ko 'Di ko kakayaning mabuhay kung wala ang mga payo ni lola sa tuwing nararamdaman kong mag-isa lang ako' pinanghawakan ko iyon. Iyon ang mga salitang nakatatak sa isip ko ng mga panahong hindi pa naiilibing si Lola.
Halos hindi na ako umaalis sa tabi ng kabaong niya. Gusto ko siyang makasama kahit sa nalalabing oras lang nito. Habang binabantayan ko ito, pinag-iisipan kong maigi ang mga pagsisisi ko para sa kanya. 'Di ko naisip ang mga pagkakataong nabubuhay pa si Lola at 'di ko nagawang bumuo ng mga kahit kaunting alaala.
Kung pagbabasehan sa dati kong buhay ang kasalukuyan, mas gugustuhin ko ang noon. Kung meron mang time machine, sana ibalik ako sa dating ako at dating panahon. I want to correct my mistakes and regrets back then.
"That's all for today. Goodbye." Doon lang ako naalimpungatan ng reyalidad. Bumalik ako sa katinuan ko na nagpapaalam na yung teacher at wala naman akong natutunan.
Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Sumilip ako sa bintana at napatingin sa kalangitang sobrang makulimlim. Mukhang nakikisabay ang kalangitan sa nararamdaman ko ngayon.
Napailing ako. Binuksan ko ang bag ko at tinignan kung may dala ba akong payong. Napasabunot ako sa aking buhok nang madatnan kong walang payong na nakalagay sa aking bag. Naalala kong hiniram ni Mama kagabi ang payong dahil sa sobrang lakas ng ulan. 'Di ko na nagawang kunin ulit dahil basa pa ito at naisipan ko na lang na patuyuin sa bahay.
I have no choice. Uuwi akong basang sisiw mamaya at masesermonan na naman ako ni Mama. 'Di pa naman iyon titigil kakasermon kapag 'di pa darating si Papa.
Isinukbit ko ang aking bagpack sa aking likod at nagsimula ng maglakad paalis sa aming classroom. May mga iilan pa akong kaklaseng naiwan roon na 'di pa tapos mag-make up. Uuwi na nga lang mag-ma-make up pa? Akala naman nila eh magkakaroon sila ng jowa kapag maglalagay sila ng kolorete sa pagmumukha nila.
Dumaan ako sa hallway na walang katao-tao at mula sa malaking bintanan ng hallway ay kitang-kita ko ang pag-form ng thunder sa kalangitan. 'Di ko maiwasang kabahan lalo na't ako lang naman ang tao sa corridor.
Naglakad ako ng matiwasay at ang lakad ko ay naging mabilis at hanggang sa naging takbo na. Nakakatakot naman kase ang maglakad ng ganun ang eksena. Nai-imagine ko yung sa shake rattle 'n roll tapos may maghahabol bigla sa'yo.
Nakarating ako sa main gate ng school namin ng hinihingal at sa awa ng diyos ay maayos ako. Marami akong nakasabay na mga estudyanteng papalabas at nakahanda na ang mga payong nito kahit 'di pa naman umuulan.
"Edi kayo na ang may mga payong." Bulong ko habang naghihintay sa waiting shed sa labas ng school. Nagsisimula ng umulan kaya maghihintay muna siguro ako sandali hanggang sa tumila.
"You can join me." mula sa likod ko ay nilingon ko ito at nakita ko si Gael. Ang senior high na basketball player at boy crush ng bestfriend kong si Maze. Simula pa nung 1st year highschool eh crush niya na ito at hanggang ngayon eh wala pa rin itong tigil sa pagiging paghanga nito sa Gael na 'to.
'He has a playboy type appeal' Iyan ang mga nakikita ng mga mata ko para sa kanya. Ewan ko ba kung ano ang nakita ng bestfriend ko sa lalaking 'to. I just don't like this kind of boys.
YOU ARE READING
Take Upon A Stars
RomanceSa bawat bituin na kumikislap sa kalangitan, Ay ang bawat tao na maaaring nasasaktan.