Hug

13 0 0
                                    


''Favor please. Can i hug you later?"

Napabuntong hininga ako nang mabasa ang mensahe nya. Napangiti at agad na nagtype ng reply ko.

5:00 pm na, pwede na akong umalis ng paaralan kung saan ako nagtuturo, magkikita kami ni Echo mamaya. Kaya kailangan ko nang magmadali.

''Ma'am Rhiz! Una na ako ah! Wag ilock yung gate ng boarding! Bye!"
Paalam ko sa co teacher/boardmate ko.

Sumakay na ako ng jeep.
Napapikit ako at napadasal.

Magkikita kami ni Echo mamaya pero ni hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin sa kanya.

Malinaw sa akin na masasaktan siya, ah mali. Mas masasaktan ko pa pala siya mamaya.

Nalulungkot ako, pero kung pwede ko lang ding gawing magaan ito para sa kanya ay gagawin ko.

''Lord, tulungan niyo po si Echo." Bulong ko kay Ama.

Pagmulat ko ng mata ay napansin kong malapit na ako sa dapat kong babaan. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Pero alam ko, kailangan kong gawin ito.

''Para po!" sigaw ko, dahilan para tumigil na ang sasakyan.

Naglakad ako at nagpunta na sa lugar kung saan kami magkikita, sa lugar na magiging testigo sa sakit na mararamdaman niya, gayunpaman gusto ko ring kahit papano ay magiging malinaw din, hanggat kaya ko susubukan kong maging magaan sa kanya itonh pag-uusap namin. Mahal ko sya. Mahal ko si Echo.

Nanginginig ang kamay ko habang naglalakad papunta sa kanya. Nakita ko na siya nasa pinakadulong parte ng Mcdo, doon sa lugar kung saan kami madalas magkita at mag-usap. Doon sa puwesto kung saan inaabot kami ng alas dyes, dahil sa mahaba habang kulitan at kwentuhan.Pero sa oras na ito, hindi siguro kami tatawa, hindi kami magkwekwentuhan. Sa oras na to, kailangan siyang saktan. At labag yun sa aking kalooban.

''Rhea!" bati niya sa akin. Nakangiti ang kanyang mga labi pero hindi yun ang sinasabi ng kanyang mata.

''Echo." Mahinahon ko ring sabi sabay bukas ng mga kamay ko. Tumayo siya at niyakap ako.

Pumikit ako at niyakap na rin siya.
Paano ko ba gagawing magaan ito sa kanya? Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang nangyayari? Paano ko ba sya matutulungan ng hindi sya nasasaktan?

Ilang minuto kaming naroon ng naramdaman ko nang humigpit ang yakap niya, saglit pa ay naramdaman ko nang basa na ang balikat ko, humihikbi na siya. Lalo akong nasasaktan sa nakikita ko.Napadilat ako at hinawakan ang mga kamay niya.

''Echo!" banggit ko.Tinignan niya ako ny may luha sa kanyang mga mata.

''Echo, ayaw na niya. Sorry. Kinausap ko siya at pinaliwanag niya sa akin.Im sorry. Im sorry."

Kitang kita ko kung paano dumaan ang sakit sa kanyang mga mata.

Dahilan kung bakit unti-unti ay nakaramdam ko ang pagkadurog ng puso ko.

Kaibigan ko si Echo, naging magkaklase kami ng noong 1st year college. Naging malapit kami ng imbitahan ko siyang sumama sa Campus Ministry. Dahil doon ay napalapit din sya sa bestfriend kong si Clara.

Hanggang sa nagkaroon sila ng pagkakaunawaan. Nakagraduate kami ng college at naging sila. Hindi ko naman naramdaman kahit kailan na third party ako, o third wheel pag may date sila. Kapag magkakasama kaming tatlo ay parang magkakaibigan lang talaga kami kaya naman suportadong suportado ako sa lovestory nila.

ConquerorsWhere stories live. Discover now