Heart

7 0 0
                                    


''Hi Rhiz!"

''Hi Jeddie"

''Hoy!"

''Hoy Jedidiah Rhiz!"

Saglit lang ay narinig ko na ang phone ko na nagriring. Panay kasi ang text ko sa bespren ko pero hindi sya nagrereply.

"Hoy! langya! Ano bang problema mo ah?!" bungad nya sa akin num sagutin ko ang tawag nya.

Napatawa naman ako. Ang cute cute talaga ng kaibigan kong ito.

"Iieee! Gusto ko ng ice cream! Kain tayo!" masiglang sabi ko.

''Hoy! Ang spontaneous mo ah! Di ako pwde ngayon!" pagtanggi niya!

"Hoy ka rin! Kamahalan mo kaya ako, kaya wala kang karapatang tumanggi!" pang iinis ko.

"Di nga pwede!" sabi niya ulit..

"At bakit?"

"Hmm. ..." Hindi siya makasagot kaya alam ko na.

"Okey. Gets ko na. Sige next time na lang. Bye!" pinatay ko na agad ung tawag bago pa sya makasagot.

In-off ko na rin yung selpon ko.
Today is me myself day! At walang makapipigil sa akin.

Naglakad na ako at dumiretso sa Mcdo. Wala ey peborit. Yung tipong kahit san ako mapunta, ito pa rin ang hahanap hanapin ko. Hays.

Umupo ako dun sa pinakadulo. Pagmamay ari ko un. Hahaha. Inako ko talaga no .

Hawak ang trey na may lamang dalwang regular fries, dalwang ice cream at dalwang coke!

Gusto ko ngang sumigaw ng mcdo is life kaso nahihiya ako baka sumikat pa ako.

Tahimik lang akong kumakain, pinagmamasdan ang mga tao, nakikinig sa kwentuhan ng paligid. Lahat may kanya kanyang mundo.

Tsaka ko napagtanto, Ang mundo pala talaga hindi titigil dahil sayo. Na ang mundo, nasaktan ka man o hindi, masaya ka man o hindi, hindi siya makiki-ayon sa kung anong estado mo. Patuloy syang iikot at iikot. Hahayaang nyang lumipas ang mga kaganapan, ang mag memorya at ala-ala. Ang mundo, hindi ka hahawakan, hindi ka hihilain, hindi ka hihintayin. Ang mundo, tinuturuan kang makisabay, makisama sa kabila ng kung ano mang nararamdaman mo.

"Hoy Panget!" Nawala ako sa iniisip ko nang makita ko sa harapan ko si Rhiz .

"Oh? Andito ka?" gulat na tanong ko.

"Loka! Matapos mo akong patayan ng tawag, sa tingin mo 'di ako makokonsensya!" sigaw nya pa sa akin sabay kuha ng fries.

"So hindi ka tumuloy sa lakad nyo?" tanong ko pa.

"Yep, kinancel ko muna." diretsahang sabi nya sabay kuha ng ice cream.

Kumuha naman ako ng fries, sinawsaw sa ice cream at sinubuan sya .

"So paano un? Hindi kaya magtampo un sayo?" tanong ko pa.

"Hindi, busy rin kasi sya ngayon. Nagtxt sya kanina lang kung pwedeng hindi muna kami tuloy at babawi na lang daw sya sa susunod." Pagpapaliwanag naman niya.

"Aaahhh. So pumayag ka naman?" tanong ko ulit.

"Oo naman no. Tsaka hello, hindi ko naman sya boypren, wala kaming relasyon kaya walang rason para hindi ako pumayag. Okey nga iyon para atleast magkatime na tayo." nakangiti na rin niyang sabi.

"Eiii. Hindi ka pwedeng sumama sa akin ngayon!" sabi ko bigla.

"Huh? " napakunot noo pa sya.

"Me myself Day ko ngayon! Nadeclare ko na kanina!" sabi ko, napasimangot na sya!

ConquerorsWhere stories live. Discover now