How

3 0 0
                                    

Tatlo hanggang limang taon yung posibleng pamamalagi ko sa Europe. Malaking proyekto itong naibigay sa amin sa kompanya.

Isang tulay at isang malaking gusali ang kailangan naming maitayo sa loob ng mga taon na yun.

Masaya ako sa katotohanang sa wakas, heto na ako unti-unti ko nang nakakamit ang pangarap ko.

Sigurado rin ako na pagbalik ko mula sa mga taong iyon sa Europa ay may sapat na ipon na ako para sa pangarap naman ng mga magulang ko.

Pero ang iniisip ko na lang talaga ngayon ay kung paano ko pa magagampanan ang pangako ko sa sarili ko na aalagaan at hindi ko pababayaan ang bespren ko si Rhiz.

Sa panahon ngayon ay iyon na lamang ang inaalala ko talaga. 

"Mag-iingat ka doon ah!" Pinipilit ang ngiti ni Rhiz.

"Huwag kang magpapagutom. Kilala kita, mamaya magkasakit ka na naman. Alam ko kung gaano mo kamahal yang ginagawa mo pero please lang, alagaan mo ang sarili mo. Wala ang mama mo para maipaghanda ka ng masarap na sopas kapag nagkasakit ka, wala rin ako na mambabatok sayo kapag hindi na naman maayos ang paghinga mo! Kita mo? Wala kami, kaya dapat alagaan mo ang sarili mo doon! Naiintindihan mo ba?" Dire-diretsong banggit niya kahit kita sa mata niya ang pangingilid ng luha.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Opo! Opo ate! Hindi ko po kayo bibiguin. Mag-iingat ako para sayo, sa inyo ni mama. Ayaw ko kayong pumanget kaka-alala." Natawa siya pero saglita pay naramdaman ko na ang pagyugyug ng balikat niya. Umiiyak na siya.

"Rhiz" sabay hawak ko sa balikat niya.

"Echo, wag. Ayaw kong makita mo kong umiiyak. Yakapin mo na lang ako. " Niyakap ko naman siya agad.

"Nako! Dipa ako umaalis, pumapangit ka na dahil sa iyak mo, how much more pag nakaalis na ako! Di mas panget ka na naman!"

Natawa siya pagkatapos ay kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Tumalikod sya bigla at alam kong pinupunasan niya ang luha niya.

Sa loob ng mahabang panahon nang pagkakaibigan namin ni Rhiz ay hindi ko pa sya nakikitang umiiyak palagi lamang siyang nakangiti, positibo, minsan seryoso pero hindi ko pa sya nakitang umiyak, ngayon lang.

"Okey na!" Nakangiti na naman syang humarap sa akin. Bakas sa mata niya ang naging pagluha niya pero nagniningning na ang kanyang mukha dahil sa matamis na ngiti na taglay niya.

Nginitian ko siya pabalik at niyakap muli ng mahigpit.

"Mag-iingat ka rin. Magtatawagan at magchachat tayo lagi. Huwag nating biguin ang isa't isa. Lagi dapat tayong updated sa bawat pangyayari sa buhay ng isa't isa. Ikaw lang ang bespren ko. Love you bes."

Pagkasabi ko nun ay binitiwan ko na sya.

Ngumiti lang naman sya sa akin.

Saglit pa ay narinig na namin ang sinasabing kailangan na naming pumasok. Muli ko siyang nginitian.

Niyakap ko si mama muli ng mahigpit at binulungan.

"Ma, ikaw munang bahala kay Rhiz. Papakasalan ko pa yan." Natawa si mama.

"Mag-ingat ka dun para magawa mo yan pagbalik mo." Sabi naman niya.

Hinalikan ko si mama sa noo pagkatapos ay kinawayan ko na si Rhiz bilang pamamaalam ko sa kanya.

Sa paglalakad ko papasok ay hindi ko na nagawang tumingin pabalik. Hindi ko na rin ginawa dahil natatakot ako na baka hindi ko maituloy ang paghakbang. Baka bumalik ako sa kanila, sa kanya.

Nakarating ako ng Europa at naging maganda ang naging takbo ng aking trabaho.

Sa mga unang buwan ay masasabi kong naging mahirap sa akin ang pag-aadjust. Ilang gabing nasabi kong gusto ko nang bumalik ng bansa.

Gusto ko na lamang matikman ang sopas ni mama. Gusto ko na lang sabunutan ako ni Rhiz. Gusto ko na lang umuwi talaga.

Pero sa tuwing nagbabalik naman sa isip ko na para ito sa mga pangarap namin ni Mama ay nagkakaroon ako ng lakas ng loob.

Natutuwa na rin ako dahil kahit papaano ay nag-eeport si Rhiz na replyan ako sa chat. Nakasched din na every wednesday ay magvivideo chat kami.

Hindi man kami magkasama pero nalalaman ko pa rin naman lahat ng kaganapan sa buhay niya. Kaya masasabi kong nakatutuwa ang unang dalawang taon ko sa Europa.

Nasimulan ang proyektong tulay, nakuha ko ang aking unang sahod at naipadala yun nang buong buo kay mama. Ibinilin kong para yun sa kanya at sa bahay na ipapatayo naming dalawa.

Dahil sa matagumpay na proyekto ng tulay ay naging kilala ang firm namin kaya nagpasya ang boss namin na magpatayo na ng sarili naming office doon kung saan ako at si Architect Juris ang namamahala. Maraming natuwa sa nagawang tulay kaya naging bukambibig ang aming firm.
Dahilan kaya dumami pa ang naging kliyente namin. Natuwa ako noong una, ngunit kalauna'y naging mabigat na dahil sa sobrang daming naging tanggap at marami na ring kailangang harapin. Hindi ko namalayang unti-unti na akong nawalan ng oras sa pamilya ko sa Pilipinas.

Hindi na kami halos nakakapag-usap ni Mama. Hindi na rin kami nakakapagvideo chat ni Rhiz.

Hanggang sa huling balita ko na lang ay lumipat siya ng paaralan kung saan siya magtuturo, mas malapit daw sa amin iyon. Hindi ko na nagawang itanong ang dahilan niya. Nabasa ko na lang sa chat niya iyon. Nung magrereply pa nga sana ako ay bigla akong tinawag ni Architect dahil sa isang malaking problema.

Isa, dalawa, hanggang sa nagkasunod sunod na ang problema ng firm namin. Napagalitan kami ni boss noon pero sinabi niya sa amin na kailangan naming bumawi, na kailangan naming malinis ang nasirang pangalan ng firm.

Kaya yung 3-5 taon, ay inabot ng anim, hanggang sa pito hanggang sa walong taon na pala ako sa firm, walong taon na pala ako sa Europa.

Naibalik sa dating estado ang firm.
Nalinis ang pangalan namin at naging maayos ang takbo nito kaya mula sa isang maliit na office ay naging malaking kompanya na rin ito. Lahat ito ay nagawa namin sa pagtutulungan ng team namin.

Isang araw ay masaya akong sinalubong ni Architect Juris.

"Here! Mula sa Pinas!" Sabay abot niya sa isang box.

"Owh! Thanks!" Sagot ko naman, sabay kuha sa inaabot niyang box.

"Miss ko na Pinas. Uwi tayo Engineer. Matagal na rin yung 8 years. Hindi ko na halos makilala yung kapatid kong bunso. Baby pa yun noon."

Napangiti naman ako sa kanya.

"Oo, magbook na tayo. Kahit 2months lang. After 2months, yung iba naman na kasabay din natin sa pagpunta dito. Ako na kakausap kay boss."

Namilog ang mata at napangiti ng napakalapad si Juris.

"Talaga?" Sambit nito. "Thanks Engineer!" Napayakap pa siya sa sobrang tuwa niya.

Natawa na lang ako sa kanya.
Mas bata si Architect sa akin ng isang taon epro kahit ganun ay nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa trabaho. Parehas kaming nagkamali noon kaya lumitaw ang problema mg firm pero kalaunan ay naayos din naman namin.

"So I'll just gonna check this out. Galing to kay mama sigurado."

Binuksan ko nga ang box, nandoon ang ilang paborito kong pagkain na madalas pinapadala ni mama. Ang Bugnay wine, banana chips at marami pang iba. Pero napansin ko ang isang kulay pastel purple na envelope.

Kinuha ko iyon at binasa.

"Nate and Rhiz finally wants to say I Do"

March 28, 2023
You are cordially invited

Nalaglag ang panga ko.

"How?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ConquerorsWhere stories live. Discover now