Hope

2 0 0
                                    


Hindi ako mahilig magtanim ng sama ng loob sa ibang tao, pero madaling nasisira ang pagtitiwala ko.

Madali sa akin ang maniwala, hindi ako madamot sa pagbibigay ng suporta pero madali sa aking bumitiw.

Pagkatapos ng gabing iyon ay tila unti unti nang nawala ang sumibol na tiwala sa aking puso para kay Anton.

Nung sumunod na araw ay pinilit kong makipagkita sa akin at sinabing hindi na niya kailangang ituloy pa ang panliligaw sa akin. Nakita ko noon na naguguluhan siya sa sinasabi ko pero hindi ko na nagawang i-kwento pa sa kanya kung ano ang nakita ko noong gabi iyon.

Hindi ko naman na kailangan pa ang paliwanag niya. At siguro kahit magpaliwanag pa siya ay hindi na rin nun matatatanggap ng aking sistema.

Kaya imbes na pagpaliwanagin siya, ako na ang nagsabing siguro ay hindi kami para sa isa't isa.

Masakit iyon para sa akin.
Pitong buwan ring nanligaw sa akin si   Anton. Bago ko pa siya pinayagang manligaw ay naging malapit din kaming magkaibigan, at halos dalawang taon na rin namang magkakilala.

Sa pitong buwan na panunuyo niya ay nakilala ko ang kanyang pamilya, naging malapit din sa kapatid niya. Gayundin na ipinakilala ko siya bilang aking manliligaw sa aking pamilya bagay na ikinatuwa ni Mama dahil sa unang pagkakataon ay may ipinakilala ako sa kanila.

Masasabi kong mabuting tao si Anton, kaya nga nagdesisyon na rin akong sagutin sana siya. Noong nakaraang linggo, iyon nga lang pumutok yung issue ng paghihiwalay ng mga kaibigan ko kaya hindi kami nakapagkita. Yung dapat na pagkikita namin kahapon ay nauwi sa pakikipagkita niya sa iba.

Sayang lang talaga. Pero maayos na rin siguro. Tama na rin na hindi ko siya sinagot. At umaasa akong tama rin ang desisyon kong huwag na siyang pagpaliwanagin pa.

Tama naman na siguro na tuluyan ko nang bitiwan ang nagdurugtong na ugnayan pa naming dalawa. Baka hindi lang talaga kami ang para sa isa't isa.

"Aaaaahhhhh!" Napasigaw ako sa gulat ng may kung sinong humawaknsa balikat ko.

"HAHAHAHHAHAH! Look at your face! So panget! Hahahahah"

Napatingin ako ng masama kay Echo, walangya talaga tong isang to. Kung hindi ko lang talaga siya bespren, ipapasagasa ko sya sa bus ey!

"Ang tagal mo! 15minutes na ako dito!" Atungal ko sa kanya.

"Sorry! Si boss kasi may sinabi pa." Sagot naman niya.

"Oh? Ano naman iyon?"

"Offer, may project na binibigay sa team ko, with Architect Juris. Big project, maganda pero sinabi kong pag-iisipan ko muna." Sagot niya.

Napatango naman ako.

"Maganda iyan! Grab every opportunity! Tsaka you need it, you need to be busy para kahit papaano may humilom." Sabi ko sa kanya.

"Parang ako lang nangangailangan ng paghilom ah! Nagsalita ang hindi wasak!" Mapang-asar niyang sagot kaya napatawa na lang ako.

"Kilala mo ako Echo, madali akong magpatawad. Im healed." Seryosong tugon ko na nagpatawa sa kanya.

"Really ? Healed? Hahahaha! " Nairita ako kaya sinabunutan ko muli siya.

"Hoy! Okey na ako! Loko to!"

"Tama na! Ano ba Rhiz! Awat na!" Pagmamakaawa niya kaya binitiwan ko na rin.

"Ang rude mo! Nako!" Iritableng sabi niya.

"Kainis ka kasi!" Irap ko pa sa kanya.

"Sorry na! Joke lang yun. Alam kong okey ka na. Alam ko. Alam kong maayos ka na. Iyan yung isang bagay na hinahangaan ko sayo, dahil hindi ka marunong magtanim ng sama ng loob, ang bilis mo nagpapatawad, ang bilis humilom ng sakit sa puso mo. Nakikita ko nga na masayang masaya yang mata. Sana lahat ganyan. Sana ako rin. " Seryosong sabi niya na nagpagulat sa akin.

Inakbayan ko naman siya at nginitian.

"Magiging maayos ka rin. Ikaw pa ba? Bespren mo kaya ako kaya siguro magiging maayos ka rin." Sabi ko sa kanya.

"Bes..." Seryosong saad niya.

"Hmm?"

"Sa abroad yung offer ni boss kanina. Work abroad. First time to sa company namin. " Malungkot na sabi niya.

Gulat pero ngunit ngumiti ako.

"Oh? Edi good opportunity yan. Why not take it? Sayang! Tsaka sigurado mataas ang sahod diyan." Sagot ko.

"3-5years yung kontrata ey." Sabi niya ulit. Dahil para malungkot ang puso ko.

Matagal tagal din pala.

"Oh? Ganun ba? Matagal din... Hmm... Pero kaya di ba?" Encouraged ko sa kanya.

Tumango siya.

"Kaya mo ba? Gusto mo ba yun? " Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko rin. May parte na oo gusto ko, mayroon ding parte na hindi." Sagot niya.

"Bakit hindi? Kung gusto mo na." Sagot ko sa kanya.

"Paano ka?"  Balik tanong niya na ikinagulat ko... Pero saglit lang ay napangiti rin ako. Maswerte ako sa bespren ko na ito.

"Ikaw talaga!" Pauna ko sabay hawak sa kamay niya.

"Echo, maayos ako. Maayos na ako. Ako pa ba? Bespren mo ko, kilala mo ako. Wag kang mag-alala sa akin. Nako! Sa ganda at sexy kong ito!" Ngiti kong sabi dahilan para mapangiti na rin siya.

Mangingibang bansa ang bespren ko.
Wala na akong magiging kasangga.
Mawawalan na ako ng kasa-kasama.

Pero ayos lang. Alam ko magiging maayos ako. Magiging maayos din siya. Magkikita pa naman kami.

Alam ko.
Umaasa ako.

Siguro sa ngayon sugatan muna kami, kailangan namin ang suporta ng iba at hindi ng isa't isa para lumago.

Umaasa ako.
Umaasa ako na sa muli naming pagkikita, ay maayos na siya at totally maayos na rin ako.

Hanggang sa muli.
My bestfriend. My favorite boy friend.
Echo. ❣️

ConquerorsWhere stories live. Discover now