prologue

8.2K 184 1
                                    

Danna's pov

"Tell me guys what is the purpose of protein in our body?"

Tanong ng professor namin 
Walang sumagot nanatili kaming tahimik at nakikinig dahil natatakot kaming baka kung ano nanaman ang gawin niya sa isa saamin

Tumingin ako sa upuan ng isa kong kaklase

Wala na siya...

Hindi namin alam kung anong ginawa sakanila ng professor naming ito.

"How about you ms.Rodriguez? "

Nanginginig na tumayo si katleen habang patingin tingin saaming mga kaklase niya

Ito nanaman ba?

Lumipas ang ilang minuto hindi sumagot si katleen nanatili lang siyang nakayuko at nanginginig sa takot

"At the count of 3"

Nagsalita ulit yung prof namin
Nagsimula ng umiyak ang mga kaibigan ni katleen at lalong lalo na si katleen

"1"
Ng nagsimulang bumilang ang prof namin ay lumapit si katleen
kay sir atsaka lumuhod habang umiiyak

"Sir please ayoko pang mamatay...please"

Pagmamakaawa ni katleen sa walang emosyon na teacher namin

Nagulat kami ng hablutin ni prof ang buhok nito  atsaka ito hinila na para bang may sako lang siyang dala dala

"I'll be back later after I finish this"

Sabi ng prof namin bago isinara ang pinto

Napatakip nalang ako ng muka atsaka umiyak

Bwisit hindi ko alam na sa isang pagkakamali lang mapupunta na ako sa impyernong ito

Kami ng mga katropa ko 
Akala namin laro laro lang ang lugar na ito pero hindi pala

Dahil nakapasok kami sa isang impyerno
At hindi na kami makaalis dito

Nung unang araw namin dito 
Hinangaan ko pa ang buong university dahil sa napakaganda dito 
Pati narin sa mga prof wala kayong makikitang panget

Lahat sila ay may angkin talino at kagandahan

At si sir.marcus ang pinaka gwapo at pinaka matalino at siya rin ang pinaka may kapangyarihan sa skwelahan na to.
At kung sino man ang susuway at kakalaban sakanya isa lang ang kahahantungan ......DEATH!

Magica:My Professor is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon