CHAPTER 4

3.3K 95 0
                                    

Danna's pov

"Iha sigurado akong lason ang tumama sa kaibigan mo...sa lapnos palang ng balat at sa mga sugat hindi na nakakapag taka"

Hindi ko maidilat ang mga mata ko tanging mga boses lang nila ang naririnig ko 

ano bang nangyayari saakin

"Paano naman pong nalason yan??"

Tanong ng isang pamilyar ns boses 

Si katana

"Hayyssss ang alam ko ang lason na yan ay kay....magnus siguro ay naparusahan ang batang to"

Lason ni sir magnus?

Oo nga yung pagsakal niya saakin at yung paghalik niya

"At isa pa ngayon ko lang nakita ang lason na yan ni magnus ....ngayon lang ako maka encounter sa totoong pangyayari,lagi nalang kasing base sa libro ang nababasa kong tungkol sa lason ni magnus"

Halata sa boses ng lalaking yun ang pagkamangha

Bakit siya namamangha 

Atsaka bakit parang wala namang masakit saakin
Ano yung dugo kagabi?

"Bakit naman po?"
Si reah

Ayos lang kaya siya alam kong natakot siya kagabi base sa itsura niya noong bumagsak ako sa sahig

"Hahah iha ang lason ni magnus ay nakukuha lang sa pamamagitan ng halik o pagdampi ng dugo niya. sa kahit anong parte ng katawan mo kaya nga ang tawag namin sa lason niya ay...butterflies touch,at ngayon lang niya ito nagamit dahil ayon sa pag aaral namin ang lason niya ay may kakayahang makapatay ng kahit na sino."

Butterflies touch 

Naalala ko nanaman yung paghalik saakin ni sir magnus 

Yun ba yun?

Ka-kaya pala may kakaiba nung hinalikan niya aKo

Sinalinan niya ako ng lason niya para magtanda ako 

Pero bakit kailangan pati mga suot ko ay sirain niya?

At baKit hindi ako namatay?

"Siguro hindi namatay ang kaibigan mo dahil sa nilimitahan lang ni magnus ang dami at lakas ng lason na sinalin niya sa kaibigan mo....ang swerte niya"

Bakit hindi nalang niya ako pinatay 
Mas gugustuhin ko pa yun 

Napadilat ako ng may naramdaman akong sakit sa dib dib ko para bang pinupokpok ito

"Mukang ....umeepekto na ang lason"

Sabi ng doctor bago kinuha ang syringe atsaka tinusok iyon saakin
Napahawak ako sa kamay ng doktor 

"Pasensya na iha hindi ko pwedeng pakielaman ang lason na iyan dahil si magnus ang kumokontrol diyan...mawawala rin yan mamaya"
Sabi ng doctor bago umalis at iniwan akong namimilipit sa sakit

Sobra sakit hindi ko magawang sumigaw dahil sa parang sinisilaban ang buo kong katawan 

Para akong nasa impyerno

"K-katana"
Pagtawag ko sa kaibigan kong nakatitig saakin 
Mas lalo pa akong napaiyak ng tumalikod saakin si katana atsaka iniwan ako mag isa dito sa kwarto

Ngayon mag isa nalang ako...
Kasalanan to ng hayop na john na yun
Kung hindi man ako mamamatay ngayon sisiguraduhin kong ako ang papatay sakanila 

"Time's up"

Napatingin ako sa nagsalita na iyon nasa may bintana siya at nakatayo 
Naka cross arms at pinagmamasdan akong 

Umiiyak dahil sa sakit

"Tapos na ang parusa mo...sana naman ay nagtanda ka"

Sabi nito bago lumapit saakin

"Ka-katana"

Pagtawag ko sa kaibigan ko para tulungan ako pero...hindi ako makasigaw 

Baka kung ano nanaman ang gawin saakin ng magnus na to hindi ko na kaya 

Kailangan ko pang mabuhay para makaganti sa john na yun at dun sa babae niya!

Ipinikit ko ang matako at hindi ko ininda ang sakit na bumabalot sa katawan ko

Inisip ko ang lahat ng sakit at paghihirap pati narin ang pagiging muka kong tanga sa harap nung ex boyfriend ko

Hindi ako mahina para kayan kayanan lang nila 

Hindi ko alam pero may nararamdaman akong enerhiya na nag papawi sa sakit na bumabalot sa katawan ko 

Kakaibang enerhiya....

"Magaling"

Napamulat ako dahil sa nag salitang iyon
Hindi pa siya umaalis 

"I-iwan mo na ako dito!"

Sa wakas ay nakasigaw na rin ako 
Pero paano kong nagawa ito?

"Gumagamit ka ng chakra para maalis ang lason ko...paano kung sabihin kong ...."

Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya 
Basta nalang niyang ipinitik sa hangin ang daliri niya 

Kasabay nun ay ang pagsakit ng buong katawan ko

Mas dumoble pa ang sakit 

"Hindi mo kayang kontrolin ang lason ng hari ng mga gagamba"

Mas lalo akong naiyak dahil hindi na ako makahinga

May plano ba siyang patayin ako?

"Hindi kita papatayin sa ngayon..."

Nagulat ako ng dumagan siya saakin atsaka niya inilapit ang muka niya sa muka ko

"Dahil sa hindi ko malamang dahilan...may nararamdaman akong kakaiba sayo"

Sabi nito bago idinampi ang labi niya sa labi ko .
Nagkaroon ako ng lakas na igalaw ang kamay ko pero agad niya iyong tinabanan atsaka 

Inilagay sa ulunan ko

Kaya ang nangyari ay nakadagan siya saakin habang hawak ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko na nasa itaas ng ulunan ko 

Hindi ako makapalag dahil sa ramdam ko parin ang sakit na epekto daw ng lason na nasa katawan ko 

Ano bang ginagawa niya bakit niya ako hinahalikan?

Pinapasahan nanaman ba niya ako ng lason?

Napamilog ako ng mata ng may maramdaman akong mainit na pumapasok sa bibig ko

A-anong ginagawa niya?

Nagwawala ako at pinipilit kong matanggal ang pagkakahawak niya sa dalawa kong kamay

Isa lamang ang gamit niyang panghawak pero napaka lakas niya 

Ni hindi ko makayang tanggalin ang pagkakahawak niya 

Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak at magwala 
Dahil sa takot na takot ako sa kung anong pwede niyag gawin saakin

Yung mainit na kanina lang ay pumapasok sa bibig ko ay parang nasa dib dib ko na

Ng tinanggal na niya ang pagkaka dampi ng labi niya saakin ay habol ko ang hininga ko 

Nakakahinga na ako...

Hindi ako makagalaw dahil sa nakadagan parin siya saakin 

Habang nakatitig sa muka ko 

Na para bang may iniisip siya 

Nawala na ba ang lason?

Wala na akong nararamdaman kundi init na para bang pinakakalma ang buong sistema ko 

Atsaka isa pa nakakahinga na ako ng maluwag 

Wa-wala na ba?

Hindi ko muna pinansin amg lalaking nakadagan saakin sa halip ay napapikit ako dahil sa pagod at sa lakas na naubos ko dahil sa lintik na lason na yun

"Sleep well"

Huling salitang narinig ko bago ko isara ang mga mata ko

END OF CHAPTER 4

Magica:My Professor is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon